LINGID SA kaalaman ng magkakaklase na nasa kamay na ulit ng mga Obalagi si Loise, na hindi sinasadyang madadakip ni Lauro nang nagkataong humanap ito ng palikuran para umihi. Si Lauro na may lihim na atraksyon sa estudyanteng ito kung kaya't kahit labag sa kaniyang kalooban na kopyahin ni Wakan ang pustura at itsura nito ay wala siyang nagawa pero hindi maitago ang kaniyang munting kasiyahan na nahahawakan niya ngayon ang dalaga. Nasaksihan niya ang nangyari, kung paano pinatay ni Wakan ng walang awa si Mang Rogelio, at nasaksihan din niya ang katapangan ng mga kasamahan ni Loise para lang maging matagumpay sa kanilang mithiin. Nakita niya rin kung paano nabago ang isip ni Wakan nang malaman ang tunay na pakay ng grupo nila Kitch at labis niya iyong ikinakabahala dahil sadyang mahirap makumbinsi ang kanilang pinuno.
Wala pa ring malay si Loise matapos itong gamitan ng kapangyarihan ni Wakan. Kaya naman mas humina pa ang katawan nito nang sandaling sumapi si Wakan dito upang magaya ang totoong Loise at magpanggap bilang si Loise. Sa katunayan ay labis ang lungkot na nararamdaman ni Lauro lalo na't nararamdaman niyang nalalapit na ang kamatayan ni Loise. At kung may kapangyarihan lang siya na makapagpapagaling dito ay gagawin niya, ang kaso ay kakaibang kapangyarihan lamang ang isinalin sa kanila, at iyon ay ang kakayahang mangopya ng pustura at itsura ng isang tao.
"Kailangan mo siyang ilayo rito, Lauro, dahil kung hindi ay hindi magiging matagumpay ang pagpatay kina Rogelio at Esma."
"Apan asa ko siya dad-on?"
Translation: "Ngunit saan ko siya dadalhin?"
"Saan pa ba? Edi sa kaharian."
Dahan-dahang napatango si Lauro subalit lihim na itong nagpaplano kung paano maibabalik si Loise sa mga kasama nito.
Nang magkamalay si Loise ay agad niyang tinakpan ang bibig nito upang 'wag magdulot ng kung anong ingay. Lingid sa kaalaman ni Wakan na naroon pa rin sila sa ilalim ng mga kakahuyan kung saan sila nito iniwan. Pero bago pa man ito tuluyang makadilat ay kinopy na niya ang anyo ng kasama nito noong nabihag sila ng mga Obalagi, si Siobe. Napabalikwas sa pagbangon si Loise habang iniinda pa rin ang mga sugat na natamo. "Siobe? Anong nangyari? Nasaan tayo?"
"L-loise," kinakabahang aniya.
"Siobe naman, bakit ba tayo napunta rito? At nasaan sila Fudge?"
"Kasama nila si Wakan," tanging saad niya na sandaling nagpakunot ng noo ni Siobe.
"Wakan? Sino 'yon?"
"Loise, 'wag mo nang alamin, ang importante ngayon ay kung paano tayo makakaalis sa bayang ito. Tulungan mo akong hanapin ang tamang daan." Nagtataka man si Loise sa ikinikilos ng kaklase ay napapayag pa rin siya sa kagustuhan nito.
Inalalayan ni Lauro itong makatayo hanggang sa magsalita itong muli, "Sandali," anito na ikinatigil niya. "Hindi ko na rin matandaan kung saan ang tamang daan, pero susubukan natin." Napatango si Lauro na nagbabalat kayo pa ring si Siobe. At ewan ba niya kung bakit ginagawa niya ito ngayon, marahil ay sadyang nakita niya sa grupo ng mga estudyanteng kasama ni Loise na maganda naman ang hangarin nito sa kanilang bayan at kung siya ay tatanungin ay pabor siyang mabago iyon.
Samantala ay bago pa man sumapit ang umaga ay tahimik na binasa ni Wakan ang nakasulat sa papel na naglalaman ng liham. At doon niya lang napagtanto na mula iyon sa panulat ni Siobe. Kung saan ay isinulat nito ang kakaibang naranasan sa kaharian ng mga Obalagi. Ang mga natuklasan nito ay sadyang sinang-ayunan niya at nagbigay sa kaniya ng kaunting awa. Doon niya lalong napatunayan na walang masamang intensyon ang grupo ng mga estudyanteng ito kundi ay para makabuo lamang ng isang makabuluhang dokumentaryo. Muli niyang binalikan ang pangyayari kung saan ay unang beses siyang nakatapak sa kaharian ng mga Obalagi, nang naging parte siya ng nasabing grupo na tila dumaan muna siya sa animo'y tusok ng karayom bago maging karapat-dapat na miyembro. Doo'y naranasan niyang magkaroon ng buong pamilya sa kabila nang hindi makatwirang paniniwala nito. At habang binabasa niya iyon ay bigla na lamang pumatak ang kaniyang luha. Wari ay tuluyan nang nagbago ang kaniyang pananaw na magbagong buhay na rin kapag naging matagumpay ang grupo nila Kitch sa pagtuklas ng katotohanan.
Nang tuluyang sumikat ang araw ay magkakasama silang nagtungo sa kaharian ng mga Obalagi maliban kay Lola Esma na piniling 'wag sumama dahil nabanggit ni Wakan dito na nanganganib ang buhay nito. Kaya naman bumalik na lamang si Lola Esma ng kaniyang bahay kubo. Hangad nito ang tagumpay sa pananaliksik ng grupo nila Kitch.
Samantala'y binigyan siya ng kakaibang tingin ng ilang mga kapwa niya tauhan subalit pinandilatan niya lang ito ng mata kung kaya't maging siya ay tinutukan din nito ng dahas.
Ngunit nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad kasunod ang grupo nila Kitch. At nang sandaling magtagpo ang kanilang mata ng pinuno ay nagtataka ang tingin nito. Pero bago pa man ito makapagsalita ay lumuhod siya sa harap ng pinuno kahit nagtataka ang tingin nito. "Pinuno, ikinagagalak ko pong ibalita sa iyo na napatay ko na si Rogelio," panimula niya na nagpalabas ng ngiti nito. Iyon ang plano niya, ang kuhanin muna ang loob nito bago kausapin ng masinsinan.
At ilang saglit pa ay muling napatingin ang pinuno sa mga dilag na kasama niya. "Kinsa sila? Bag-o ba ako nila?" wika nito.
Translation:
"Sino sila? Sila ba ang mga bago mong iaaalay sa akin?"
Subalit, nabaling ang tingin nito kay Siobe na doble na ang kaba. Ngunit hindi pa man nakapagsasalita ang pinuno ay inunahan na 'to ng kanang kamay na si Zytus. "Sandali, hindi ba't siya ang isa sa mga bihag natin? Bakit kasama mo na siya? Saan ka ba talaga nanggaling?" magkakasunod na tanong nito sa kaniya.
Sandali siyang napasulyap kay Zytus at muling napatingin sa mga dilag na kaniyang kasama. Ayaw niyang masira ang tiwalang ibinigay ng mga ito sa kaniya. Kaya kahit anong mangyari ay handa niya iyong panindigan. At naglakas loob siyang magsalita muli, "Pinuno, hindi mo ako maiintindihan.. pero.. nais kong malaman mo na hindi sila mga kalaban."
Lalong nagtangis ang bagang ni Pinuno Magallon. "Pero hindi nila magugustuhan ang maaari nilang sapitin sa kaharian ko! Dahil iyon ang ating tradisyon."
"Pakiusap.. sundin mo kung ano ang tama," pagpapalakas pa ng loob ni Kitch kay Wakan.
Dahilan para mas maging determinado si Wakan. "Pero-- mababait silang mga tao, kita mo't hindi nila ako pinaslang.. na kung tutuusin ay may pagkakataon na nila akong patayin. Kaya nararapat lang na palayain na natin sila rito sa bayan ng Mumayta." Itinuro pa niya ang sugat na natamo dahilan para lalong manindigan ang pinuno sa sarili.
Sadyang hindi nagpatinag ang pinuno. "Hindi maaari! Hindi nila mababago ang sarili nating tradisyon!"
"Pero malinis ang kanilang intensyon--" natigilang tugon ni Wakan.
"Buo na ang desisyon ko, nakahanda na rin ang mga espadang kikitil sa buhay ng natitira pa nating bihag," sabi nito na nagpakaba lalo sa magkakaklase. Napa-iling na lamang si Wakan bagama't iniinda ang sugat na natamo.
"H-hawak po ninyo ulit si Loise?" naluluhang tanong ni Kitch. At doo'y marahanang napatango ang pinuno habang nakangisi.
"Buhii ang nabihag!" utos nito sa ilang Obalagi.
Translation: "Ilabas ang bihag!"
Samantala'y nanatiling nakatitig si Zytus kay Wakan na ngayon ay umaasang papayagan ang kaniyang kagustuhan.
"Pinuno, batid kong may kapalit na gantimpala ang aking pagpaslang kay Rogelio. Kaya imbes na tumaas ang aking posisyon dito ay hinihiling ko sana na pagbigyan na lamang ang kagustuhan ng mga dilag na ito." Hindi agad nakapagsalita ang pinuno subalit hindi maalis ang pagtataka sa mga nito. At nang sandaling titigan siya ni Kitch ay mas nanaig ang paghanga niya para sa dalaga. "Pakiusap, pinuno.. hindi sila mga kalaban, mga estudyante lamang sila na ang tanging hangad ay makagawa ng isang dokumentaryo upang ipalaganap sa mga susunod pa'ng henerasyon."
"Hindi ako makapapayag na makarating sa ibang bayan ang tungkol sa tradisyon natin! Ang kapangyarihan na mayroon tayo ay mas lalong pinag-iingatan ko!"
"Kapangyarihan?" tanong ni Kitch dahilan para mapalingon sa kaniya ang pinuno. At saka naman nagbalik ng tingin si Kitch kay Wakan. "Anong klaseng kapangyarihan ang inyong kakayahan?" Hindi alam ni Wakan kung tama lang ba na sabihin niya ang katotohanan gayong nasa harapan niya ang kanilang pinuno.
Samantala ay lalong naghimutok sa galit ang pinuno nang mapag-alamang wala roon si Loise. Na inakala nitong dinala roon ni Lauro matapos madakip. Kaya naman nagngingitngit ito sa galit nang harapin sila. "Tanga kayong duha Lauro! Giingon nimo nga nakuha na usab nimo ang usa sa mga gwapa!"
Translation: "Mga hangal kayong dalawa ni Lauro! Ang sabi n'yoy hawak niyo ulit ang isa sa mga dilag!" Ang tinutukoy nito ay si Loise na labis na ikinagulat ni Wakan dahil hindi nito akalain na hindi siya susundin ni Lauro.
"Imposible," tanging nasabi ni Wakan ngunit sa loob-loob ay tama ang ginawa ni Lauro dahil tuluyan lang na manganganib ang buhay ni Loise sa kamay ng mga ito.
"Ngunit, ipinarating n'yo rito sa kaharian ang balitang iyon, Wakan!" galit na ring usal ni Zytus.
"Dili ko hingpit nga madawat ang imong pagbudhi kanako ug ni Lauro!"
Translation: "Hindi ko lubusang matanggap ang pagtataksil n'yo sa akin ni Lauro!"
Napa-iling lamang si Wakan at sinubukang magpaliwanag, "Imposible iyon, Zytus, sapagkat maayos pa kaming nag-usap ni Lauro bago ko paslangin si Rogelio."
Isang ngisi lang ang pinakawala ni Zytus, patunay na hindi naniniwala sa kaniya. Kaya naman mas nanaig pa rin ang paninindigan ni Pinunong Magallon sa sarili na hindi magpapadaig sa mga dilag.
"Ano ba? Sabihin ninyo ang totoo!" matapang na sigaw ni Kitch dahilan para lalong maging matibay ang pagsalungat sa kanila ng pinuno. "Kapangyarihan n'yo ba ang manggaya ng isang tao nang walang kahirap-hirap? Hah?" tanong niya dahilan para tumingin sa kaniya si Wakan. Nagtataka ang mga mata nito kaya naman nagpatuloy siya sa pagsasalita, "Oo, tama ang narinig n'yo, alam ko! Dahil kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano nagpalit ng anyo ang iyong alagad sa katauhan ng aming kaklase!" sagot ni Kitch.
"Isog ka, anak, unsa man kon patyon ko lang ikaw baylo sa usa kita-a bihag?"
Translation: "Matapang ka, bata, ano kaya kung ikaw na lang ang paslangin ko, kapalit sa isang nawawalang bihag."
"'Wag pinuno!" mabilis na pagpigil ni Wakan. Ipinagtaka iyon ng pinuno at maging ni Zytus.
Napangisi ang pinuno at napatitig sa katapangang ipinapakita ni Kitch. "Sandali," aniya na nagpatahimik sa lahat. "Nagbago na ang desisyon ko," dagdag pa nito na ikinakaba ng karamihan. Saka niya itinuro si Kitch. "Ikaw? Gaano ka ba ka-determinado na alamin ang aming tradisyon at maging ang aming kapangyarihan? Bibigyan kita ng pagkakataon na sagutin 'yan at kapag nagustuhan ko ang sagot mo ay hahayaan ko na kayong umalis kasama ang mga kaibigan mo." Napalingon si Kitch sa mga kasama habang ang mga tingin nito'y nag-aalala.
"Wakan, bakit ka nandiyan?" nagtatakang wika pa ng pinuno.
"Pinuno, ipagpaumanhin ninyo sapagka't labis po akong humahanga sa kaniya, dahil sa kaniyang angking katapangan-- at bilang pasasalamat sa hindi niya pagkitil ng buhay sa akin ay nais kong maging sang-ayon sa anumang kagustuhan nila," anito na hindi sinasadyang makakapagpahabag sa pinuno.
Subalit ayaw nitong magpahalata kung kaya't ibinalik nito ang tingin kay Kitch. "Ano na magandang dilag?"
Pormal na humarap sa kaniya ang dalaga. "Kung ako po ang tatanungin ay wala naman talaga akong ideya sa bayang ito. Sadyang naligaw lang po kami ng napuntahan, subalit sa aming pananaliksik sa bawat araw na lumilipas ay hindi ko inaasahang magiging makabuluhan ito.. hindi ko akalain na ang bawat tradisyon ay may kaakibat na pagpapahalaga sa sariling bayan, hindi ko akalain na sa kabila ng hindi pagiging ordinaryo ng bayang ito ay nagagawa ninyong mabuhay ng normal, hindi ko alam kung ano ba talagang karapatan namin na tuklasin ang misteryo tungkol sa bayan na ito gayong isa lamang kaming manlalakbay at mga estudyante." Napabuntong hininga siya at saka ipinagpatuloy ang pagsasalita, "Kasama ang aking mga kaklase ay malaya kaming nakarating sa bayan na ito at kahit puro karahasan ang naranasan namin dito ay alam kong magsisilbi itong inspirasyon sa mga makakapanuod ng aming dokumentaryo."
Hindi na nakapagsalita pa ang pinuno sa mga sinabi ni Kitch, at hindi maitatangging labis siyang humanga rito. Gayunpaman ay isang desisyon ang kaniyang sinabi na makapagpapabago nang takbo ng kanilang buhay.
"Binabawi ko na ang lahat nang sinabi ko. Makakaalis na kayo ng malaya sa bayang ito," panimula nito na naghatid ng saya kila Kitch. "Pero sa isang kondisyon.." muling sabi nito na nagpakaba sa lahat.
"A-ano 'yon?" kinakabahang tanong ni Devee.
Tumingin ito ng seryoso sa kanila at hindi nila inaasahan ang magiging pabor nito. "Maaari bang bago ninyo matapos ang inyong dokumentaryo ay baguhin ni'yo na ang inyong paniniwala sa aming tradisyon? Maaari ba 'yon? Pangako ko na babaguhin na namin ang aming tradisyon, ayaw ko lang na maging masamang ehemplo sa mga susunod pa'ng henerasyon.."
Napangiti si Kitch at pormal siyang hinarap. "Pinunong Magallon, 'wag ka pong mag-alala, makakaasa ka.. makakaasa kayong mga Obalagi na tanging magandang karanasan lamang ang aming ibabahagi sa aming dokumentaryo," pagsisinungaling ni Kitch. Dahil sa katunayan ay walang magandang nangyari sa bayang iyon kundi puro karahasan at pagtanggal ng karapatan sa mga kababaihan.
Naging matiwasay ang isipan ng bawat isa, at kagaya nang magiging katahimikan ng buhay nila ay ang panibagong yugto ng buhay para sa bayan ng Mumayta.
Laking pasasalamat din nila kay Lola Esma na sa kabila nang kawalan nila ng tiwala nila rito nitong nakaraang araw ay nanatili ang katapatan nito sa kanila.
"Maraming salamat at natupad na ang inaasahan kong mangyari at sa kamay ninyo ay posibleng mabago ang tradisyon ng bayang ito," anito at nagbigayan sila ng mahigpit na yakap sa isa't isa.
"Mabuhay ang mga Obalagi!" sigaw pa ng mga ito bago pa nila tuluyang lisanin ang bayang iyon.
Sa kalagitnaan ng paglalakad ay nagsalita si Fudge, "Pero hindi pa tayo tuluyang makakaalis dahil may isa pa tayong problema." Dahilan para mapalingon sa kaniya ang apat at maging si Lola Esma na sinamahan sila. "Ang hanapin si Loise."
"Oo nga pala, nasaan kaya siya?" tanong ni Siobe.
At kasabay nang paghahanap kay Loise ay nanatili pa rin malaking katanungan para sa mga magkakaklase kung ano ba talaga ang nakasanayang tradisyon ng mga Obalagi na hindi nila batid na nasa kamay ni Wakan ang kasagutan.