Ngiti lang ang tinugon niya kay Hera saka bahagyang natigilan ng makatanggap na naman ng mensahe mula sa kaparehong numero. Hindi pa niya pala na si-save ang number ng lalaking 'yon.
Inis niyang binuksan ang mensahe at binasa.
'What do you want? Salted caramel Milk Tea or Matcha milk Tea with pearls and Puff Cream on top?'
Napakurap-kurap siya sa nabasa kapagkuwan ay kumunot ang nuo niya.
What the hell? Anong pakulo ‘to? Is he asking me for flavor? Para saan?
Sa halip na reply-yan, pinindot niya ang save this contact at i-si-nave ang
numero sa pangalang 'Batas'.
Damn. He maybe sound so authorize. Pero hindi ako susunod sa lahat ng gusto niya. And yes he is a Law. Pero kahit anong batas pa siya. Hindi niya ako mapapasunod lalong-lalo na sa mga bagay na ayaw kong gawin.
Pagkatapos ay inilapag niya ang cellphone sa mesa at kinuha ang milk tea at sumipsip sa straw.
God. Milk tea really tastes heavenly.
Iba talaga ang pagkagusto ng dalaga sa milktea. She can't even enjoy her day without a cup of milk tea everyday. Pakiramdam niya kulang siya. Kung ang ibang babae hindi nabubuhay without wearing liptint. Si Maxine naman ay hindi masaya ang buong araw without having milktea.
HAPON na nang makauwi si Maxine sa condo niya. Nagkakayayaan pa kasi
sila ni Hera na mag-shopping at dahil pareho naman silang walang ginagawa, inabot siya ng hapon sa Mall. Kung hindi lang nanakit ang paa niya sa kakalakad, hindi pa sila uuwi ni Hera na gustong libutin lahat ng botique. At bibilin ang lahat ng bagay na magustuhan nila. Kahit na apat o limang palapag pa ang mall na pinuntahan nila. Hindi sila magsasawang mamiling dalawa.
"God... Im so tired." Aniya habang pabagsak na umupo sa mahabang sofa.
Isinandal niya ang likod sa likod ng sofa saka ipinikit ang mga mata.
Nakakapagod talaga mag Shopping, lalo na't hindi sila kumain ni Hera. Plain shopping lang talaga ang ginawa niya.
Paano siya nito kakain ng hapunan e masakit ang paa niya para magluto.
"Sh*t. I need to wear a comfortable shoes next time!" Mura niya ng maramdamang may sumigid na sakit sa mga bukong-
bukongan niya.
"I'll just skip dinner then. Okay na rin ito dahil diet ako." Inabot niya ang paa saka hinilot iyon. Panay ang igik niya habang hinihilot ang sarili. Kasalanan 'to ni Hera, halimaw ang babaeng pagdating sa shopping, halos hindi na siya pina-upo.
Kung siya ang gastadora. Si Hera ay triple ang mga pangangailangan sa buhay na kalimitan ay natatambak lang sa closet niya.
Naka-high heeled pa naman siya kanina.
Padaos-dos siyang nahiga saka mahabang sofa saka ipinikit ulit ang mga mata. Hinayaan niya ang sarili na makatulog dahil sa kapaguran hanggang sa magising siya ng dahil sa malakas na pag-iingay ng doorbell.
Kaagad niyang tiningnan ang relong pambisig.
7 PM.
Nakatulog siya mga five-thirty P.M. mukhang nakatulog siya ng isa't- kalahating oras lang.
Buwesit naman 'tong nag doorbell e! Sinira pa ang tulog niya. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at paika-ikang naglakad patungo sa pinto. Nayayamot din siya habang binubuksan ang naka-lock na pinto dahil nararamdaman niya ang paghapdi ng tiyan niya. Ngayon hindi lang paa niya ang masakit, pati ang tiyan na rin.
"Great." She murmured and pulled open the door.
"Hey." Parang mas dumoble ang hapdi ng tiyan niya ng makita si Law sa labas ng condo niya.
"What the hell!?"
"Anong ginagawa mo dito? Madilim na huh?"
Tanong niya habang nagtatakang nakatingin sa dalawang paper bag nitong dala.
"Ano ang mga 'yan?"
"I don't like owing someone." Anito saka sumilip sa loob ng condo niya.
"Puwedeng pumasok?"
Umiling siya. "Nope. Gabi na. Ayokong magpapasok ng lalaki sa condo ko lalo’t madilim na."
Tinuro niya ang dalawa nito. "Ano muna ang mga 'yan?"
Itinaas niya ang paper bag na hawak nang kanang kamay nito.
"I order the same thing you cool for me last time," tinaas naman nito ang paper bag na hawak ng kaliwang kamay nito. "Milk tea. Of course."
Nanubig ang bagang niya at mas lalong humapdi ang tiyan niya. Nakabusangot ang mukhang niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto. Hindi naman halatang nagustuhan nito ang simpleng putahe na niluto ni Maxine.
Bahagyang pumitik ang sakit na tiyan ulit ni Maxine. Dahilan para matakam siya sa dala nito.
"Fine. Come in. Pasalamat ka, nagugutom ako."
Law steps in and she closes the door.
Parang pag-aari nito ang condo niya dahil nauna pa itong pumunta sa komedor kaysa sa kaniya. Inilalabas nito ang pagkain na laman ng paper bag ng mapabaling ito sa kaniya. Kumunot ang nuo nito at gumuhit ang pag-aalala sa mukha ng makitang ika-ika siyang maglalakad at tila may kung anong iniinda sa paanan nito.
"What the f**k happened to you?" He looks mad as he stride towards her,
scooped her into his arms, bridal style and deposited her on the chair.
"Anong nangyari sa paa mo?"
Hindi siya nakasagot. Her mind was busy repeating in her head what Law just did. Pinangko siya nito ng walang sabi-sabi. Dikit na dikit ang katawan nila at amoy na amoy niya ang nakakaakit nitong pabango.
Goddamn it. Gosh! Am I affected?
"Hey." Lumapat ang palad nito sa mukha niya at iyon ang nagpagising sa kaniya.
"Of course," tinabig niya ang kamay nito.
"I'm fine."
"No, you're not." Lumuhod ito bigla na ikinagulat niya saka hinawakan ang namamaga niyang paa.
"Your feet looks swollen and"
"Bitawan mo nga ako!" Inis niyang sabi at inagaw ang paa niya rito saka malakas na napaihik dahil tumama iyon sa paa ng kinauupuan.
"F*ck!" Mahaba ang listahan ng pinakawalan niyang mura habang hinihintay na humupa ang sakit.
Maxine suddenly stilled when a warm hand encircled around her ankle and
it started massaging her softly. Mabilis na tumuon ang tingin niya sa kaniyang paa na himihilot ni Law. Gusto niyang agawin ang paa niya dahil hindi niya gusto ang kakaibang sensasyong hatid niyon sa kaniya na bumiyahe patungong mga hita niya, pero parang napapawi ang sakit ng bukung-bukungan niya dahil sa ginagawa
nito.
"Bakit ba sumakit ang paa mo?" Tanong nito habang naka-focus pa rin ang atensiyon sa bukung-bukungan niya.
"Sino may gawa nito sayo?"
Nag-iwas siya ng tingin sa paa niya na minamasahe nito.
"Well, I’m not prepared to go to the mall. Ikaw man ang mag heels at libutin ang mall."
"You can buy online. Sabihin mo lang sakin. My sister own Online shopping site. Just look at your feet. Sobrang nagpaltos. Be careful okay?"
Mula sa sulok ng mga mata niya, nakita niyang nag-angat ito ng tingin sa kaniya.
"And four hours shopping?" He sounds shocked.
"Damn. Buti ito lang ang inabot mo."
"Medyo sanay naman kasi ako, e." He was still looking at her and she was looking anywhere but him.
"Bakit ka nag shopping ng ganun katagal? Baka hindi ka nito makalakad ng maayos
bukas."
Nagkibit-balikat lang siya. "I survive much worse than this."
"Remember, model ako, mas malala padyan ang lakad at rehearsal na ginagawa ko." Aniya saka dahan-dahang binawi ang paa niya sa pagmamasahe nito.
"I'm fine now."
"And about don sa kapatid mo. What online shop ang sinasabi mo?"
"Shipora Online shopping. You can buy whatever you want. Kunin mo lahat ng gusto mo. Ako ng bahala sa bayad."
Bahagyang umawang ang bibig nito. Shipora is the biggest high selling online shopping. Katunayan. Doon niya binili ang paborito niyang high heels na nagkakahalaga lang naman ng halos 100k. Naubusan kasi siya ng stock sa pinagbibilan niya kaya naman nahirapan si Maxine maghanap ng kaparehas na high heels ng luma niya. But luckily Shipora have that.
"I can pay. And about Shipora. It is trending everywhere."
"Okay."Nagulat siya ng ang isang paa naman niya ang masuyo nitong minasahe.
"You know," nakatingin pa rin ito sa kaniya, "mas makakatulong kung titingin
ka sakin."
Matapang na sinalubong niya ang tingin nito.
"There. Gagaling na ba ang paa ko?"
May sinusupil itong ngiti na umiling. "No, but I'm motivated."
Inirapan niya ito saka inagaw ang paa niya saka maingat iyong itinapak sa sahig. Mabilis niyang binawi ang paa niya dahil sa ngiti ni Law sa kanya.
"Okay na ako."
Mabuti naman at tumayo na ito saka tinungo ang lababo at naghugas ng kamay bago nito ipinagpatuloy ang ginagawa kanina bago nito minasahe ang
paa niya.
Nanubig ang bagang ni Maxine ng mailagay ni Law sa bowl ang dala nito. Hindi lang pala ang niluto niya ang dala nito. May spicy chicken wings pa na may melted cheese deeping sause sa gilid. Inilagay sa pinggan ang dalawang cup ng take out rice saka inilapag nito iyon sa mesa, sa harapan niya.
"Eat up." Anito.
"Bayad ko yan sa pagpapakain mo sakin kagabi." She didnt have to be told twice.
Mabilis niyang pinulot ang kutsara at
pinggan saka maganang kumain. Nagugutom na talaga siya kaya naman
wala siyang pakialam kung pinagmamasdan siya ni Law habang
kumakain. Ilang segundo siyang napatigil sa pagkain ng may dalawang milk tea itong
inilagay sa harapan niya.
Salted caramel Milk Tea or Matcha milk Tea with pearls and Puff Cream on top?' Tanong nito saka inabot sa kaniya ang straw.
"Tinext kita kanina kung anong gusto mo sa dalawa kaya lang hindi ka nag reply so binili ko nalang silang dalawa. They said this is the best seller sa shop nila."
Napatitig siya sa dalawang milk tea saka kay Law, sa Milk tea ulit at kay Law.
At that very moment, she didn't know what to feel. She hates men and here is a man, giving her favorite drink. What the hell...
Tinanggap niya ang isang straw na iniaabot nito saka itinusok iyon sa Matcha milk tea."
"Bukas ko na 'yong isa." Sabi niya bago sumipsip ng Seasalt Milk Tea.
"Hmmm… ang sarap."
Napatitig siya sa pangalan ng milktea.
"Green teà boba." Basa niya sa pangalan.
"Yaan lang ang ni request ng driver ko masarap daw bilhan ng milktea." Sagot ni Law sa kaniya.
Tumango siya. "Yes, I like it."
Maxine instantly felt refreshed. Nabubuhay talaga ang dugo niya sa Milk tea. Lalo na't kakaiba ang flavor ng Sea salt. It has a hint of creamy saltiness and it's just so good in her taste buds.