bc

Desirable Deception

book_age18+
230
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dark
bxg
mystery
realistic earth
secrets
crime
tricky
friends
villain
like
intro-logo
Blurb

SPG R-18

.

.

ELLA JANE lost her job as an Account Analyst, at kasabay nito ay ang break up nila ng longtime boyfriend niyang si Maxim.

Ganunpaman, ang supportive bestfriend niyang si Brahms ay humanap ng paraan para makalimot siya. Nag-set up ito ng isang blind date para sa kaniya, blind date na magiging daan upang makilala niya si Iversen, ang lalaking lingid sa kaalaman niya ay ibinaon ni Brahms sa limot buhat sa madilim nitong nakaraan.

Sa muling pagku-krus ng landas nila Iversen at Brahms, magiging ugat ito ng isang panglilinlang hindi lang sa mga mata ni Ella Jane kun'di pati na rin sa puso niya.

chap-preview
Free preview
1 - A birthday gift.
©️All Rights Reserved 2022 "GOOOOD morning po sa lahat ng ating mga taga-subaybay saan mang sulok ng bansa. Alas otso na po ng umaga, oras hatid sa atin ng fantasy lubricant oil, madulas ng mas madalas." Humalakhak ang radio dj kasabay ang nakakatawang background music nito. "Samahan n'yo po ako hanggang alas dyes ng umaga, ito po ang inyong DJ, DJ masayahin, DJ Happy. Tawagan n'yo po ako at magkuwentuhan tayo, 8143-5667. Ninety-three point five, Flame...radiooo…" Umalingawngaw ang makabuhay dugong musika buhat sa radyo na nakapatong sa bedside table ni Ella Jane matapos ang masiglang pagsasalita ni DJ Happy. Iminulat niya ang namumugtong mga mata at sinabayan ng impit na pag-iyak ang masiglang ingay ng radyo. Kinuha niya ang unan sa kaniyang tabi at niyakap. Masaya ang musika at nakakaindak, subalit ang bawat lagublob niyon ay parang sumasabay sa masakit na pagtibok ng kaniyang puso, hindi siya makahinga at pakiwari niya'y mamamatay na siya. __ "HELLO!" masayang bungad ni Brahms sa living room ng bahay ni Ella Jane. Nasa kaniya ang duplicate key kaya malaya siyang nakakapasok doon kailanman niya gustuhin. Tahimik ang sala at wala roon ang kaibigan. Napailing siya. Tiyak na nakakulong na naman ito sa kuwarto at nagmumukmok habang nakikinig sa paborito nitong DJ. Humakbang siya patungo sa hagdanan habang nakatingala sa tuktok niyon. Buhat doon ay naulinigan nga niya ang ingay na lumalagos buhat sa nakapinid na pintuan ng silid ni EJ. "Where is the birthday girl!?" malakas ang boses na wika niya. Kaarawan nito ngayon kaya naman hindi siya pumasok sa opisina para samahan itong mag-celebrate. Isa siyang professional dentist at nagmamay-ari ng isang malawak na dental office, ang Dr. Abraham Gastrell Dental Office kung saan ay nagpu-provide ng general dentistry treatment for all kinds of patients. Kilala sa malaking lalawigan ng Sta. Barbara ang dental office niya sa top-quality dental work including his being hot and handsome, kaya naman napakarami at hindi nauubusan ng pasyente na karamihan ay mga kadalagahan. Well, single pa naman siya at ready to tickle hanggang ma-jingle. But it's a praaank, sapagkat may girlfriend siya. Habang humahakbang paakyat sa baitang ng hagdan bitbit ang box ng cake at decorated basket kung saan nakalagay ang bote ng alak, chocolate at ang kaniyang regalo para rito ay sinimulan niyang umawit ng birthday song. Patuloy ang ingay sa silid ng dalaga at malamang ay hindi siya naririnig. Nagpatuloy siya sa paghakbang hanggang sa sapitin niya ang pinto ng kuwarto nito. Huminto siya sa pagkanta, ibinaba niya ang decorated basket at binuksan ang pintuan. Sumalubong sa kaniyang pandinig ang ingay ng masiglang musika na sinasabayan nito ng tahimik na pag-iyak habang nakagulong ito sa puting-puti nitong kama at yakap ang unan. Dinampot niya ang ibinabang dala. Nakangiti siyang lumakad papasok, papalapit sa kama at inilapag sa bandang paanan nito ang mga dala niya, tapos ay nilapitan ang radiyo at ini-off. Nilingon siya nito at pinukol ng masamang tingin. Napailing siya, namumugto at namumula na naman ang mga mata nito. "Hey, hey, hey! My birthday angel girl…" nakatawang sabi niya. "Bakit sinisira mo ang moment ko!?" pasinghal na tanong nito sa kaniya sa pagitan ng pagsigok. "Birthday mo ngayon tapos nakagulong ka riyan at nagsa-silent tears without cry?" pagbibiro niya rito tapos ay pabagsak na humiga sa tabi nito, sa side kung saan ito nakaharap sa pagkakatagilid ng higa. Nakasimangot itong pinahid ng kumot ang basang pisngi bago kumilos at tumalikod ng higa sa kaniya. "Paano ba ako magsi-celebrate kung ganitong broken hearted na nga ako, eh wala na ring trabaho," matamlay nitong wika sa kaniya. "Tuluyan nang nalugi at nagsara 'yong pinapasukan kong kompanya." Tumagilid siya ng higa paharap dito at tinapik-tapik ng marahan ang makinis nitong braso. Kuripot ito, at alam niyang ipinag-aalala nito ang gastusin dahil ayaw nitong nagagalaw ang savings. Palagi nitong isinasaalang-alang ang kinabukasan. Hindi niya ito kagaya na walang ginawa kun'di ang magwaldas ng pera sa lahat ng luho niya. "Problem no more," wika niya, "habang wala kang trabaho, ako ang bahala sa lahat ng expenses mo. At si Maxim, kalimutan mo na, pangit naman 'yon eh. Nag-set up kami ni Kate ng blind date para sa'yo sa pinsan niyang professional at guwapo. Bawal na tumanggi, naka-oo na 'yong tao." Nilingon siya nito, masama pa rin ang tingin sa kaniya. "Baduy ng blind date mo!" asik nito. "At akala mo ba ganoon lang kadaling kalimutan si Maxim? Five years kaming magka-relasyon, Brahms, five years na puno ng masasayang memories." Sinundan nito ng paghagulhol ang sinabi. Napabuntong-hininga siya. "May nakalimutan kang sabihin, siya 'yong first kiss mo, at nag-alis ng seal mo gamit ang pinakamalakas pero ipinagbabawal na technique," pagbibiro niya. Humagulhol lalo ito ng iyak at napailing siya. Hindi man lang nito tinawanan ang biro niya o pinuna sa kaniyang ka-corny-han. Talagang dinidibdib ng dalaga ang pakikipaghiwalay rito ni Maxim. Kung makikita niya ngayon si Maxim, wawasakin niya sa suntok ang magandang hanay ng mga ngipin nito, at hindi siya titigil hanggang gilagid na lamang ang matira rito. Ang tigas ng mukha, ito talaga ang malakas ang loob na hiwalayan si EJ. Ang ganda ng bestfriend niya ay hindi dapat basta ini-ech a puwera, kahit hindi kalakihan ang dibdib nito. "Andito pa naman ako ah," kapagkuwan ay wika niya, "porque ba iniwan ka ni Maxim at ng trabaho mo wala ng halaga sa'yo ang presensiya ko?" kunwa'y nagtatampong tanong niya rito. Kaagad itong pumihit paharap sa kaniya. "S'yempre, hindi," pagtanggi nito. "Masaya nga ako na may bestfriend akong gaya mo na always to the rescue eh." "Oh, 'yon naman pala eh, bumangon ka na riyan at buksan mo na ang regalo ko sa'yo. Exciting pa naman ito." Bumangon siya at kinuha ang regalo sa decorated basket na dala niya. Bumangon din ito habang pinapahid ng palad ang basang pisngi. Tiningnan nito ang mga dala niya. "Open it, baby." Tiningnan nito ang regalong iniaabot niya. "Hindi ba dapat mag-blow the candle muna ako at mag-wish bago buksan ang regalo?" maluha-luha pang tanong nito bago ibinalik ang tingin sa dala niyang cake. "Ah, oo nga pala, nakalimutan ko." Napakamot siya sa ulo. "Sabi ko naman kase sa'yo, exciting itong regalo ko kaya tuloy 'yong cake nakalimutan ko." Ibinaba niya ang box ng regalo at kinuha ang cake. Inalis niya iyon sa box at itinusok ang kandila roon bago kinuha ang lighter sa bulsa niya at sinindihan iyon. Kinuha naman nito ang camera at kinuhanan ng video ang ginagawa niya. "Give it to me, and I'll film you as you blow out the candle on your cake." Kinuha niya sa dalaga ang camera gamit ang isang kamay at itinutok iyon dito. Inilapit niya rito ang hawak niyang cake at kinantahan ito ng birthday song. Napangiti ang dalaga at napatingin sa kaniya ang namamasa pa rin nitong mga mata. "Make a wish," paalala niya rito. Pumikit ito at gumawa ng hiling sa pamamagitan ng isip. Napangiti siya at napatitig sa mukha nito habang patuloy sa pagkanta ng birthday song. Simple lang ang ganda nito pero malakas ang dating. Sa loob ng mahigit isang dekada nilang pagkakaibigan ay nakita niya kung gaano karami ang mga naging manliligaw nito, kaya tiyak na pagsisisihan ni Maxim ang ginawang pag-iwan dito. Nagmulat ang dalaga at masiglang hinipan ang kandila. "Ang bilis mag-wish," biro niya bago tinapos ang pagkuha ng video. Ibinaba niya ang camera pati ang cake. "Happy birthday, EJ, and may all your wishes come true." Mabilis niya itong dinampian ng halik sa pisngi na palagi na niyang ginagawa. "I only have one birthday wish for you, live another long life…by my side." Hindi siya aware sa paglamlam ng titig niya rito na ikinatahimik nito pero nang makabawi ay tumawa ang dalaga. "Ang selfish ng wish mo, Brahms. Para ba talaga sa 'kin ang wish mo o para sa'yo?" nakatawang tanong nito. Hindi siya nakasagot. Kinuha nito ang bote ng alak at ito mismo ang nagbukas niyon, tumungga roon. Pagsinghap siyang tumawa habang nakamasid dito. Nang matapos ito sa pagtungga sa bote ng alak ay kinuha niya iyon sa kamay nito. "Ikaw na lang ang pamilya ko, EJ. Paano na lang ako kung mawawala ka pa?" tanong niya bago tinungga ang bote ng alak. Napaseryoso ito at hindi kaagad nakapagsalita habang nakamasid sa kaniya. Pareho na silang ulila sa mga magulang at ang isa't isa na lamang ang mayroon sila. Namatay sa malagim na aksidente ang mga magulang niya. Habang ang ina naman ni EJ ay pinaslang ng sarili nitong ama dahil sa pagtatanggol sa dalaga na muntik nang mahalay ng sariling ama. Nakulong ang ama nito ngunit nagawang makatakas, pero sa kabutihang-palad ay namatay ito sa malagim na aksidente, nasagasaan ito at nakaladkad ng ten wheeler truck hanggang sa magkaluray-luray ang buong katawan. Tumikhim si EJ, siya naman ay tinapos ang pagtungga sa bote. "Bakit kase hindi mo pa pakasalan si Kate para—" "Well," putol niya rito habang ibinababa sa bedside table ang bote ng alak. "Nagli-live-in na kami, EJ." Namilog ang bibig at mga mata ng dalaga. "Really?" hindi makapaniwalang tanong nito. "Yesterday night, I moved her things from her apartment to my place. Starting today, she lives with me. Sa darating na Saturday, pupunta kami sa province nila para pormal na makilala ang family niya." Dinampot niya ang box ng regalo at iniabot sa dalaga. "Now, open it." Napabuntong-hininga ito at inirapan siya ng namumugtong mga mata. "Nauna pa ang pagli-live-in n'yo bago ang pagharap mo sa parents niya," may panenermon sa tono nito bago kinuha sa kamay niya ang regalo. Napaikot ang eyeballs niya. "Para namang ako lang. Eh 'di ba nga ikaw, nag-break na kayo't lahat ni Maxim pagkatapos ng matagal ninyong relasyon pero never kang iniharap sa pamilya niya." Tiningnan siya nito ng masama. "Ops! Sorry, EJ." Tumawa siya ng mahina. Hindi ito nagsalita pero kumilos at sinimulang punitin ang gift wrapper. "Sana naman, sa kasalan pa rin kayo magtapos," mahinang sabi nito habang binubuksan ang regalo. Nagkibit-balikat lang siya habang ang mga mata ay nakabantay sa ginagawa nito. Awtomatikong napatili si Ella Jane nang ganap na mahantad sa paningin nito ang regalo niya para rito. Napahalakhak siya. "Happy birthday ulit, EJ," pilyong sabi niya. Inihampas nito sa kaniya ang vibrator na regalo niya para rito. "Ambastos mo, Abraham Gastrell!" Masama ang tingin nito sa kaniya bagama't pigil ang mapangiti. Hindi nito maikukubli ang pagka-ilang, pagkainis at ang pagkapahiya sa kaniya. "That's normal, EJ." Kumindat siya. "Naisip ko lang kase, ngayong single ka na ulit ay kailangan mo iyan. Para hindi mo mamiss 'yong wet crotch, flicking bean," puno ng kapilyuhan na sabi niya habang tumitirik pa ang mga mata. "Abraham!?" Inis na saway nito sa kaniya at kinurot siya sa braso. Tumawa siya. "Ouch!" kunwa'y daing niya. "Ingatan mo 'yan hah, dahil mahal ang bili ko riyan." "Oh, come on, Brahms! Ano pa bang kaya mong ibigay sa akin maliban sa mamahaling vibrator, hah?" tanong nito sa kaniya habang umiiling, malawak na ang ngiti sa labi. "Everything," mabilis niyang tugon. "Kapag dumating ang araw na maubos na lahat ng mga ngipin mo, I'll give mine to you." "Bakit ngipin?" Nakairap nitong tanong sa kaniya habang hindi mapigil ang matawa. "Because I'm a dentist. Kung cardiologist ako, malamang 'yong puso ko." "Hay naku, Brahms, ang corny mo. Better teach me how to use this vibrator." Pag-iwas nito sa sinabi niya. "Sure." Mabilis naman niyang dinampot ang bagay na iyon kasama ang remote control niyon at fantasy lubricant oil. Sinimulan niya iyong paganahin upang ipakita rito kung paano nga gamitin. "Open your legs, EJ, for actual demonstration." "Abraham!?" inis nitong saway sa kaniya. Tumawa lang siya at ipinagpatuloy ang pagpapaliwanag dito kung paano iyon ginagamit. Itinaas niya ang suot niyang t-shirt at idinaiti ang nag-iingay na vibrator sa sikmura niya. "Ang lakas!" Kumikislig at tumatawang sabi niya. Natigilan siya sa ginagawa nang mapansin niyang hawak nito ang camera at kinukuhanan ng video ang harap niya. "Hey, are you video taping my d*ck, huh?" nakangising tanong niya sa dalaga. "To make sure na hindi 'yan tumatayo habang—" naputol nito ang sinasabi nang bigla niyang hablutin dito ang camera. Tumawa ang dalaga. "You'll be held accountable for your malicious actions." Akmang dudukwang siya rito pero mabilis itong nakalundag sa kama at tumakbo palabas doon sa kuwarto. Kaagad niya itong hinabol kaya nagtitili ito, bagay na ikinatawa niya. Sa hagdanan niya ito inabutan. Dinaklot niya ito sa maliit nitong baywang pero pumalag ito kaya naman nahulog sila ng magkasama sa hagdan. Bumagsak sila sa ibaba at napaibabaw sa kaniya ang dalaga, napaupo sa maselang parte ng katawan niya. "s**t!" napamura siya sa sakit kasabay ang pagngiwi ngunit agad siyang natigilan at napatitig sa dalaga nang mapansin ang ayos nila. Nagkatitigan sila habang namamayani ang katahimikan sa kanilang pagitan. Lumalagos sa suot niyang maong na pantalon ang init sa pagitan ng mga hita nito dahil manipis lamang ang suot nitong pajama. Kapwa bumilis ang pagtibok ng kanilang mga puso nang hindi nila namamalayan, at pamilyar sa kaniya ang nararamdaman. Sabay silang napalunok habang nakikiramdam at nakikinig sa t***k ng puso ng isa't-isa. Nasa ganiyang ayos ang lahat nang bigla ay mag-ingay ang cellphone niya sa kaniyang bulsa. Natauhan si EJ at mabilis na kumilos paalis sa ibabaw niya. Kinuha niya ang cellphone at tiningnan kung sinong caller. Si Kate iyon. Hindi niya iyon sinagot bagkus ay kumilos at bumangon. He hemmed to clear his throat. "EJ, tungkol sa blind date, seryoso ako roon," wika niya upang pawiin ang pagkailang at malihis ang mga isip nila. "Isang legal counsel sa kilalang casino sa bansa ang pinsan ni Kate. EJ, you deserve someone better than Maxim." Hindi ito nagsalita at ipinakita sa kaniya ang kawalan ng interest. Kumilos at umakyat sa hagdanan ngunit kapagkuwan ay huminto sa kalagitnaan. Nilingon siya nito. "Gusto lang kitang itama sa sinabi mo kanina, Brahms," seryosong sabi nito. "Ikaw ang first kiss ko at hindi si Maxim." Kaagad nitong binawi ang tingin at nagpatuloy sa mabilis na pag-akyat sa hagdan. Hindi siya nakakibo sa kinatatayuan habang sinusundan ito ng tingin. Gusto niyang mapahiya sa kaibigan. Naalala niya ang gabi ng prom na in-attend-an nito noong nasa college ito. Tinawagan siya ng professor nito at ipinasundo ito sa kaniya dahil nalasing ito. Malakas ang ulan nang gabing iyon kaya naman bago pa nila sapitin ang kotse niya ay nabasa na sila. Natigilan siya nang maiupo ito sa passenger seat. Napatitig siya sa hindi kalakihang mga dibdib nito na nahantad ang perpektong hubog dahil sa basang dress na humakab sa balingkinitan nitong katawan. Sinaway niya ang sarili. Kumilos siya at kinuha ang ekstrang long sleeves polo niya na naka-hanger doon sa sasakyan at itinakip sa dibdib ng dalaga, tapos ay sinimulang ikabit ang seatbelt dito, ngunit habang ikinakabit iyon kay Ella Jane ay napatitig naman siya sa nakaawang nitong mga labi. Mapupula iyon at namamasa. Sa pagkakataong iyan ay hindi niya napigil ang sarili, natukso siyang halikan ito sa loob ng maikling sandali. Nanariwa sa isip niya ang malambot at matamis na labi ni EJ. Napapikit siya at sinikap na iwaksi iyon sa alaala. Hindi niya alam na malinaw pala ang diwa nito nang gabing iyon sa kabila ng kalasingan, at 'ni minsan ay hindi nito nabanggit ang tungkol doon, ngayon lang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook