Nang matapos silang kumain, giniya siya palabas ni Law saka pinasakay sa kotse nito, pagkatapos ay umikot ito sa driver's seat saka maingat na pinaharurot ang sasakyan patungo sa Mall. Nang makarating sila sa Mall, kaagad na iginiya siya ni Law patungo sa Men's Boutique kung saan bumili ito ng dalawang pares ng mamahalin at kilalang brand ng Sapatos, dalawang polo na kulay itim at gray, dalawang necktie at saka dalawang pantalon. Pagkatapos ay iginiya siya nito tungo sa pambabaeng boutique. "No." Pigil niya rito ng mukhang hihilain siya papasok. Kinunotan siya nito ng nuo. "What do you mean by no?" "Ayokong pumasok diyan. Gastos na naman yan." Tapos wala pa siyang dalang pera, sigurado siyang hindi kasya ang perang dinala niya para mag shopping siya. "I'll pay." Law offered. "Up, k

