Chapter 17

2045 Words
ANG BUONG akala ni Lauro ay dadalhin siya ni Wakan sa kaharian kung saan ay naghihintay sa kaniya ang kaparusahan. Pero nagkamali siya, dahil nanatili silang nakatayo roon hanggang magtakip-silim. "Wakan, ngano nga karon adunay ka higayon nga itugyan ako sa pinuno dili ba? Dili ba nga gusto nimo nga mobangon ang imong posisyon sama ni Zytus?" Translation: "Wakan, bakit ngayong may pagkakataon ka para iharap ako sa pinuno ay hindi mo ginawa? Hindi ba't ang nais mo lang naman ay mas tumaas ang iyong posisyon katulad ng kay Zytus?" "Kadto ang unang higayon, Lauro. Apan makita mo karon nga nagapangita pa ako usa ka paagi aron kita makagawas dinhi," sagot ni Wakan nang hindi nakatingin dito. Translation: "Noong una lang 'yon, Lauro. Pero kita mo naman ngayon na humahanap ako ng paraan para makatakas dito." "Apan delikado ang imong giplano, Wakan. Kung adunay pa unta ako higayon kaniadto nga moapil sa ilang pagbakwit, moapil unta ako, tungod kay nabalaka gyud ako bahin kang Loise." Translation: "Pero delikado ang binabalak mo, Wakan. Kung ako nga lang na may pagkakataon kanina para sumama sa kanilang lumikas ay sumama na ako, dahil nag-aalala talaga ako kay Loise." Sa puntong iyon ay napalinga kay Lauro si Wakan. At hindi nito inaasahan na magsasalita siya sa wikang Tagalog, "Iyon ba ang dahilan kung bakit sumalungat ka sa akin? Sa pagkagusto mo sa dilag na si Loise?" paniniguro niya. Kaya naman sumagot na rin ito sa wikang Tagalog, "Oo, at hindi ba't may gusto ka rin sa dilag na si Kitch kung kaya't gano'n din kabilis na nabago ang hangarin mo?" Hindi niya inaasahan ang iaakusa nito sa kaniya ngunit lihim siyang nagiging masaya dahil nangyari ang inaasahan niyang tuluyang makalikas ang grupo nila Kitch. Pero habang nananahimik sa isiping iyon ay bigla na lamang niyang naalala ang liham na kaniyang nadampot. Kaya naman hindi niya inaasahan na maririnig muli ang tinig ni Lauro, "Ngano man?" "Nakalimutan kong i-abot sa kanila ang liham," sagot niya na nagbigay interes dito. "Liham? Sandali, parang narinig kong naalala nila 'yan kanina para balikan sa bahay kubo ni Lola Esma. Pero paano 'yan napunta sa'yo?" pagtataka nito. "Bigla na lamang itong dumapo sa paa ko kaya dala ng kuryosidad ay pinulot ko. Marahil ay nilipad ito ng hangin." "Kung ganoon ay binibigyan ka pa ng pagkakataon para magkita kayong muli ni Kitch," wika ni Lauro na bahagyang nagpalabas ng ngiti niya. "Hindi tayo p'wede na basta-basta na lang sumugod, Lauro. Dahil siguradong katatakutan tayo ng mga tao dahil sa anyo natin," paniniguro niya. "Kung ganoon ay paano tayo makakalikas doon nang walang kahaharaping diskriminasyon?" "Makinig ka sa akin, Lauro. Kailangan na muna nating bumalik ng kaharian para kuhanin muli ang loob ng pinuno, alang-alang sa'yong kapangyarihan." "Kung ganoon ay tinanggalan niya na pala ako ng kapangyarihan?" tanong nito. Dahan-dahan siyang napatango at sa pagkakataong iyon ay lulan na si Lauro ng pangamba. Kaya naman napatalikod ito sa kaniya bago pa man magsalita, "Pero, ayoko na sanang magpakita pa sa pinuno, Lauro. Kilala ko siya at hindi mapipigilan kapag nagdesisyon na. Masamang kaaway ang pinuno, Wakan." "Alam ko, pero kailangan talaga natin ng kapangyarihan lalo na't iyon ang magsisilbi nating proteksyon para manatiling ligtas. At para kapag nilabanan natin ang ibang Obalagi." Doon napaharap sa kaniya si Lauro at sinabi, "Kung ganoon ay tayo rin mismo ang kikitil sa kanilang buhay?" Napaiwas siya ng tingin dito pero agad na napatango. "Oo, Lauro. Pero gagawin lang natin 'yon kung talagang wala nang magawa ang batas. Alang-alang sa ikatatahimik natin." Hindi nakasagot si Lauro kung kaya't muli siyang nagsalita, "Teka, handa ka na bang humarap kay pinuno?" "Wakan, hinihiling ko sana sa'yo na 'wag mo akong pababayaan." Sandali siyang napangisi. "Kailan ba kita binigo, Lauro? Basta sumakay ka na lang sa gagawin kong palabas mamaya," wika niya nagpa-isip sandali kay Lauro. Hindi man iyon maintindihan ng kaibigan at kahit may pag-aalinlangan man ay pumayag pa rin ito sa kagustuhan niya. Kaya naman bago matapos ang araw ay nagpasya silang bumalik ng kaharian at nagkunwaring galit na galit si Wakan kay Lauro. "Pinuno, nakita ko na si Lauro!" Malakas ang tinig niya na yumanig sa buong kaharian. Alinsunod din sa pagsulyap ang ibang Obalagi at ang kanang kamay ni Pinunong Magallon na si Zytus. Pero imbes na galit ang mukhang ibubungad ng pinuno ay nagtaka si Lauro kung bakit nakangiti ito. Ang ngiting nakasisindak nang dahil sa kasamaan nito. "Kumusta ka, Lauro? Mahimo ba nimo ipatin-aw kanako ngano nga nakasukol ka sa desisyon ni Wakan?" Translation: "Kumusta, Lauro? Maaari bang ipaliwanag mo sa akin kung bakit sumalungat ka sa desisyon ni Wakan?" Sandali pa itong napatingin kay Wakan bago naglakas loob na sumagot, "Wala ako mosupak, hepe. Nawala ra ko," pagpapalusot niya m hindi inaasahang lihim na magpapamangha kay Wakan. Translation: "Hindi ako sumalungat, pinuno. Naligaw lang ako." Pero isang malakas na tawa ang pinakawala ni Pinunong Magallon at saka nagsalita, "Gikalipay mo ako kaayo, Lauro. Apan tungod kay gidala ka pagbalik dinhi sa gingharian sa Wakan pasayloon ko ang imong sala." Nagbigay iyon kay Lauro ng kapanatagan at maging kay Wakan. Translation: "Masyado mo akong pinasisiya, Lauro. Pero dahil naibalik ka sa kaharian ni Wakan ay palalampasin ko ang iyong kasalanan." Subalit hindi maitatanggi ang labis nilang pagtataka sa kung anumang pinaplano ng pinuno. Kaya matapos na maibalik ang kapangyarihan ni Lauro sa kaniya ay isang desisyon ang kanilang lihim na napag-usapan ni Wakan. "Wakan, kailangan na nating umalis dito, paano kung may pinaplano palang masama sa ating dalawa ang pinuno?" At sa pagkakataon na 'yon, bago pa man makasagot si Wakan ay hindi sinasadyang maririnig nila ang pag-uusap nina Zytus at Pinunong Magallon mula sa labas. "Andam na ang mga armas, hepe. Panahon ra nga maghulat," nakangising tugon ni Zytus sa pinuno. Translation: "Nakahanda na ang mga armas, pinuno. Oras na lang ang hinihintay." "Nagpaabut ako sa pagpaagas sa dugo sa duha nga mga buang!" natatawang tugon ng pinuno na labis na nagpakaba sa kanila. Translation: "Ako'y nananabik sa pagdanak ng dugo ng dalawang mga hangal!" "Wakan, may masama nga silang binabalak sa atin, ano ang gagawin natin?" kinakabahang tanong ni Lauro. At sa pagkakataong iyon ay hindi sinasadyang makakakita si Wakan ng dalawang ibon. "Kailangan nating gayahin ang anyo ng dalawang ibon," wika niya. "Kung ganoon ay gawin na natin--" "'Wag na muna, tiyak na sisilipin pa tayo ng ilang Obalagi bago ang oras ng pahinga at magtataka ang pinuno kung sakali." "Sige, kung ano ang mas makabubuti, Wakan." Pinipilit nilang hinaan ang pag-uusap kung kaya't hindi naman sila naririnig mula sa labas ng kanilang silid. Ngunit, lingid sa kanilang kaalaman na sa oras na pumasok ang isang Obalagi sa kanilang silid ay oras na nang pagpatay sa kanila. At nang marinig nila na may paparating ay doon sila nagkunwaring tulog. At sa pagpasok nina Mozart at Divino ay narinig pa nila ang pag-uusap nito. "Alaut ang mga buangbuang, kay wala nila hibaloi ang ilang pagkamatay," natatawang sabi ni Divino. Translation: "Kawawang mga hangal, sapagkat hindi nila alam na ngayon na ang kanilang kamatayan." Ngunit hindi nila inaasahan ang sasabihin ni Mozart, "Apan, dili ba kini taphaw ra nga pasangil nga gihimo nila aron silotan sa kamatayon? Alang unsa pa ang gahum nga gibalik sa kanila?" Translation: "Ngunit, hindi ba't napakababaw lang na dahilan ang ginawa nila para parusahan ng kamatayan? Para saan pa ang pagbabalik sa kanila ng kapangyarihan?" "Ingon sa gisulti nimo, adtoa ug dad-a sila sa pinuno!" wika pang muli ni Divino. Translation: "Ang dami mo pang sinasabi, halika na't buhatin na sila papunta kay pinuno!" Pero bago pa man sila buhatin ng dalawa ay mabilis nang nakapagpalit ng anyo ang dalawa bilang mga ibon. Kaya sa muling paglingon nina Mozart at Divino ay nagtaka ang mga ito. "Asa na?" tanong ni Mozart. Translation: "Nasaan na 'yon?" "Wala kabalo! Ikaw ang kantidad nga giingon nimo, e. K-kini kinahanglan nga nakaguba kanato gikan sa lider," natatarantang wika ni Divino. Translation: "Ewan! Ikaw kasi ang dami mong sinasabi mo, e. T-tiyak na lagot tayo nito kay pinuno." Samantala'y malayang nakalipad sina Wakan at Lauro bilang mga ibon. At malayang nakalikas ng kaharian na 'yon. At dahil walang makakakilala sa kanila ay nagpasya silang dalawa na bumalik sa dating anyo upang doon magpalipas ng gabi sa bahay kubo ni Lola Esma. "Lola Esma?" pagtawag nila rito. At nakailang tawag pa sila bago tuluyang pagbuksan. Pupungay-pungay pa ito ng mga mata bago nagsalita, "O, Wakan at Lauro, anong ginagawa n'yo rito ngayong dis oras ng gabi?" "Lola Esma, maaari bang dito na muna kami magpalipas ng gabi?" ani Wakan. Hindi nila sinabi na nanganganib ang kanilang buhay para agad silang papasukin nito. "O, siya, sige. Pumasok na kayo sa loob." Isinara na ni Lola Esma ang pinto. Tahimik na ang paligid nang bigla na lamang silang nakarinig ng mga yabag ng mga paang paparating. "Sila na siguro 'yan, Lola Esma. Kung sakaling tanungin ka man nila na nakita mo kami ay 'wag ka na lang magsalita, hah?" pakiusap ni Wakan. "Sandali, ano bang nangyayari?" tanong ni Lola Esma bago nag-anyong ibon ulit ang dalawa at dumapo sa bahagi ng kubo na hindi sila mapapansin. Samantala'y nakagigimbal at malalakas na katok ang bumungad Kay Lola Esma ng mga sandaling iyon. Buong akala niya ay tuluyan nang matatahimik ang buhay niya matapos kausapin ng grupo nila Kitch si Pinunong Magallon. Sa kaniyang pagbukas ng pinto ay dala ang matinding kaba nang bumungad sa kaniyang harapan ang mga Obalagi kasama ang pinuno. At walang paa-paalam na pinasok nito ang kaniyang bahay kubo. "Sandali, anong ginagawa ninyo? Dis oras na ng gabi at oras na ng pamamahinga." "May hinahanap kami, Lola Esma kaya kung ayaw mong madamay ay manahimik ka!" singhal ni Zytus sa kaniya. Pero labis ang kapanatagan ng kaniyang isipan dahil malabo ng mga ito na makita sina Wakan at Lauro dahil nagtatago ito ng anyo bilang ibon. At sa paghahanap ng mga ito sa kaniyang kubo ay kinabahan siya sa itinanong ni Divino habang hawak-hawak ang isang ibon. "Kailan ka pa nagka-ibon? Hindi ba dapat ay naroon sila sa mga kakahuyan o di kaya'y lumilipad sa kalangitan?" "Ang pagkakaalam ko ay parang tao rin ang ibon, Divino. Napapagod at kinakailangan ng sapat na pahinga. Hindi ba dapat ay hinahayaan natin silang makapagpahinga ng malaya?" Napaawang ang labi ni Divino sa sinabi niya habang unti-unti itong pinapakawalan sa mga palad nito. Hanggang sa malaya nang lumipad ang ibon na si Lauro at dumapo sa may puno. Kung saan ay unti-unting napawi ang pagdududa ni Divino gayong kawangis ng ibon na 'yon ang nakita nitong palipad-lipad sa kaharian. "Paumanhin, Lola Esma. Sige, p'wede ka na pong magpahinga," wika pa ni Divino bago tuluyang umalis. Narinig pa ni Lola Esma ang boses ng pinuno na galit na galit. Kaya isang malalim na buntong hininga ang pinakawala niya bago pa man tuluyang isara ang pinto. At hindi niya namalayang dumapo sa kaniyang balikat ang ibong si Lauro. "Kung sino ka man ay labis mo akong pinakaba." At maya-maya pa'y bumalik na sa dating anyo ang dalawa. Kung kaya't doon niya nalaman na si Lauro ang dumapo sa balikat niya at muntikan nang mahuli ni Divino. "Maraming salamat sa pagligtas sa akin, Lola Esma," wika ni Lauro habang nakangiti. "Humiwalay ka kasi sa pinagtataguan ko, e," wika naman ni Wakan. At pareho silang nagtawanan sa isa't isa. Samantala'y labis ang galit na nararamdaman ni Pinunong Magallon. Hindi niya lubos akalain na maiisahan siya ng mga tauhang hangal para sa kaniya. Anong pagsisisi ang naramdaman niya dahil nagawa pa niyang ibalik ang kapangyarihan ng dalawa. Una ay kay Wakan na nagawa niyang ibalik dahil sa pagpatay nito kay Rogelio at pangalawa kay Lauro na kasama sa plano niyang pagpatay sa dalawa. Hindi niya inakala na matutunugan pala ng dalawa ang planong pagpatay sa kanila. Kaya sa kalaliman ng gabi at sa kanilang muling pagbalik sa kahariam ay tinipon niya ang lahat at isang desisyon ang napag-isipan niya, "Pangandam kamong tanan tungod kay didto magsabwag kita og kalisang sa lugar diin adunay usa ka grupo sa mga batan-on nga wala’y pagtugot sa pagsiksik sa among lungsod." Translation: "Maghanda kayong lahat sapagkat doon naman tayo maghahasik ng lagim sa lugar kung saan naroon ang grupo ng mga kabataang walang permiso na nanaliksik sa ating bayan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD