Chapter 10

1083 Words
"NALIPAY ako sa among panagtapok karong gabii," ang masayang pagbati ng Pinunong Magallon sa naganap na pagtitipon. Hindi maipinta ang kasiyahang nadarama niya ngayon sapagkat ngayon nakatakda ang malakas na puwersa ng kapangyarihan niya na kung saan ay mas lalo itong palalakasin. At iyon ang araw na kay tagal niyang hinintay dahil ang pistang kanilang ipinagdiriwang taon-taon ay ang araw kung saan ay dumadanak ang dugo ng ilan sa mga Obalagi at ang dugong iyon ang siyang ginagawan ng ritwal upang pagkuhanan ng kaniyang mas malakas na kapangyarihan. Animo'y sumigla ang awra ng pinuno matapos inumin ang dugo na inihain sa kaniya ng kanang kamay na si Zytus. Saksi ng grupo nila Kitch ang kagila-gilalas na pagdiriwang na iyon. Ang pista na kung saan ay hindi makatwiran sa karamihan. Maya-maya pa'y kaniya-kaniyang dating ang mga tauhan nitong Obalagi para magbigay ng paggalang sa pinuno. Nagpatuloy sa pagpapalaganap ng kawikaan si Pinunong Magallon na hindi naman maintindihan ng grupo nila Kitch dahil mula iyon sa wikang Cebuano. Subalit napalingon silang muli nang marinig mula sa bibig nito ang isang pamilyar na pangalan. "Asa ang mga paghalad, Rogelio?" At doo'y napatitig sila sa pagdating ni Mang Rogelio na isa pa lang espiya ni Pinunong Magallon, habang dakip-dakip ang dalawang babae na ngayon lang nila nakita. Ngunit ang kanilang ipinagtaka ay naroon lang si Lola Esma sa may gilid habang kapansin-pansin ang hindi nito kagustuhan sa nangyayari. Walang anu-ano'y mabilis na pinagsisikmura ng mga tauhan ang dalawang babae dahilan para mawalan ito ng malay. Kaya naman hindi maiwasang magngitngit sa galit nila Kitch. "Sinasabi ko na nga ba at hindi mapagkakatiwalaan ang matandang lalaki na 'yan, e!" usal ni Kitch sa gitna ng pagtitipon. Pero tanging silang apar lang nakakarinig dahil naroon lamang sila sa kubo kagaya nang inihabilin ni Lola Esma na' wag silang magpapakita. Galit ang makikita sa mga mata ni Kitch af gayundin kina Fudge at Daizy." Walang hiya sila, hindi na ako magtataka kung bakit nanghihina ngayon ang katawan nina Loise at Siobe, ganiyan pala sila makapanakit ng mga babae!" gigil na usal naman ni Fudge. Habang si Daizy ay ipinagpatuloy na muli ang pagkuha ng video. Samantala'y naluluha mula sa kinatatayuan ang mahabagin at may mababaw na luhang si Devee." Naku, ayokong dumating ang araw na tayo naman ang inaalay diyan. A-ayoko.. " Naramdaman ni Devee ang pag-comfort sa kaniya ng tatlo. Habang nagaganap ang pagtitipon na 'yon ay nasaksihan nila na ang pagbibigay ng alay sa pinuno tuwing pista ay parte rin ng pagdiriwang. Pero lingid sa kanilang kaalaman na matapos matanggalan nang pagka-birhen ang alay ay bibihisan nila ito ng marangya at ituturing na parang prinsesa. Doo' y unti-unting manghihina ang katawan ng alay habang ginagawan ito ng ritwal ng kanilang grupo. At kung para saan ang ritwal na 'yon ay iyon ang dapat na alamin ng kanilang grupo upang magkaroon ng isang makabuluhang dokumentaryo. Sadyang hindi kasiya-siya ang pangyayaring iyon at hindi mo masisikmura kung ikaw ay bago lamang sa bayang iyon. Iyon ay ilan lamang sa tradisyong kanilang nakasanayan. Matapos i-save ni Daizy ang video ay hindi naman sinasadyang mapipindot niya ang flash ng camera kung kaya't nagdulot iyon ng liwanag na nag-reflect hanggang sa kinatatayuan ng Pinunong Magallon. "Diin gikan kana?" wika nito na nagpa-alarma sa marami. Hinanap-hanap nito ng paningin kung saan nanggaling ang pagkislap ng flash ng camera. Habang labis ang panginginig ni Daizy sa pangamba na baka matunugan sila. Nagkaroon ng sandaling katahimikan habang inutusan ng pinuno na hanapin kung saan iyon nanggaling, kahit na lingid dito na mayroong isang grupo ng mga estudyanteng nananaliksik sa kanilang itinatagong misteryo tungkol sa tradisyon. Samakatuwid, ilang metro lang ang layo ng kubong iyon kung saan ay naroroon ang apat na magkakaklase nang huminto ang ilan sa mga Obalagi para matyagan iyon. "Parang dito iyon nanggaling," wika ng isang Obalagi sa wikang tagalog kung kayat naintindihan nilang apat 'yon. Dama nila ang matinding kaba habang dinig na dinig ang yabag ng mga paang papalapit sa bahay kubo. Tagaktak na ang kanilang pawis sa kabila ng malamig na panahon sa gabi. At lulan ng takot ay sinikap pa rin nilang 'wag magdulot ng kahit na anong ingay. Ilang sandali pa ay napapikit si pare-pareho nang simulang halughugin ng mga ito ang kabahayan. Subalit, hindi nila inaasahan ang isang boses na magpapahinga sa kanila ng maluwag. "Baka naman namamalikmata ka lang pinuno, kaya wala kang dapat ipagpangamba. Saksi ang mga tao rito sa iyong kakisigan ngunit kailangan mo na sigurong magpahinga." Boses iyon ni Lola Esma na sinisikap na malusutan ang pangyayari. Kaya agad na napaupo ang pinuno at piniling manahimik sa ipinayo ng matanda. At alinsunod naman ang mga Obalagi para bumalik sa kani-kanilang pwesto kanina. Ngunit doo'y pasimpleng bumulong dito si Mang Rogelio, "Alam ko ang pinoprotektahan mo, Esma. Pero sino ba talaga ang mga batang iyon?" Marahan itong hinila ni Lola Esma papunta sa kung saan ay walang makaririnig ng kanilang pag-uusap. At doo'y buong pagyayabang na sinabi ni Lola Esma sa kaniya, "Hindi mo na kailangang alamin pa, Rogelio. Pero sila ang susi para mabago ang tradisyon ng bayang ito." Tila hindi makapaniwala si Mang Rogelio sa narinig. At ilang saglit pa ay muling nagsalita si Lola Esma, "Hindi ko pa rin nakalilimutan ang kasalanan mo, Rogelio. Ang pagbabalak mo sa buhay ng mga batang iyon para ialay. Hindi mo ba naisip na p'wede nating takasan ang nakasanayan ng bayang ito sa tulong mga batang iyon?" Sandaling natigilan si Mang Rogelio sa kaniyang sinabi. "Mabuti na lamang at nakagawa ako ng paraan para kumuha ng isang bangkay at ayusan na parang natutulog lamang." "Pero maaari nating ikapahamak ang ginawa mong panlililinlang sa pinuno." "Wala akong pakialam, ang mahalaga ay maging ligtas ang mga batang iyon at kahit papaano ay nakatulong ako sa kanila sa ganitong paraan," seryosong wika ni Lola Esma. At nang sandaling iyon ay natapos na rin ang pagtitipon at kaniya-kaniya ng balik sa kanilang kaharian ang mga Obalagi upang paghandaan ang kanilang nakatakdang paglusob para sa pagsasalin-lahi at pagdanak ng dugo na siyang magsisilbi namang kanilang kapangyarihan. Matira matibay at walang pakialaman kung sino ang mananaig. Samantala'y ipinaalam kaagad 'yon ni Lola Esma kila Kitch bagama't may pagdududa pa rin ang apat sa kaniya. "Maghanda pa rin kayo, mga hija, dahil hindi pa natatapos ang pagdiriwang ng pista sa aming bayan. Dadanak pa ang dugo ng karamihan." Nakakatakot man isipin ngunit ang mga salitang iyon ang nagbigay ng dahilan para sila'y mas maging handa at matapang sa kung anumang p'wedeng mangyari."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD