KABANATA 8

1160 Words
"Glad you like it." Masayang sabi ni Law habang inilalagay sa Ref ang isa pang Milk tea nitong dalawa. "Yep." Aniya at pinagpatuloy ang pagkain. Maganang-magana siyang kumain. Sa sobrang gana, naubos niya ang dala ni Law na pagkain at napa dighay pa siya sa sobrang kabusugan. "Darn it, now I'm f*cking full." Akmang tatayo siya para hugasan ang pinagkainan ng pigilan siya ni Law. "Don't move." Inagaw nito ang pinggan na hawak niya. "Let me do it. Mas sasakit lalo iyang paa mo kung pipilitin mong maglakad. Let your feet rest." Hindi na siya nakapalag ng ililis nito ang laylayan ng suot na polo hanggang sa siko saka inumpisahang hugasan ang kinainan niya. Maxine can't do anything but to stare at this Adonis looking man washing her dishes. Hindi maarok ng isip niya kung bakit nito ginagawa ang mga bagay na ginagawa nito ngayon. Hanggang sa matapos ito maghugas, nakatitig lang siya rito. And when he looked at her, their eyes met. "Hey." Wika nito at namulsa. "Hey." Aniya habang nakatitig pa rin dito. Bumaba ang tingin nito sa mga mata niya. "Can you walk?" "Oo naman." Mabilis niyang sagot saka tumayo siya. Sumigid ang kirot sa talampakan niya ng ihakbang niya ang paa. Malakas siyang napamura at akmang ihahakbang muli ang isa pang paa ng may bumuhat sa kaniya. Hindi na siya umalma dahil masakit talaga ang paa niya lalo na't nakapagpahinga iyon ng ilang minuto. "Lead the way. Bubuhatin kita kung saan ka pupunta." Anang baritonong boses ni Law na siyang pumangko sa kaniya. She gulped at the closeness of their body. Damn it! Dont be affected. Dont Maxine! "Ahm," tumikhim siya saka tinuro ang hagdanan patungo sa second floor. "Sa taas. Sa kuwarto ko. Magpapahinga na siguro ako." "Okay." Malalaki ang hakbang ni Law patungong second floor. Kapagkuwan ay natigilan ito sa puno ng hagdan. "The second floor is your whole room?" Gulat nitong tanong. "Yeah." She said, fighting her voice to quiver at their closeness. "Wow. Its neat." Komento nito saka ibiniga siya sa kama niya at namulsa ito. "Sige, aalis na ako. Ila-lock ko nalang ang pinto, don't worry." Tumango siya. "Thanks .... for the food. I'm about to starve myself today. Thanks to you, hindi ako nagutom. But don't be too overwhelmed." Tumango lang ito saka bumaba na ng hagdan. Napatitig nalang si Maxine sa hagdang dinaanan nito saka pinakawalan ang hiningang kanina pa niya pinipigil ng marinig na bumukas ang sumara ang pinto ng bahay niya. "Whew." Umayos siya ng higa sa kama. "That man is annoyingly handsome and honestly weird." ….. NANG MAGISING si Maxine, kinabukasan, paika-ika pa rin siyang naglalakad. Talagang tinamaan ang sakong niya ng matinding paltos dahil sa pag-sho-shopping ni lang dalawa ni Hera Agad niya itong tinext. To Bratty Hera: hey! Kamusta naman ang sakong mo? Nakakalakad ka pa?:/ Mga tatlong minuto bago magreply ang kaibigan niya. From Bratty Hera: Of course 'YES'. Alam mo bang pinapunta ko pa dito ang dermatologist ko para bigyan ako ng ointment. May mga alam din kasi siya dito. Nang mabasa iyon ni Maxine. Sumilay ang ngiti sa mata niya. To Bratty Hera: it's your fault. Sobrang shopaholic mo kasi. Tsk! From Bratty Hera: Huh, gaga. Akala mo hindi ka nag-enjoy kahapon. By the way, nakakalungkot na dahil sa paltos na ‘to. I decided to cancel our party tonight. Wag na tayo pumunta. Next time na lang. Salamat naman dahil hindi talaga niya kayang maglakad ng tuwid. Nasa sala siya at patungo sa kusina ng tumunog ang doorbell niya. Paika-ikang lumapit siya sa pinto at binuksan 'yon.Gumuhit ang pagtataka sa mukha niya ng makita kung sino ang nasa labas. "Sino ho kayo at anong kailangan niyo sakin?" Tanong niya sa ginang na nasa labas ng pinto niya. Ngumiti naman kaagad ang kaharap. "Good morning, ho. Isa po ako sa mga kasambahay ni Sir Law at pinadala niya po ako rito para daw po alagaan kayo." Umawang ang labi niya at napatigalgal siya. Halos lumuwa ang bibig niya. Para saan? "What?" Inulit ng ginang ang unang sinabi habang nakangiti. "Pinadala po ako ni Sir Law para alagaan kayo hanggang sa nakakalakad na po kayo ng maayos." Magiliw niyang nginitian ang ginang, ayaw niyang maging bastos dito. "Ahm, teka lang ho, ah, tatawagan ko lang si Law. Ahm," ang ngiti niya ay nauwi sa ngiwi. "Puwede ko ho bang sarahan muna ang pinto? Bubuksan ko nalang po ulit pagkatapos kong tawagan si Law. Pasensiya na talaga, hindi kasi kita kilala e." Tumango ang ginang. "Naiintindihan ko ho, ma'am. Ako nga pala si Nay Corason." Bahagya siyang na hiya sa matanda dahil sa nangyari. Nakangiti siyang tumango saka dahan-dahang sinarhan ang pinto at ni-lock iyon kapagkuwnan ay paika-ika na namang umakyat siya sa second floor saka tinawagan si Law. Nakakailang tawag na siya pero hindi pa rin siya nito sinasagot. "Argh!" Inis niyang sabi, "last na to." Tinawagan niya ulit si Law at tumalim ang mga mata niya ng sagutin nito ang tawag "Hey, how are—" "Sino ka ba sa tingin mo para magpadala ng katulong dito sa condo ko?!" "Kaya nga ako may sariling condo dahil gusto ko mag isa hindi ba? Please. Pabalikin mo na ang katulong na ipinadala mo. Pinagod mo pa siya! Tsk!" Galit kaagad niyang bungad. "At hoy, lalaki, hindi porket pinatuloy at pinakain kita sa bahay ko ibig sabihin ay pakikialaman mo na ang buhay ko! Pauwiin mo ngayon din ang katulong na nasa labas ng bahay ko ngayon din!" Galit na galit siya rito dahil pinangunahan siya nito. Sino ito para magdesisyon para sa kaniya samantalang ni hindi nga niya ito gaanong kilala? "Tapos ka na magsalita?" Kapagkuwan ay tanong ni Law pagkalipas ng ilang segundong katahimikan. "Oo, bakit?" She snapped at him again. Law sighed. "Look, Maxine, ginagawa ko 'yon para sa proyekto mo samin." Paliwanag nito, "hindi puwede paika-ika ka sa photo shoot at siguradong yon ang mangyayari kung wala kang masusuyo riyan sa condo mo. Mas lalala yan, kaya ipahinga mo yan at makisuyo kay kay Nay Corason, tutulungan ka niyan. Mabait yan kaya huwag mong sisigawan, okay?" "Ano tingin mo sakin, walang puso!?" Galit na sigaw niya rito saka pinatayan ito ng tawag. "Kaya nga pinauuwi ko na siya d’yan dahil ayaw kong may mapapagod pa sa simpleng paltos ko." Paika-ika na naman siyang bumaba sa second floor at maluwang na binuksan ang pinto. Mukhang wala siyang pagpipilian kundi ang papasikin si Nay Corason. Hindi man siya sumang-ayon dito kanina, tama ito, kailangan niyang ipahinga ang mga paa niya. "Upo ho kayo, ma'am. Ano pong gusto niyong gawin ko?" Kaagad na tanong sa kaniya ni Nay Corason ng makapasok ito sa loob. "Ahm," paika-ika siyang lumapit sa mahabang sofa saka naupo doon. "Ipagluto niyo nalang po ako ng agahan, puwede ho ba?" "Oo naman po." May dinukot ito sa bulsa ng suot nitong pantalon saka inabot sa kaniya. "Ma'am, pinapabigay pala ni Sir Law. Para daw sa paa mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD