ALICIA “Sorry sa nangyari kanina. Hindi ko inakalang ganoon ang mangyayari dahil sa paglapit ko sa iyo, Miss.” Basa ko sa mensahe ni Travis na pinadala. Dahil sa nangyari, napilitan akong tanggapin ang one week leave na binigay sa akin. Naayos nga namin ang gusot pero malaking damage na ang nangyari. Kailangan ko ring magpahinga dahil sa pressure at emotional damage na dinala nito. “It’s fine. Wala tayong kasalanan kaya don’t be sorry. I am happy to share what I know with my students, so don’t mind them. As long as we are not doing anything wrong.” Reply ko sa kaniya bago ako humarap sa telebisyon na nasa aking harapan. Kahit nakabukas ito kanina pa, hindi ko alam kung ano ang palabas dahil lumilipad ang isip ko. They tarnished my reputation that I worked hard to achieve, and made me

