"Oi akin yan." Sabi ko ng biglang kunin ni Zero ang cheese stick na nasa plato ko, ngumisi lang siya saka kumagat at binalik sa plato ang natira. "Pahingi lang unti eh ang damot." Sabi niya, kinuha ko ang cheese stick na nilagay niya sa plato ko saka iyon kinain ng buo. Tinignan ko ang reaction niya na naka ngiti. "Ikaw ah, indirect kiss yun." Sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko at napa tingin sa kanya. Mas lalong kumabog ang puso ko ng bigla niyang punasan ang gilid ng labi ko gamit ang daliri niya. "Anong pagkain ang kinakain niyong mga taga ibaba?"biglang tanong niya. Nabalik naman ako sa katinuan at nag isip. "Madami, pero mas the best yung tinatawag naming Pancit." Sagot ko. "Marunong ka gumawa non?"tanong niya. Tumango tango agad ako bilang sagot. "Kung ganon, ipag luto mo a

