Kasalukuyan akong nasa office ng Admiral at Admin kasama ang mga kaibigan ko, nakaupo ako sa isang upuan habang ang mga kasama ko ay nakatayo at naka cross arms habang nakatingin sa akin na walang emosyon. Sila Admiral at Admin naman ay nakatingin sa akin habang hawak ang bote ng wine na dinala ni Zero kagabi. "Hindi ba't sinasabi ko na sa inyo na bawal pumunta sa Building ng mga Steler?" Ma awtoridad na tanong ni Admin. Napayuko ako. "Ano ito ha? Kabilin bilinan namin na bawal ang sino'mang estudyante ng Moonlight na pumunta don, alin don ang hindi niyo maintindihan?" Tanong ni Admiral sa amin saka tumingin sa akin. "Ano Moon?" Tanong nito sa akin kaya tumingin ako sa kanila. "Wala naman pong kasalanan ang mga kaibigan ko." Sabi ko at tumingin kay Admiral. "Wala po ni isa sa amin ang

