"Ano? Ni hindi ko nga alam mga nangyayare kanina." Sabi ni Cloud habang takang taka kung bakit may Hawak na walis. "Sinabi ko talaga yun?" Takang tanong niya. Tumigil naman si Red sa pag pupunas ng bintana saka tumingin ng masama kay Cloud. "Tigilan mo kami sa kaartehan mo ulap, ikaw ang dahilan kung bakit napilitan akong sumama sa pakulo niyo na tutulungan yang hampas lupa na yan." Sabi ni Red saka ako tinignan ng masama. "Huh? wala nga akong matandaan na nag salita ako." Pilit naman ni Cloud. "Oh eh di wag mo na alalahanin, mag ligpit ka nalang ng libro don." Sabi ni Ice at inirapan si Cloud, bigla akong nakaramdam ng guilt. Pati sila ay nadadamay. Hindi dapat sila pumayag na sumama sa akin. Hindi bagay sa kanila ang pag linisin. "Oh anong tinatayo tayo mo jan hampas lupa?" Taas ki

