KAHIT WALA pang sapat na tulog ay nagpunta agad sila kay Father Monese para lang maisakatuparan ang nalalapit na pagsasalin ng dugo para kay Fudge. Nalaman naman kaagad ng kanilang ibang kaibigan ang nangyari kay Fudge kaya agad itong bumisita. "Mabuti naman at may malay ka na, Fudge," wika ni Siobe habang makikita pa rin ang pamumutla ni Fudge. Bahagyang napangiti si Fudge at may hinanap-hanap ang mata kung kaya't agad itong nagtanong, "Nasaan pala si Kitch?" "Ah, may inaasikaso lang," tipid na sagot ni Daizy. Napatango si Fudge at nagawa muling magtanong, "Nakahanap na ba kayo ng magiging blood donor ko?" Doo'y sandaling nagkatinginan sina Siobe, Devee at Daizy. Bago kasi umalis sila Kitch ay ibinilin nito na 'wag munang sabihin kay Fudge na si Wakan ang magiging blood donor niya. Da

