Chapter 15

1133 Words
Chapter 15 DALA PA rin ni Wakan ang isipin kung paano sumalungat sa kaniya si Lauro at kung saan nito dinala si Loise. Ngunit ang munting kasiyahan na nadarama ay kaniyang pilit itinatago. Hindi niya lubos akalain na nakikita na niya ang kaunting pag-asa nang dahil sa kamay ng mga estudyanteng kailan niya lang nakilala. Kaya naman matapos ang pag-uusap kasama si Pinunong Magallon ay nagpasya siyang sundan ang mga dilag, lalo na't umaasa siya na sa tuluyang pag-alis ng mga ito sa bayang iyon ay muli silang magkikita ni Kitch. Subalit paano nga ba sila ulit magtatagpo kung malabo rin siyang magustuhan nito lalo na't malaki ang kasalanan niya sa batas? Samantala'y sandaling natigil sa paglalakad ang grupo nila Kitch nang matunugan ang isang sigaw ng pamilyar na boses galing sa isang babae. "T-tulong! T-tulungan n'yo kami!" Nagkatinginan pa silang lima at sinubukang hanapin kung saan nanggaling ang sigaw na 'yon. "Tama ba ang pagkakarinig ko? Parang boses ni Loise 'yon!" wika ni Fudge na nagpasang-ayon sa kanila. At habang palapit sila nang palapit sa daan palabas ng bayang iyon ay palakas din ng palakas ang boses na kanilang narirnig. Subalit sandali pa silang nagkatinginan nang boses naman ng lalaki ang kanilang narinig. "Tulungan n'yo kaming malaman ang tamang daan!" "Pero sino naman ang kasama niyang lalaki?" tanong ni Kitch. Sa kanilang pagtataka ay mabilis silang naglakad ng naglakad. At sa kanilang tuluyang paglalakad ay narating na nga nila ang daan palabas ng bayang iyon. Doo'y natanaw kaagad ni Fudge ang kaniyang kotse na nakaparada pa rin doon subalit hindi kasiya-siyang pagmasdan ang itsura nito sapagkat may bahid ito ng mga dugo. Pero laking pasasalamat na lang din niya dahil walang nagtangkang manira ng kaniyang kotse kundi ay tiyak na lagot siya sa Mommy at Daddy niya. "Ayos, kailangan lang 'tong ipa-car wash," sabi ni Fudge matapos subukang paandarin ang makina. "Buti at may gasolina pa?" tanong ni Siobe. "Kaya nga, e." At sa kanilang pag-uusap ay muli na naman silang natigilan sa boses na kanina pa nila naririnig. "T-tulong!" Napababa ng kotse si Fudge at mabilis pa sa alas kwatro itong tumakbo patungo kung saan ay mas malakas niyang naririnig ang boses ni Loise. Napasunod na rin ang apat sa kaniya at sa kanilang paghahanap ay hindi nila mawari kung masisiyahan ba sila sa nakita-- dahil bukod sa nanghihinang pustura ni Loise ay kasama nito ang isang Obalagi na si Lauro. Halos hindi na ito makalakad dahil sa iniindang pagsakit ng tuhod nang maabutan nila itong dumadaing kay Lauro. "Kaya mo pa ba?" Narinig nilang tugon ni Lauro. "Loise?" At dahan-dahang napalingon sa kanila ang kaklase sa kabila nang nanghihina nitong katawan. Mabilis itong hinabol ng yakap ni Fudge at nilapitan nina Kitch, Siobe, Devee at Daizy. "M-mabuti at.. ligtas ka," hinihingal na wika pa ni Fudge. At doo'y pumatak ang luha ni Loise habang yakap-yakap ang kaibigan. Nang maghiwalay sa yakap ay doon lang ito nagsalita. "P-pinilit kong makasigaw para lang matunugan n'yo kung nasaan kami ni Lauro." Bigla silang napatingin sa kasama nitong si Lauro na hindi pa rin maitatago ang anyo bilang Obalagi. "So, totoo nga na sumuway ka kay Wakan?" paniniguro rito ni Kitch. "Pero anong plano mo sa kaklase namin? Bakit inilayo mo siya?" tanong naman ni Siobe. Subalit hindi ganoon ang interpretasyon na nakikita ni Fudge sa binata kundi ang sinseridad nito na makatulong kaya naman, "Sandali, 'wag n'yo muna siyang husgahan. Hindi n'yo ba naisip na may pagkakataon niyang patayin ng kahit anong segundo si Loise pero hindi niya ginawa at isa pa, ang pagsuway niya sa kagustuhan no'ng una ni Wakan ay patunay lang na maganda ang kaniyang hangarin." Napa-isip sina Kitch, Siobe, Devee at Daizy sa sinabi niya. At gano'n na lang din ang pagsang-ayon sa kaniya ni Loise, "T-tama ka, Fudge, mabuting tao si Lauro. Kahit minsan na siyang naging m-masama nang dahil s-sa tradisyon n-nila.." nanghihinang wika ni Loise. Kaya naman agad na nakapagdesisyon si Fudge. "Loise, kailangan ka na naming itakbo sa malapit na hospital." At sandali itong sumulyap kay Lauro at sinabi, "Pero paano ka? Siguradong parusa ang naghihintay sa'yo sa kaharian?" "Hayaan n'yo na ako, kaya ko ang sarili ko, mga dilag. Ang alalahanin n'yo ay si Loise dahil mukhang hindi na kakayanin ng katawan niya." May lungkot sa boses nito nang sabihin iyon. Kaya bago pa man magpasyang kargahin nina Fudge at Kitch si Loise ay natigilan sila sa biglaang paglapit ni Lauro kay Siobe. "Paumanhin, magandang dilag, sapagkat nagawa kong gayahin ang iyong anyo para lang pumayag sa akin si Loise sa aking kagustuhang matulungan siya." Nakayuko ito habang sinasabi iyon habang makikita ang unti-unting pagsilay ng ngiti sa labi ni Siobe. "Wala 'yon, L-lauro. Sana lang ay maging aral na rin sa'yo ang naranasan mo sa kamay ng inyong pinuno. Alam kong saksi ka sa mga naranasan namin ni Loise. At utang sa'yo ni Loise ang kaniyang buhay dahil kung sinunod mo ang utos ni Wakan ay malamang, pinatay na siya ni Pinunong Magallon." Ramdam nila ang sakit sa bawat salitang binitawan ni Siobe. At ilang sandali pa ay para itong nataranta nang biglang may maalala. "Bakit, Siobe?" tanong kaagad ni Devee. "'Yung liham.. nandoon ko 'yon inihulog sa bahay kubo ni Lola Esma!" "Para saan ang liham na 'yon?" tanong naman ni Kitch. "Iyon ang magpapatunay ng mga naging karanasan namin ni Loise sa bayang ito." Matapos marinig 'yon ay tila nabuhayan sila ng pag-asa gayong si Siobe lang naman pala ang susi para malaman ang pinaka-tradisyon ng mga Obalagi at sapat na ang mga naranasan nila ni Loise para mapatunayan 'yon. "Kung ganoon ay balikan natin 'yon," wika ni Daizy. Subalit natigilan sila sa pagsalungat ni Lauro. "'Wag-- 'wag n'yo nang subukang balikan dahil sa pagtalikod n'yo pa lamang ay nasisiguro kong may masama nang binabalak ang pinuno!" Nagkatinginan silang lima habang patuloy sa pag-ingit si Loise. "Sandali, si Loise! Kitch, buhatin na natin siya patungo sa kotse," wika ni Fudge na halos magpataranta sa kanila. At bago pa man sila tuluyang tumalikod kay Lauro ay nagpasalamat ulit sina Devee at Daizy dito. Mabilis na pinaandar ni Fudge ang kotse habang binuksan naman ni Kitch ang kaniyang google map upang maging guide nila sa biyahe. "Mayroon kayang malapit na pa-car wash-an dito?" tanong ni Fudge sa gitna ng biyahe. "Siguradong mayroon 'yan, sa kabilang bayan," paniniguro ni Kitch. "Sige, pero isugod na muna natin sa malapit na hospital si Loise," ang sabi naman ni Fudge. Samantala'y habang mag-isa at nalulungkot si Lauro habang iniisip ang sitwasyon ngayon ni Loise ay hindi niya inaasahan ang boses na bubungad sa kaniya. "Lauro." "Wakan." Seryoso ang mukha nito at sa loob-loob niya'y nagtatago ang kaba. Sari-saring emosyon ang nararamdaman niya bago pa man ito tuluyang makalapit sa kaniya. Ngayon na nga ba ang katapusan niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD