ALICIA Medyo madilim na noong magising ako. Napasarap ako ng tulog! Papungas-pungas na naupo ako sa kama. Kahit hindi pala ako lumabas ay kita na rito sa loob ang araw. Tama nga ang may ari ng tindahan kanina, ang gandang pagmasdan. Kulay orange ang langit na nagre-reflect sa kulay asul na dagat. I just look at it until the sun goes down. Noong tuluyang dumilim ang paligid, doon lang ako tumayo para mag-ayos. Antok pa talaga ako. Parang ngayon lang ako natulog na antok na antok talaga ako. Kaya baka mamaya ay matulog na lang ako pagkatapos kumain. Bukas ko na lang umpisahan ang kasiyahan sa lugar na ito. Nagpalit ako ng mas komportableng damit, pants at shirt, pagkatapos kong maghilamos. Malamig na rin kasi kaya ito ang isinuot ko. Tiningnan ko na rin muna ang cellphone ko kung m

