ALICIA Umaga na noong makauwi ako kanina, sa sobrang antok ko ay natulog ako ulit. Tanghali na nga ako nagising kung hindi lang ako nabulabog sa sunod-sunod na tunog ng cellphone ko, baka hindi pa ako nagising. Papungas-pungas akong tumayo sa kama ko at tumuloy sa banyo. Hindi ko na muna pinansin ang cellphone ko. Mamaya ko na haharapin iyan dahil siguradong hindi naman iyan emergency. Kung si Cleo iyan, mangungulit lang ang babaeng iyon. Wala akong maisip na isulat sa libro na ginagawa ko kaya naman libre ako ngayon. Nakahanda na rin naman ang mga klase ko hanggang end the semester kaya hindi na ako abala roon. Kung mga materials na gagamitin ko, naihanda ko na rin ito. At ito ay sa lahat ng subject ko, hindi lang sa isa kundi lahat ay tapos ko na. I am free now. So I thought, bakit

