KABANATA 6

1286 Words
Dawalang araw na ang nakakaraan mula ng sabihin 'yon ni Law pero hindi pa rin 'yon mawala-wala sa isip niya. Kahit anong gawin ni Maxine hindi talaga yong mabura-bura sa isip niya. “You can pay, huh? Bakit ka naman magbabayad ng million? Duh! Kaya nga model ako eh. Para saan pa at hindi ko gagamitin ang ganda ko. But he has a point. kahit gaano pa ako ka-confident sa katawan ko. I still choose decent clothes. But still for me; Lingerie designed to empower women!” “Are you okay?" Tanong sa kaniya ni Hera na katabi niya habang nagpapa-spa sila sa Clubhouse. "Kanina ka pa nakatulala riyan.” She blink twice bago humarap sa kaibigan niyang kanina pa siya napapansin natulala. Nabalik ito sa wisyo at tila nagising sa pagtawag ng kanyang kaibigan. “Buti nagsalita ka r’yan, I saw Darren last night with a sluty woman at the da’bar.” kwento ni Maxine sa kaibigan. "Is that so?" Wala na siyang pakialam sa gagong 'yon. "You know me Maxine, manhid na. Wala na akong pakialam sa kanya." "That's good, Hera. He's not worth it." “Look Maxine, I myself know one hundred percent." Ipinikit niya ang mga mata at napabuntong-hininga nalang ng pumasok ulit sa isip niya ang sinabi ni Law sa kaniya. F*ck that man! Why can't she erase it in her mind? It's stuck in her mind like glue and it's irritating her. “Anyway, why don’t we go clubbing tonight? Masaya yon!" Anang boses ni Hera. Hindi sumagot ang dalaga sa suggestion nito. "Busy ka?" "Hindi." Sagot niya habang nakapikit pa rin. "Good." Hera Chirped happily. "May kasama akong ka-date mamaya." “Seriously? A man!?” Gulat na tanong ni Maxine sa kaibigan. “Yes, kailan pa ako naging lesbian girl?” She looked at Hera, shocked. "Ano? May lalaki kang kasama?" Hera grinned. “Yep, common, bakit hindi mo enjoy-in ang mga lalaki? Look. No s*x, just flirt! Have fun girl! Wag lang tayo magpapaloko sa kanila. We'll never go back to that situation right?” “Akala ko ba galit ka sa kanila? Kaya nga na rito tayo para magpakasaya without boys hindi ba?” "Of course I do! I still hate them." Huminga ng malalim si Hera saka ngumiti ulit. "But it's okay to be with them, just don't fall for them." Mas lalong lumaki ang ngiti ni Hera. “ And let them fall for us.” Tumaas ang kilay niya. "What if you did?" Para kay Maxine mapaglaro ang mga lalaki. Ang lalaki ay lalaki. Para sa kanya iisa lang ang paguugali ng mga ito. Tumaas ang sulok ng labi ni Hera. "Then you're f*cker again. Yung mga lalaking yan, they're good at the beginning. At kapag nakuha na nila ang gusto nila, they'll ditch you. They all did. That's how sick they are and I hate them. Pero na realize ko, why not use them too? Taga-libre ng pagkain, taga- hatid sundo. At kapag nagsawa na ako, I'll ditch them too." Napailing-iling Siya sa opinyon ni Hera. "Okay. Sabi mo, eh.” She forced a smile. “But fine. Let's go clubbing tonight." Maybe that can help her erase Law in her mind. Masyado ng dumikit sa utak niya ang binata ngayong araw. She wanted to forget it. Dahil kapag iniisip niya ito pakiramdam niya ay magkakasakit siya. "Great. I'll pick you up later." Ani Hera. Tumango lang siya saka nanatiling tahimik hanggang sa matapos ang Spa Session nila. Pagkatapos nilang magbayad, bumaba sila sa first floor para mag-miryenda. "Hot Choco for me and Cookies and Cream Milk Tea for her." Order ni Hera habang nakatayo sa waitress sa tabi ng mesang inuukupa nila. At habang um-order si Hera ng cake, tumunog ang message alert tone ng phone niya. Dahil Wala naman siyang ginagawa, binuksan niya ang cellphone at binasa ang mensaheng natanggap niya. It's a text from an unknown number. Kaagad Siyang napakunot ang nuo. Buburahin sana niya kaagad ng hindi binabasa ng nahagip ng mga mata niya ang message nito. How's the payment for the Fashion Show? - Law Del Fierro. Mahigpit ang hawak niya sa cellphone niya habang nakatitig sa screen. Huminga muna Siya ng malalim bago sinagot ang text nito. Kanino mo nakuha number ko? Ilang segundo lang ang binilang niya, kaagad itong nag reply. Huminga ito ng malalim at nagtipa ng sagot nito sa kanyang phone. Where did you get my phone number? From your manager, obviously. -Law Del Fierro Kumunot ang nuo ng dalaga at tumaas ang kaliwang kilay nito at nagsalita sa napaka-bossy nitong tono. Well we didn’t talk yet, wala din akong sinabi na bayaran mo sila. Pagka-reply nito sa sinabi niya. Binalak nitong ibaba ang kaniyang phone pero mabilis na tumugon si Law sa message niya. If you won’t do it, then I should do it - Law Del Fierro. Naiinis na nagreply ito sa text nito. Wag mo nga akong pakialaman? Pwede ba? Kaya ko silang kausap ng magisa. I don’t need your help. Mga benteng segundo lang ay nag-reply na ulit ito. Then do it quick, Sinabi ko na sayo na cut your work to that fashion show. Lalong kumulo ang dugo ng dalaga sa reply nito. Sa isip niya; the heck! Sino ba itong lalaking ‘to pra utusan ako? You jerk, hindi mo pa nga ako napapasweldo sobrang demanding mona! F*ck you! Sa sobrang gigil ng dalaga. Tuluyan na nitong ibinaba ang kaniyang phone sa mesa patalikod sa kaniya. Taimtim namang nakamasid at pinagmamasdan ni Hera ang kaniyang kaibigan habang inis na inis ito sa kausap niya. Nang mapadpad ang tingin ni Maxine sa kaniyang kaibigan na nakatingin sa kaniya. Hindi nito naiwasang magtaray sa sobrang inis. “What?” She frowned, rolled her eyes, and took a deep breath. Bumaba ang tingin ni Hera sa phone ng kaibigan. “You look so upset girl? Ano bang problema mo. You look so problematic simula ng maging parte ka ng Del Fierro Corp. Hindi ka ba masaya na malaki ang sweldo mo?” “Ugh. Please, I don’t want to talk about that for now. I’m stressed.” “Eh sino ba kasi yung kausap mo?” Nagtatakang tanong ni Hera sa kaibigan. “Sino pa ba? Edi my f*cking boss. Ugh! I hate it! I hate him! Hindi ko alam pero kumukulo ang dugo ko ngayon because of him!” “Sus yon lang pala. Gwapo si Law Del Fierro based sa mga naririnig ko. And he is a great boss. Hindi ko alam kung anong pinuputok ng butsi mo d’yan. O baka naman dahil yan sa pride mo at ayaw mo sa lahat ng lalaki?” “Girl! I don’t care kung gwapo siya. Or siya pa ang pinaka hot guy in the world. Paglalaki siya, lalaki siya. At pag may lawit siya may lawit siya. Please! Wala ka ng magagawa sa pananaw ko.” Pairap na sabi nito. Bahagyang natawa si Hera sa kaibigan nito. “Lawit? So ibig sabihin ba n’yan na lesbian kana ngayon?” Hihigop na sana ng strawberry drinks si Maxine ng marinig ang sinabi ni Hera. “Shut up! Isa ka pa, hindi ka naman nakakatulong. Syempre hindi no!” Napahawak sa dibdib si Hera ng makahinga ito ng maluwag sa sagot ng kaibigan. “Good. Akala ko naman lesbian ka. Baka kako pati ako maging type mo pa.” Napirap si Maxine. “Wake up girl. Hindi kita type no! Yack!” Ilang sandali na tahimik si Hera sa sinabi nito. At maya-maya’y humagalpak ng tawa. “Thank God, we hate each other talaga.” Bahagyang natawa si Maxine sa sinabi nito. “May napagkasunduan din tayo.” Ani ‘to at tumawa din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD