Natigilan siya ng makitang nakatigil pala ang kotse nito sa gilid ng kalsada, hindi man lang niya napansin dahil sa galit na nararamdaman niya. "Maxine." She looked at him again. "What?" "Are you okay?" Umiling siya. Hindi niya alam kung bakit kapag nakatingin siya sa mga mata ni Law, nahihirapan siyang magsinungaling. Tumaas ang kamay nito saka inabot ang mukha niya at hinaplos ang pisngi niya. "You look very pissed." "Weddings always have the ability to piss me off. Just let me look like this. Mawawala rin ‘to." Napatango ito at deretsong tumingin sa mga mata niya. "May i ask why?" Humugot siya ng malalim na hininga bago nagsalita. "Well how do I start. Pero… lagi naman nagsisimula ang galit ko tuwing mapaguusapan ang mga lalaki, ang mga kasal, ang pangloloko. At babaeng mali

