MAGKAKASAMA SILANG nagtipon-tipon sa k'warto ni Fudge dahil doon nagpasyang ipagpatuloy ni Kitch ang usapan. Samantala'y nagpapahinga naman si Wakan sa kabilang k'warto para sa gagawing pagkuha ng dugo sa kaniya. Naroon na rin kasi ang magulang ni Fudge para asikasuhin iyon. "K-kitch, saan ka nanggaling?" pagbungad kaagad sa kaniya ni Fudge sa kabila nang panghihina nito. "M-may inasikaso lang, ahm, nakita pala namin kanina si Zytus--" Natigilan siya sa sasabihin. Bigla niyang naisip na baka lalong makasama kay Fudge kung ipaaalala niya rito ang dahilan nang ikinapahamak ng buhay nito. "'Wag mo nang isipin ang sinabi ko. Nga pala, isasagawa na ang blood transfusion mo, nasa kabilang k'warto na ang donor." "Sino nga pala ang blood donor ko? Kakilala ko ba?" Nanatiling tahimik sila Kitch

