"Laganap na nga po sa isang bayan ng Davao ang pagbubuwis buhay ng isang matandang babae, sa aming nasagap na balita ay napag-alaman naming nagawa niya lamang iyon dahil sa isang grupo ng estudyanteng buong tapang na nagsaliksik sa bayang iyon," ang sabi ng reporter mula sa telebisyon sa isang karinderia mula sa kanilang bayan. Kakasibol pa lamang ng araw nang mapanuod nila ang balita. At ang impormasyong iyon ay nagbigay linaw sa kanila gayong muling pumasok sa isipan ni Kitch ang mga sinabi noon sa kanila ni Lola Esma. "Hindi totoo ang iniisip ninyo.. kakampi ninyo ako at handa kong talikuran ang tradisyon na nakasanayan at ibuwis ang sarili kong buhay alang-alang sa kaligtasan ninyo.." At isang konklusyon at katanungan lamang ang pumasok sa isipan ni Kitch.. "Kung isinakripisyo ni Lol

