CHAPTER IV

2734 Words
Chapter 4 MAY PASOK ang mga bata kaya maaga akong nagising pero pagbaba ko sa kusina ay nandoon na si Alexander at abala na sa paghahanda ng almusal namin. Wala akong ibang gagawin ngayon kung hindi ang manatili sa tapsihan dahil mag-aayos ako ng ipaparenovate namin na karugtong ng kusina. Naipiling ko ang ulo ko habang nakatingin sa asawa ko. “Wala kang pasok?” kunot noo kong tanong na hindi pa rin makapaniwala sa nakikita ko. “I have, but it’s only a lunch meeting,” he answered, still busy cooking. Tumango na lang ako bago dumiretso sa ref para kumuha ng gatas pero bago ko pa mabuksan ang ref ay inabot niya na sa akin ang isang baso ng gatas. Ilang segundo ko pa siyang pinagmasdan bago kinuha ang inaabot niyang baso ng inumin sa akin. Minsan hindi ko alam kung ang kinikilos niya ay likas sa kanya o sadyang may rason lang ang lahat ng ito. Matapos kung inumin ang gatas na binigay niya ay naglakad na ako palabas para gisingin ang mga bata. “Where are you going?” tanong niya dahilan para matigilan ako sa paghakbang. “Sa mga bata. Bakit?” “No need. I already woke them up.” Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. “May sakit ka ba? Or you need something?” kuryoso kong tanong sa kanya. Natawa siya sa tanong ko at naglakad palapit sa akin. “What? I don’t need anything. I just want to cook for you and the kids like I always do.” Napataas ang kilay ko sa sinabi niya dahil hindi ko rin naman inaasahan ang mga kilos niya ngayon. “Hindi ako sanay na ganyan ka. I feel like your going to do something i don't like.” Mas lalong naningkit ang mga mata ko ng ngumiti lang siya sa akin at patakan ako ng halik. “Hindi ba pwedeng nilalabing ko lang ang asawa ko? I just missed doing this stuff for you and for the kids,” he explained and kissed me again. “Kapag naglalambing ka ibig sabihin ay may kailangan ka. At natatakot akong baka ang susunod mong hingin sa akin ay annulment,” tukso ko sa kanya pero agad na nawala ang ngiti sa labi niya. Ilang segundo din siyang natigilan sa sinabi ko kaya napangiti ako at tinalikuran na siya. “Stop over thinking, mahal ko. Why would I do that? I should be the one asking you right now cause you are the one who is distancing yourself from me,” seryoso niyang pahayag dahilan para matigilan na naman ako. Distancing myself? Ako? Kailan? Wala akong maalala na ganoon sa araw-araw na nagtatagpo kaming dalawa. Siguro ay madalas akong naiinis at naaaway siya dahil sa pagod at sa napapansin kong pagiging lunod niya sa trabaho dahilan para makalimutan niya na ang mga anak namin at responsibilidad niya bilang ama sa pamilyang ito. Hindi naman ako naghahangad ng yaman na gaya ng meron ang kaibigan ko, ngunit gusto ko ng pamilya na gaya ng meron siya. Inggitera? Siguro nga. Sino ba namang hindi mainggit kay Saffron kung nasa kanya na ang lahat. Hindi ba? Ewan ko pero hindi ako kailanman nainggit sa mga materyal na bagay na meron siya. Dahil alam kong isang araw ay mawawala din ang lahat ng ‘yon at hindi naman madadala ‘yon sa kabilang buhay. “I am not distancing myself, Xander.” Naupo ako sa upoang nasa counter island at saglit na pinagmasdan ang mga luto niyang pagkain. “Siguro marami lang nagbabago sa ‘yo at natatakot akong ang pagbabago na ‘yon ang maging dahilan para iwan mo kami isang araw.” Umawang ang mga labi ko ng maramdaman yakap niya mula sa likod. Mga yakap na sinabayan ng bawat pangakong gaya noon ay hindi niya ako iiwan at walang pangyayari o taong makakapag hiwalay sa aming dalawa. Pangakong hindi ko alam kung kaya niya pang tuparin ngayon dahil nag-iba ang Alexander na kasama ko. “I love you, mahal at walang magbabago doon. Am I lacking on something lately that you got upset like this?” I wanted to tell him that saying sorry is not enough to fix everything. “Is it my job? You want me to quit–” “Woah! Stop there it’s your dream job and you work hard for it. Sana lang sa mga pangarap mong yan ay hindi mo makalimutan na may anak, asawa at pamilya ka na hindi lang pera o magandang buhay ang kailangan sa ‘yo.” Paalala ko sa kanya bago tumayo at nagpaalam para puntahan ang kwarto ng mga bata. Paakyat pa lang ako ng hagdan ay nakita ko ang kambal kaya inantay ko na lang silang bumaba. Kinuha ko ang bag na dala nila at pinauna na sila sa kusina dahil nagtatawag na si Alexander na luto na ang pagkain. Inayos ko na ang mga gamit nila sa kotse bago bumalik sa kusina at sinaluhan silang kumain. Minsan ang isang sugat kahit gamutin mo ay hindi agad ito gumagaling o naghihilom. Madalas ay nag-iiwan lang ito ng masamang ala-ala at masakit na pakiramdam sa loob. I am finding clothes to wear in the closet and found an oversized shirt and a big pair of pants. I am eyeing myself in the mirror to check what I am wearing and it made me realize something. I didn’t know anymore who am I seeing right now. I can’t recognize the new me that this past few years made me and that everything about me change without me realizing it. Binalik ko ang kinuha kong mga damit at kumuha ng moss green pleated na palda at isang square neckline top. Sa sobrang busy ko sa pagiging mabuting asawa at ina ay hindi ko na iniisip pa ang kung ano ang itsura ko ngayon at kung ano ang tingin sa akin ng mga tao. “Wow, Mom! Are you going somewhere?” manghang tanong ng madaldal kong anak. “Yeah. Ihahatid ko kayo. Let’s go!” aya ko sa kanila. Hindi ko makita si Xander kaya hindi na ako nag-abala pang hanapin ito. Kaya nagulat ako nang paglabas namin ay nakita ko itong nakasandal na sa pinto ng kotse at tahimik na naghihintay sa amin. Pinagbuksan niya kami ng pintuan at nagtataka man ay hindi na ako nagtanong o nagprotesta pa dahil ayokong makita o magkaroon sila ng ideyang nagtatalo kami ng Tatay nila. Lalo na at narinig ko ang pagbubunyi ni Momo dahil sa paghatid sa kanila ng ama na hindi madalas mangyari. Tahimik lang akong inabala ang sarili ko sa mga notes ko at hinayaan ko silang mag-aamang mag-usap, lalo na at mukhang excited ang mga bata na makipag-usap sa kanya. “Dad, ikaw pa rin ba ang susundo sa amin?” tanong ni Ahmed bago ito bumaba. “Of course. Daddy doesn't have work today. I can spend the rest of the day with you,” nakangiting sagot sa kanila ng ama. “Yeah, right! you’ve already said that before,” I heard Ahmed whisper. I heard what Ahmed murmured before he closed the door. Yeah, Xander always says and brags that he has time for his children, but at the end of the day, he will leave because something important happens. Even if I don't want the kids to look down on him, they are too smart for his simple reasoning. They kept on seeing Alexander’s sides they shouldn’t have. Dapat ay hahayaan ko silang pumasok sa room nila ng mag-isa gaya ng madalas kong gawin. Pero ngayon ay mabilis akong lumabas ng kotse at sumunod sa kanila papasok. Malayo pa lang ay nakikita ko na ang mga mahaderang co-parent ko na ayaw ko talagang nakikita o nakakasalamuha. “Are you sure you are coming with us, Mom?” Ahmed asks when I walk beside them. “Momo, watch where you are going,” he hissed when her sister almost bumped into a hedge. “I will,” Momo smirked at her brother. “Mom, can you dress like this every day?” She uttered when she glanced at me with twinkling eyes. Napangiti ako sa tanong na ‘yon ni Amorah. “Do you like what I'm wearing?” tanong ko habang inaayos ang bangs niya. Today is one of the rare moments where I am dressed up that I am not doing every day, so they always get shocked or confused whenever I dress this way. “Uh-huh! You are more beautiful than my classmates, Mom. They always brag about how beautiful their Mom which is not, to begin with.” I wanted to laugh at how her eyes almost lost their white and how her lips twitched every time she talks about how annoyed she is. Momo is really expressive like me when I was young and it makes me happy, yet annoying sometimes cause I feel like I am having a fight with myself. “Are you ashamed that Mom doesn't look like your friend's Mom?” gulat siyang napaawang ang mga labi at mabilis na umiling. “It’s okay if you are. Mom doesn’t actually like to get dressed or pampered most of the time.” “I am not ashamed. I just don't want them to make fun of you,” bulong n’ya habang nakayuko at pinaglalaro ang sapatos sa semento. Pati ang kapatid n’ya na naglalakad sa tabi namin ay napahinto sa sinabi ni Momo. “Yeah. Maybe they were looking making fun of me when I was not around, but it doesn't mean that it will make me feel bad. Minsan kasi anak may mga bagay na mas prinapriority ng grown up kumpara sa itsura niya at sinasabi ng mga tao sa paligid niya. Grown up’s have so many priority and sometimes people’s opinion doesn’t matter especially if it doesn’t benefit them,” paliwanag ko na hindi rin naman ako sigurado kung naiintindihan niya nga ang sinabi ko. “Mom is beautiful whether she dresses nicely or not. Besides the only thing that was beautiful about them was their dress but their attitudes are not. So, anong dapat ikainggit ni Mommy sa kanila? In every aspect, Mom is more beautiful than them without making an effort.” Gustong-gusto ko kung paano sermunan ni Ahmed ang kapatid n’ya. Kung paano n’ya ito paliwanagan ng mga tama at mali na para bang s’ya mismo ay naranasan ang mga bagay na ‘yon. Nakakatuwa lang na sobrang mature n’ya sa edad n’yang ito pero nakakatakot din na masyado na s’yang aware sa mga nangyayari sa paligid n’ya lalo na ngayong nagkakaroon kami ng problema ni Alexander. “Ayos lang anak. Tandaan mo na hindi nababase sa itsura o estado sa buhay ng isang tao ang kung paano mo s’ya titingnan o pakikitunguhan. Siguro nga maganda sila at mayaman pero iyon sila at iba din ako sa kanila. Meron akong dalawang anak na mahal ako at mahal na mahal ko kaya kahit wala ako noong mga bagay na meron sila ay masaya na ako,” saad ko bago sila yakapin at halik-halikan sa pisngi. Hindi man ako perpektong ina o asawa sa pamilya ko ay gusto ko man lang maging magandang ehemplo sa kanila. Baka sa pagiging mabuti kong tao ay madala nila iyon hanggang sa paglaki kahit wala na ako sa tabi nila. Hinatid ko silang dalawa sa mga classroom nila at saglit na nakipagkwentuhan sa mga teacher at parents na kakilala ko bago nagpaalam na at bumalik sa sasakyan. Naabutan ko doon si Xander na masayang pakikipagkwentuhan sa mga Nanay ng ibang estudyante na hindi ako komportableng kasama. Nang lapitan ko sila ay parang nagulat pa sila ng makita ako. “Mrs. Fortanilla, I like your outfit today,” komento ng isang Nanay na classmate ni Ahmed. Isang tipid na ngiti lang ang sinagot ko sa kanila. Pero lahat sila ay nagbago ang mukha ng lapitan ako ni Xander at ilagay ang kamay sa balikat ko. “My wife looks good on anything she wears,” mayabang niyang saad ng akbayan ako. Gusto kong matawa dahil ngayon ko lang ulit narinig na ipagyabang ako ng asawa ko. At habang nakatayo sa tabi ni Xander ay hindi ko na naririnig ang mga sinasabi n’ya o pinag-uusapan nila dahil ang mga mata ko at isip ko ay nakatutok lang sa lalaking nasa tabi ko. Mataman s’yang pinagmamasdan ng mga babaeng ito na para bang may interesante sa mga sinasabi n’ya. Kahit ang totoo ay wala naman talaga akong naririnig ngayon, bukod sa isip kong naglalakbay habang nakatitig sa kanya. Kung ipagmalaki niya ako sa iba ay para bang talagang kilala niya pa ako at alam niya kung ano ang tumatakbo sa isip ko. Pero ang totoo habang tumatagal ay nagiging estranghero na kami sa isa’t isa ng hindi namin namamalayan. Ibang Alexander na ang nakikita ko at hindi ang lalaking akala mo ay linta kung makadikit sa akin noon. Sumandal ako at saglit na pinikit ang mata ko ng maupo sa loob ng kotse. Pakiramdam ko ay napagod ako sa pakikipag plastikan sa mga Nanay na ‘yon, at idagdag pa ang pananamantala ni Xander sa sitwasyon namin para lapitan ako at halikan. Kahit gusto ko ng tanggalin ang kamay n’ya sa bewang ko ay hindi ko magawa dahil para kaming binabantayan ng mga mahaderan kong co-parents. “Are you mad at me?” Nangunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi ng lalaking ito. “Why do you kept on avoiding me everytime I touch you?” tanong niya pagkapasok ng sasakyan. Naituro ko ang sarili ko dahil hindi ko makuha ang tinatanong n’ya ngayon. “Seryoso ka? Ako talaga ang tinatanong mo n’yan? What did I do? Ikaw ang nakikipag-usap sa mga mahaderang mga nanay na ‘yon kaya bakit parang ako pa ang may ginawang kasalanan?” Naihilamos ko na lang ang mga kamay ko dahil sa sobrang inis ko sa kanya. Binuksan ko ang pinto sa tabi ko pero nilock na n’ya ito agad. “You are not leaving. We need to talk.” Sa inis ko sa kanya ay siniksik ko na lang ang sarili ko sa gilid ng kotse at tahimik na nagmumukmok doon. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa byahe. Nagising ako ay nakahinto na ang kotse sa tapat ng isang kainan at ang asawa ko ay nasa labas ng pinto. Binaba ko ang bintana para tawagin s’ya, ngunit napahinto din ako agad ng marinig kong may kausap s’ya. “Liza, I am with my wife. I already told you that I need time off. My wife and I have a problem right now and I need to take care of this before I get back to work.” Mabuti naman at alam niya pa lang may problema kaming dalawa. Akala ko ay sobrang manhid na siya na hindi niya pa alam ‘yon at kailangan ko pang isampal sa kanya ang lahat. Akala ko ay aantayin n’ya pang lumala ang problema naming dalawa bago s’ya gumawa ng aksyon. “I’ll call you when I have time. Okay? I’ll visit you after. I’ll just send Xie home,” he said, making me crumble in pain. It should be a simple word. Words that didn’t matter to anyone especially if there’s no reason for that, but not me. It's like a knife piercing thru my skin and giving me wounds with unbearable pain that lingers in every part of my body. Naikuyom ko na lang ang mga kamay ko habang pilit pinapanatili ang sarili kong kalmado sa kabila ng naririnig ko. Hindi ko alam kung anong relasyon ang meron silang dalawa ng amo niya. Pero ang alam ko ay gagawin ng babaeng ‘yun ang lahat para makuha ang asawa ko. Send me home? I am not going home. I am not letting him enjoy his time with his mistress. And as I kept myself steady I didn't realize that my tears were falling. I could hear Xander's questions about what happened to me but I couldn't answer him instead I just cry. He hugs me but in my mind, I keep on protesting not to go home, but my cry silently dies as he claims my lips. I am already lost in his kisses making me just moan and start kissing him back. You're still fragile when it comes to Xander, Fhixie!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD