CHAPTER III

3248 Words
Chapter 3 Pagkatapos kung magluto ay abala na ako sa pag-aayos ng mga dadalhin ng mga bata dahil pupunta kami ng tapsihan. Wala silang klase kaya mas gusto nilang sumama sa akin dahil gusto nilang makialam sa pagseserve. Nag-aayos na ang dalawang bata ng muling bumukas ang pinto at pumasok mula doon ang asawa ko. Nang magising ako ay wala na si Alexander kaya hindi ko maiwasang magulat. Kapag umalis s’ya ng bahay madalas ay gabi na s’ya umuuwi o sa susunod na araw dahil ang madalas niyang rason ay abala s’ya sa trabaho. “Akala ko pumasok ka?” tanong ko na muling bumalik sa ginagawa ko. “May inayos lang ako sa opisina. Aalis kayo?” Natigil ako sa ginagawa ko ng lumapit s’ya at akmang hahalikan ako ngunit mabilis akong umikot para ilayo ang mukha ko. “Nakalimutan mo na ba? Bukod sa anak mo at bahay meron din akong inaasikasong tapsihan,” pabalang kong sagot. Nakakainis na hindi pa ganoon kalayo ang nararating n’ya ay nakakalimutan n’ya na ang mga responsibilidad sa akin. Habang pinagmamasdan ko s’ya ngayon ay bumabalik sa akin ang nakita ko kahit hindi ako sigurado ay iba pa rin ang kutob ko lalo na at nakita ito mismo ng dalawang mata ko. Iniwan ko si Alexander sa kusina at umakyat na lang sa kwarto namin at hinubad ang damit na suot ko habang naglalakad papasok ng shower. Napapikit na lang ako ng lumapat sa balat ko ang malamig na tubig mula sa shower. Maaga pa lang ay mainit na kaya ang ganito kalamig na timpla ng tubig ay masarap sa katawan nagigising ang bawat parte ng katawan ko. Napasinghap ako isang kamay ang pumulupot sa bewang ko. “I miss you!” bulong niya habang pinapatakan ng maliit na halik ang balikat ko. He missed me? It’s a funny thing that lately those words don’t excite me anymore. The words that comforted me and made me happy before make me question now. It somehow makes me think if we are still on the same page. Sa sobrang abala ko sa patak ng tubig na dumadampi sa balat ko ay hindi ko namalayang nakapasok na pala s’ya. Napapikit ako at isang daing ang kumawala sa labi ko ng damumpi ang labi niya sa tenga ko. “N-Naghihintay ang mga anak mo sa ibaba.” Paalala ko sa kanya kahit ako mismo ay nag-uulap na ang isip at malapit na ring madarang sa bawat haplos n’ya. Pero ang mga kamay kong tumutulak sa kanya palayo ay nanlalambot na at nangungunyapit na lang sa balikat niya. Matagal na rin pala simula ng maging intimate kami ng ganito. Matagal na rin mula ng huli kaming nagkasama sa iisang bubong ng hindi siya nag mamadali. Nakakamiss din pala. Ganito rin ba ang nararamdaman niya noong ako ang nagtatrabaho at ako ang laging wala dito sa bahay? Ganito rin ba ang laging gumugulo sa isip niya noon kapag hindi ako nakakauwi ng bahay dahil sa sobrang daming demands ng work ko? I bet he does too. “Oh… X-Xander!” daing ko ng mas lumalalim ang halik niya at nag-umpisang gumalaw ang kamay niya sa katawan ko. “Xander…” It was supposed to pacify him, but it just sounded like a moan. A moan made Alexander move faster, and his lips and hands became more audacious. Even if I wanted to stop him, I couldn't because my own body was betraying me and is already asking for more of touch. Ang bawat haplos ng mga kamay niya ay nag-iiwan ng kakaibang init sa balat ko na para akong pinapaso. Ang mga labi niya ngayong abala na sa ibabaw ng dibdib ko ay parang pipigtian ako ng hininga sa sobrang sarap ng epekto nito sa akin. Ang mga ungol na pinipigilan ko kanina pa ay dahan-dahan ng kumakawala at hindi ko na mapigilan. I am crazy, right? I shouldn’t be here moaning and asking for more, but I can't help it so here I am, trying to pull him more towards me. It’s funny how he changed my mood instantly just by his kisses and husky voice. My self-control and sanity completely disappeared with this sudden interaction between us. I love this man, and I will do everything to make him stay in our life. I’ll do anything to guide him back on the right path with us. That’s what a wife should do, right? Kailangan nating ipaalala lagi sa mga asawa natin kung ano ang mga bagay na nakalimutan nila. Mga bagay na nababaliwala nila kakahabol sa mga pangarap niya para sa amin, pero nakakalimutan niyang sa kakatakbo niya ay naiiwan kami. Nakakalimutan niya na meron siyang pamilya na kailangan niyang uwian at laging isipin. Sa mata ng ibang lalaki ang asawa ay para sa bahay at kama at sa panahong kailangan nila ng magpapligaya sa kanila. Napasinghap ako ng bigla niyang pisilin ang pwet ko at giniya ako papunta sa toilet bowl at pinatuwad doon habang ang isang paa ko ay pinatong niya sa toilet seat. “s**t! A-Alexander kapag nahuli tayo dito ng mga anak mo. Lagot ka talaga sa akin!” Napaliyad ako ng bigla siyang umulos mula sa likod ko at wala akong nagawa kung hindi ang dumaing. “I miss you,” bulong niya sa gitna ng paggalaw mula sa likod ko. Gusto kong matawa ngayon sa sinabi niya dahil ako mismo ay hindi na maalala kung kailan kami huling nagtalik. Hindi ko na nga maalala kung kailan kami huling beses na nagkasama sa iisang bahay ng matagal. Gagalawin niya ako kung kailan niya gusto at dahil asawa niya ako hinahayaan ko siya dahil iyon ang responsibilidad ko bilang asawa niya. Minsan nakakapagod, but it’s my duty as a wife. It’s a woman’s duty to fulfill their other half’s needs. Nanghihina akong naupo sa gilid ng tub at sinandal ang katawan ko. Sabay na kaming nag lublob sa tub para daw makatipid kami ng tubig. Pinagmasdan ko ang kamay niyang nilalaro ang maliliit kong daliri sa palad niya gaya ng madalas niyang gawin noon. Kailan nga ba namin ito huling ginawa? Kailan nga ba kami nagkasabay maligo ng walang ibang iniintindi? Kailan nga ba kami nagkasama na walang ibang taong nakikigulo sa amin? Sa totoo lang wala na akong maalala kung kailan ang huling beses na ‘yon. O kung meron man ay baka hindi na tumatak sa isip ko dahil masyado na itong matagal kaya nakalimutan ko na. Mga bagay na minsan ay gusto ko na lang din tuluyang kalimutan dahil minsan mas sakit pa kapag bumabalik sa ala-ala ko. I saw the kiss they shared last night in front of my house. The kiss almost broke my heart, but God made me a strong woman. I don’t back down just because of a new girl trying to ruin the family we’ve made. I back down because I am tired. Saffy told me to ask Xander, but how will I do that? How will I start questioning his capability as my husband? When I am in the first place is not a perfect one too. Gusto ko siyang bigyan ng benefit of the doubt kahit pa maraming tanong ang tumatakbo sa utak ko. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses siyang pinagtatanggol sa utak ko pero siya ring bilang kung ilang beses parang madudurog ang puso ko. Tanggapin ko man o hindi ay sadyang masakit na malaman na merong kalaguyo ang asawa mo at mas higit pa sa ‘yo. Ayos lang! Isa lang ito sa mga pagsubok sa amin kaya sigurado akong malalagpasan din namin ito basta magkasama kami. "Amorah, did you bring an extra shirt? And you young man have you done your task?" baling ko sa dalawang batang nakaupo sa likod. "Yes Mum. I already packed our things already," mabilis na sagot ni Amorah. Natigil sa pagbabasa si Ahmed sa pagbabasa. Saglit na binaba ang librong hawak at tumingala sa akin. "Is Dad coming with us?" tanong niya na para bang hindi makapaniwala. "Yeah. Maybe he's just dropping us at tapsihan or maybe he want to spend a day with both of you," sagot ko habang inaayos ang buhok niyang nagulo. Ahmed is a carbon copy of his Dad but Amorah takes after my attitude while Ahmed is the silent one. Marami man silang pagkakaiba ay isa rin iyon sa strength nilang dalawa. Kahit madalas na sungitan nitong si Ahmed ang kapatid niya ay lagi itong nakabantay na parang ibon sa bawat kilos ni Amorah, lalo na kung alam niyang masasaktan ang kapatid. Supporting each other's weaknesses is what I want them to learn. Maya-maya ay pumasok na si Xander kaya tumahimik na ang magkapatid at inabala ang sarili sa mga gamit na dala nila. “Are you ready?” tanong ni Xander sa dalawang anak pagkaupo ng driver’s seat. Ito ang isa sa mga bagay na nakalimutan niya mula ng magtrabaho siya. Nakalimutan niya kung paano kunin ang loob ng mga anak niya kaya mas lalong nagkakaroon ng pader sa pagitan nila. Habang nagkaka-isip sila ay mas nagiging matanong sila at observant sa mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid nila. Iyon din ang kinatatakutan ko noong nagtatrabaho ako. Nawawalan ako ng oras sa kanila at nakakalimutan ko na ang mga kailangan nilang atensyon. “Hey, are you okay?” untag niya sa akin ng kunin ang kamay ko at patakan ito ng halik. Ngumiti ako ng lingunin siya. “Of course, nag-iisip lang ako kung may kailangan akong orderin ngayon para sa kusina,” pagdadahilan ko. “Wala ka bang gagawin ngayon? Baka nakakaabala kami ng mga bata sa’yo,” muli kong ungkat sa kanya. Dahil mula ng magtrabaho siya ay bihirang-bihira na lang namin siyang makasama. At kung makakasama man namin siya ay madalas sa mga importanteng araw lang at madalas ay panandalian lang. “Sabi ko sa’yo pagbalik ko inyong-inyo ako. May gusto ba kayong gawin o puntahan ng mga bata?” Umingay ang buong sasakyan dahil sa narinig nila. Ngayon ko lang naalala na matagal na pala ng huling beses kaming lumabas bilang pamilya dahil ang padre de pamilya namin ay abala sa pagkami ng pangarap niya. Sinagot ko lang siya na ang mga anak niya ang tanungin dahil doon siya may utang at hindi sa akin. Nang lingunin niya ang dalawang bata ay agad na lumaki ang ngiti ni Momo. “Why can you leave now? Are not you busy?” Ahmed ask out of the blue. Ramdam ko na bigla siyang natigilan sa tanong ng anak niya. If you read between the lines, you’ll know that there was a melody of sullenness in his voice. Ahmed is so mature at his age. He is so serious in life that even I worry sometimes. Ngumiti ng malaki si Alexander sa mga anak niya. “Lagi akong may oras sa inyo, anak. Sadyang nitong mga nakaraang linggo ay abala lang si Daddy sa trabaho,” sagot ni Alexander bago pinaandar ang sasakyan. “Really, Dad? I want theme park. Can we go there?” excited na sagot ni Amorah nang ibaba ang Ipad na hawak niya. “You want it there too, Ahmed, right?” baling niya sa kapatid na pinaayos lang siya ng upo. “Yeah, whatever!” he snorted. Hinayaan ko na lang silang magkwentuhan habang inaayos ang ibang report sa Ipad ko. Ang cellphone ko ay pinatay ko na dahil walang tigil sa kakatawag si Saffron. Hindi ito tumitigil hanggat hindi malalaman kung anong nangyari sa aming mag-asawa. Naiinggit na lang talaga ako sa pagiging carefree nito mula ng nag-asawa kabaliktaran sa buhay na meron ako. Pagdating sa tapsihan ay abala na ang lahat dahil sa dami ng tao. Nagulat pa sila ng makita si Xander na kasunod namin na agad nag-ayos para tumulong sa pagsiserve. Dumiretso na rin ang dalawang bata sa opisina ko dahil doon lagi ang pwesto nila kapag nandito para hindi nakakaabala sa lahat. “Kuya Samuel, may kailangan ba tayo sa kusina?” “Wala naman, Fhixie.” Pagkatapos ko kay Kuya Samuel ay dumiretso naman ako kay Sally at Cari pero mukhang wala naman silang kailangan. “Ate Xie, okay lang kami. Makakaalis na kayo kung may pupuntahan pa kayo. Kami na ang bahala dito,” tulak niya sa akin palabas ng counter. “Oo nga Xie. Magpahinga ka naman at mag family time muna kayo,” dagdag ni Ate Sally. Wala na akong nagawa ng itulak nila ako palabas ng tapsihan. Ang mga bata ay nasa loob na ng kotse at si Xander naman ay nagpaalam lang sa mga tauhan namin bago kami umalis. Hindi pa kami umaalis ay excited na si Momo dahil si Ahmed ay tahimik lang at naghihintay na animoy nakamasid lang sa kung matutuloy kami o hindi. Isang oras din ang naging biyahe namin bago kami makarating ng theme park. Sa biyahe ay walang tigil na kumakanta si Amorah dahil excited daw siya sa family day namin na wala akong ideya. Si Ahmed naman ay abala lang sa pagsita sa kapatid niya ng sobrang likot dahil Sa buong byhae ay hindi ko din maiwasang pagmasdan ang lalaking nasa tabi ko. Matagal-tagal na rin mula ng maging asawa siya sa akin at ganun din ako sa kanya. Madalas ay isang tiga asikaso, tiga alaga at tiga pagpaligaya lang sa kama ang papel ko. Sa sobrang abala ko sa pagiging mabuting ina at asawa ay nakalimutan ko ng isa pala akong babae at kailangan ko din ng atensyon mula sa kanya. Napbalik ako sa ulirat nang maramdaman ko ang daliri ni Alexander na naglalaro sa akin. “What are you thinking, mahal ko?” tanong niya ng pisilin ang kamay ko. “Wala naman. Iniisip ko lang ang mga trabaho na kailangan kong gawin pag-uwi. Hindi ka ba hahanapin ng boss mo dahil wala ka ngayon?” pag-iiba ko ng usapan. “Nagawa ko na lahat ng trabaho ko sa kanya kaya malaya na akong gawin ang gusto ko. Halos wala na nga akong oras sa inyo kaya ngayon ay ilalaan ko ang araw na ito para sa mga bata,” aniya bago patakan ng halik ang kamay ko. Kapag ganito siya kasweet noon ay lumulundag ang puso ko pero ngayon ay parang wala ng epekto ang mga salita niya. Hindi naman ako umaasang magagawa nga niya ang sinasabi niya dahil kung sakali man ay hindi lang ito ang unang pangakong hindi niya matutupad. Ang mahalaga sa akin ay maging mabuti siyang ama sa mga anak namin at magampanan niya ng maayos ang pagiging padre de pamilya niya dahil hindi naman ako ang pupulaan ng tao kapag nagloko siya. Siguro nga may mga taong mas pinapaburan ang lalaki kapag nagloloko o nagkakaproblema. It’s either nagkulang ang babae o masyado itong selosa o bungangera. Nakakatawa na sa dami ng rason na pwede nilang ipukol sa isang babae para lang mabigyan ng katwiran ang pagloloko ng isang lalaki pero kahit isa walang dahilan para ipaglaban ang karapatan ng isang babae. Babae man o lalaki may rason man o wala. Kapag masyado ng masakit ang lahat at nakakapagod, dapat na itong tumigil dahil kalaunan sarili lang nila ang sasaktan nila. “Theme Park! Theme Park!” Amorah chanted as we enter the theme park. Walang masyadong tao dahil weekdays ngayon kaya pabor ito sa amin lalo na sa mga bata para makapag-enjoy sila. Sakto lang para makapag-ikot kami at hindi masyadong pumila ng mahaba. Ibig sabihin marami kaming oras para mag-enjoy at hindi kailangang magmadali at double effort para sa mga pila. “Mahal, I’ll just buy some snacks while waiting.” Tumango lang ako bilang tugon kay Alexander dahil nakapila pa kami sa ferris wheel. Medyo mahaba pa kasi ang pila sa ibang rides at hindi naman sila pwede sa mga delikadong rides kaya sa mga pambata at hindi muna matao ang inuna namin. “Mom, can we try other rides after? Momo’s rides are boring,” reklamo ni Ahmed. “Of course. What ride would you want to try then?” pagbibigay ko sa kanya ng buong atensyon ko. “You want to try roller coaster?” “I think Thomas would be fine,” he said. Hindi ko mapigilang mapangiti sa pilit niyang pagiging matured pero lumalabas pa rin talaga ang pagiging bata niya. Napapaisip tuloy ako kung pinipilit niya lang ba gampanan ang ganoon posisyon dahil madalas wala ang ama? O sadyang gusto niya lang panindigan ang pagiging Kuya sa kapatid? But neither the two masaya ako na meron akong isa pang lalaki sa buhay ko na alam kong poprotektahan ako balang araw. Meron akong isang maliit na shining armor na handang makinig at ipaalala sa akin na nanay ako at hindi ako nag-iisa kahit anong mangyari. Inikot ko ang tingin sa buong paligid dahil ilang minuto na hindi pa rin bumabalik si Xander. Pagkain lang naman ang bibilhin niya sobrang haba ba ng pila? “Mga anak, sisilipin ko lang ang Tatay niyo ah! Dito lang kayo at huwag umalis sa pila ah!” Pero bago pa ako makaalis ay biglaan na lang dumagsa ang mga tao kaya hindi ko na sila maiwang dalawa at kami na ang susunod na sasakay. Wala akong nagawa kung hindi sumakay na sa ferris wheel ng wala si Xander dahil sayang ang pinila ng mga bata kung hindi sila makakasakay. Bukod sa we came here because of the kids so I need to make sure they enjoy this day out. “It's a pity we're not with Dad?” Momo asks as we ride the Ferris wheel. “That's okay Momo. Maybe Dad went somewhere else again. You know he is always busy at work.” I know Ahmed is consoling his sister so that she would not feel guilty that we left her father, but I know he also says it too to convince himself. I know that he also wants to spend some time with his father especially now that he's getting older. I always see him chatting with Volt as if their topic is so interesting. A pain that you’ll never see, but you’ll feel it in his every word. Nang mag-umpisang umandar ang Ferris Wheel ay nawala na ang atensyon nila sa ama nilang nawawala. Wala akong naririnig sa kanilang dalawa kung hindi ang paghanga nila sa paligid at kung gaano sila kasaya sa nakikita nila. But maybe God doesn’t agree with me because destiny is playful and it still won't let you be happy. Habang umaandar ang Ferris Wheel ay parang nagslomo ang lahat kaya kitang kita ko ang dalawang taong kahit nasa malayo ako ay kilalang kilala ko. Magkahawak kamay silang naglalakad na animoy may kung anong interesante sa piangkukwentuhan nila. Gusto kong isipin na trabaho lang ang lahat pero sa kilos nila ay hindi naman ako tanga para hindi isiping may kakaiba. Ang makita siyang may kahalikan ay halos hindi na ako pinatulog. At ngayong nakikita ko siyang muling may kahawak kamay na iba sa oras na dapat ay para sa amin ng mga anak niya ay hindi ko maiwasang mapaigik sa pagkirot ng puso ko. Hindi ko maiwasang mapadaing sa kung anong namumuo sa dibdib ko na hindi ko alam kung mawawala pa kahit sabihin niyang mali ako ng iniisip. God, Alexander! I don’t know what is painful right now. I don’t know if it’s painful because you cheating on me or because I already knew a long time ago that this might would happen. I just didn’t expect to be this late.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD