Chapter 11

1683 Words
MATAPOS ANG pagtitipon at nang mas lumalim pa ang gabi ay itinakdang lumusob ng mga Obalagi sa kabuuan ng Mumayta, kung saan ay malayo sa kanilang pinagtataguan na kweba ay narating nila ang ilang parte ng bayan. Nakahanda rin ang kani-kanilang mga armas gayundin ang maayos na pagkakaupo ng kanilang mga bihag na sina Siobe at Loise na ngayo'y pinipilit pa ring mabuhay. Hindi sila mapaghahalataang mga bihag dahil sa magagara nilang mga damit. Sa katunayan, sa kabila ng kanilang hindi pagsang-ayon sa nakasanayang tradisyon ng mga Obalagi ay natuto na lamang sila na hindi tumakas kapalit ng buhay nila Kitch, upang mabaling lamang sa kanila ang hindi makatarungang pinaggagawa ng mga ito. Sa kabila nang pagdurusa ay naging aral din kay Loise ang kaniyang naranasan, parang mas gugustuhin niya na nga lang ang mamatay kaysa ang ganoong estado ng pamumuhay. Habang si Siobe naman ay isinulat ang kaniyang naranasan sa kamay ng mga Obalagi, nakasisiguro kasi siyang malaki ang maitutulong no'n para sa kanilang dokumentaryo. Samakatuwid, ay gugustuhin na lamang nilang magsakripisyo para sa ikatatagumpay ng kanilang documentary project. Mula sa masukal na kagubatan ay nangingibabaw ang usap-usapan ng mga Obalagi sa kanilang sariling wika. At halos manikip ang kanilang dibdib nang tumigil sila sa tapat ng bahay kubo ni Lola Esma. Nanghihina man ay nagawa pa ring maglapit ng magkaklase na sina Siobe at Loise sa isa't isa. "K-ailangan kong maihulog ang aking liham sa tapat ng bahay kubo ni Lola Esma," wika ni Siobe kay Loise. At kahit may mga matang nakabantay sa kanila ay nagpatay-malisya na lamang sila. Kaya naman habang akay-akay sila ng mga ito ay nagkunwari si Siobe na masakit ang paa. "Ah! Teka lang po, masakit ang paa ko, p'wede po bang huminto muna?" Sandaling natigilan ang isa mga Obalagi na si Wakan. "Oo, pero sandali lang, ha." Napatango naman si Siobe at bago pa siya tuluyang ibaba ng dalawang may hawak sa kaniya ay kinuha niya ang sandaling iyon para makisuyo. "P-p'wede bang sa parteng iyon? Parang mas komportable roon." Inginuso niya ang tapat ng bahay kubo ni Lola Esma. At nagtagumpay naman siyang maihulog doon ang liham pagkalapag lamang sa kaniya. Pasimple niya pa iyong siniksik sa pinto at anong pagngiti rin ang ibinigay niya kay Loise nang magtagumpay siya. Narinig pa nilang dalawa ang pag-uusap ng mga ito sa wikang Cebuano. Inaasahan nilang makakahanap ng tsempo para makatakas subalit hindi nila inaasahan ang sumunod na nangyari. Dahil walang alinlangang sinipa ni Zytus ang pinto na gawa sa kawayan ng bahay kubo at doo'y nagawang magdasal ng dalawa na sana'y hindi na madamay pa ang kanilang natitirang apat na kaklase. Isang nakabibinging katahimikan ang nanatili sa kanila kasabay ng matinding kabang nararamdaman habang patuloy sa pagsugod ang mga Obalagi sa buong kabahayan. Pero halos magngitngit sa galit ang mga ito nang wala itong nakitang tao sa loob. Narinig pa nila ang isinagot ng kausap nitong matandang lalaki na sa tingin nila ay halos kaedaran lamang ni Lola Esma. "Imposible, nandito lang sila kanina.." "Sinungaling ka!" sigaw ni Pinunong Magallon dahilan para mapadapa sa lupa ang lalaki. Ibinalik nito ang tingin sa mga tauhan at sinabi, "Gub-a kining mga tawhana!" makapangyarihang utos nito. Translation: "Suyurin ang bayang ito!" Kaniya-kaniya namang alisan ng mga tauhan ni Pinunong Magallon, sa kabila nito ay ang patuloy na pasasalamat ng magkaklase na sina Loise at Siobe, dahil sa pagiging handa ng mga ito sa kung anumang p'wedeng mangyari. At wari'y naging palaisipan sa kanila ang katapatan ng matandang lalaki sa pinuno. Samantala, habang pinaghahanap ng mga Obalagi ang espiya na si Lola Esma maging ang itinuturong mga kasama nitong mga bata ayon kay Mang Rogelio na nagtraydor sa matandang babae, ay siya rin nilang pagtatago sa isang lihim na lagusan sa ilalim ng lupa. Ang lagusang ginawa pa ng kaniyang asawa noon at nagsilbing kanilang sikretong tirahan kung kaya't nakaligtas siya sa kamay ng mga Obalagi. Samantala, doon lang din nila napagtanto na tapat ang hangarin sa kanila ni Lola Esma, subalit hindi maiiwasan na may kaunti silang pag-aalinlangan sa pagbibigay ng tiwala sa matanda. "'Wag kayong gagawa ng kahit na anong ingay, hintayin na muna natin ang pag-alis nila," bilin sa kanila ng matanda. Dahil mula sa kailaliman ay dinig na dinig nila ang boses ng mga ito. "Pero, Lola Esma, may naisip akong plano," tugon ni Kitch na ikinalingon ng tatlo na sina Fudge, Devee at Daizy. "Anong pinaplano mo, Kitch?" tanong ni Fudge. Umayos ng tindig si Kitch at pormal na humarap sa mga kaklase saka nagsalita, "Sigurado ba kayong nais ninyong malaman?" Magkakasabay silang napatango habang pinakikinggan lamang sila ni Lola Esma. "Kung ganoon ay kinakailangan ko ang kooperasyon ninyo." Makalipas lamang ang halos isang oras ay hindi pa rin nagpatinag sa paghahanap ang mga Obalagi kaya nang wala na silang mapaghanapan ay nagdesisyon silang tumigil na muna at gawin ang natitirang gawain sa araw ng pista sa kanilang bayan. At sa puntong iyon ay nagsimula na ang pagsasalin lahi ng mga Obalagi. "Ah!" Malakas na sigawan ang yumanig sa buong bayan habang masaya lamang silang pinanunuod ni Pinunong Magallon. Kaniya-kaniya silang labas ng kanilang armas para maglaban-laban at sa pagdanak ng dugo ng ilang talunan ay walang alinlangang ininom ng mga nanalo ang kanilang premyo-- ang dugo na siyang nagsisilbing dagdag lakas sa kanilang kapangyarihan. Kapangyarihan na kung saan ay nananatiling lihim sa karamihan. Sa kabilang palad ay natuloy ang plano ni Kitch na sinang-ayunan ng tatlo maging ni Lola Esma. Naging handa sila nang matunugan ang pagbalik ng mga Obalagi. Mula sa ilalim ng lupa na kanilang pinagtataguan ay mas lalo nilang dinoblehan ang tapang. "Daizy, pakihanda ng camera," bilin ni Kitch. Napatango naman si Daizy at saka pinagana ang camera. "Kailangan makuhanan mo lahat ng mangyayari, okay?" dagdag pa niya na ikinatango naman iyon ni Daizy. Saka siya tumingin kina Devee at Fudge. "Fudge at Devee, ayos lang kayo riyan?" "Oo, Kitch. Handa na kami!" "Lola Esma, 'yong recorder.." "Nakahanda na, Kitch," nakangiting wika ng matanda. Samantala ay hindi inaasahan ng mga Obalagi ang patibong na inihanda nila Kitch para sa kanila. Sa kabila ng kanilang paglusob ay isa-isa silang nahulog sa kumunoy na ginawa pa ng grupo nila Kitch. Maririnig ang sigawan nila na siya ring pagtama ng mga bala ng pana na nakatutok sa kanila. "Giunsa kini nahitabo?" tanong pa ng isang tauhan ni Pinuno Magallon na si Lauro. Translation: "Papaano nangyari 'yon?" "Lumikas na tayo rito at baka lalo pa tayong mabawasan!" utos pa ng pinuno. Matapos ang madugong sinapit ng ilang Obalagi ay nabigo sila Kitch na mapatay ang pinuno nito na si Magallon. Ngunit may isa silang binuhay roon na kanilang magsisilbing pain para sa inaasam na katotohanan. At iyon ay si Rogelio. "E-esma?" hindi makapaniwalang anito sa kabila ng pagkakatali ng lubid sa katawan nito, napangisi pa ito saka lumingon sa apat na magkakaklase. "Balak mo pa kaming madamay sa kalinlangan mo! Isa kang hangal!" walang pag-aalinlangang sigaw ni Devee. "Rogelio, wala sa usapan natin na sasabihin mo ang tungkol sa magkakaklase.." napapa-iling na tugon ni Lola Esma. "Esma, dito na tayo tumanda sa bayan na ito.. binigyan tayo ng panibagong buhay ni Pinuno Magallon tapos ano? Hahayaan mo lang na bilugin ng mga kabataang iyan ang utak mo? Ano bang nalalaman ng mga 'yan sa tradisyon natin?" Nanlilisik ang mga mata nitong pagkakasabi. Samantala ay determinado naman si Kitch sa kaniyang sasabihin kaya matapang niya itong hinarap. "Anong nalalaman namin? Siguro nga ay wala pa sa kasuluk-sulukan ang natutuklasan namin sa bayang ito, pero habang lumilipas ang mga araw, napag-alaman kong mas maigi na lang na 'wag na namin alamin pa.. gayong alam namin na may mas madali pang paraan." Binigyan siya ng makatanungang tingin ni Rogelio, habang ang apat ay nakikinig lamang sa kaniya. Doo'y nagpatuloy siya sa pagsasalita, "Dahil sa'yo pa lang ay marami na kaming malalaman, espiya ka, 'di ba?" matapang na tanong ni Kitch na ikinalaki ng mata ng matandang lalaki. Hindi siya sinagot nito kaya mas pinandilatan niya naman ito ng mata habang palihim naman na kumukuha ng video sa kanila si Daizy. "Gaano mo kamahal ang bayang ito kahit na alam mong puro karahasan lang ang naranasan mo?" tanong niyang muli na hindi na naman sinagot ng matanda. Napa-iling siya at napasigaw. "Ano? Sumagot ka!" galit na tonong sigaw ni Kitch. "Sandali-- a-ano bang silbi ng katotohanan kung sasabihin ko sa inyo? May magagawa ba kayo?" pagbabalik tanong nito sa kaniya. Sandaling natigilan si Kitch at doo'y nilapitan siya ni Lola Esma. "Tama na muna 'yan, Kitch, mas mabuti kung makakausap ni'yo siya ng pareho kayong kalmado at hindi mainit ang dugo sa isa't isa." Sa kabila nito ay naligaw sa masukal na kagubatan ang magkaklase na sina Loise at Siobe. Nagawa nilang makatakbo nang sandaling mahulog sa 'di umano'y kumunoy na naging pain sa mga Obalagi. Nagsisigaw sila roon kahit na nawawalan na ng pag-asa na makakausap sila Kitch gayong marami na silang nalalaman. At walang anu-ano'y nakaisip sila ng paraan para makita ang mga kaklase. "Sigurado ka bang tama ang hinala mo?" tanong ni Loise kay Siobe bagama't nanghihina na rin ang mga tuhod nito sa kalalakad. "Oo, Loise.. kaya bilisan mo na," sagot ni Siobe na humahangos na rin. Matagumpay nilang nabalikan ang kumunoy na hinulugan ng mga Obalagi kaya walang alinlangang tumapak din sila roon at tiniis ang sakit na natamo upang makarating sa loob niyon. At isang pamilyar na sigaw ang nakapagpatigil sa grupo nila Kitch. Samantala'y hindi naman mapakali si Pinuno Magallon maging si Zytus na siyang kanang kamay nito nang mapagtanto na nawawala ang kanilang dalawang bihag. Kaya nagpadala sila ng maraming tauhan upang balikan at hanapin sina Loise at Siobe subalit-- nabigo lamang ang mga ito. Lumalalim na ang gabi nang magpasyang magpahinga ng magkakaklase at maging si Lola Esma. Habang nakatali pa rin ang matanda na si Mang Rogelio nang hindi nila inaasahan ang bubungad sa kanila.. Ang nanghihinang katawan nina Loise at Siobe na gumagapang na sa lupa makalapit lang sa kanila. At sa kanilang muling pagkikita ay nabuhayan sila ng pag-asa. "Loise? Siobe?" hindi makapaniwalang saad ni Fudge.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD