ALICIA “Mabuti at nakaabot ka pa sa pagbubukas ng festival. Saka, mapapanood mo pa mamaya si Totoy Pogi.” Ang ganda ng bungad ni Cleo pagpasok ko pa lang ng faculty room. “May oras pa ba akong manood? I am assigned to supervise the booths and later I will be arranging the list for the variety show.” Marami silang itinambak sa akin pagbalik ko. Bumabawi ata sila sa mga oras na wala ako, kaya sobrang busy ko. Wala na akong oras pa para manood kahit gusto ko pa. “Then, on the finals. For sure makakadalo ka na no’n.” Hinila niya pa ang kaniyang upuan at naupo sa tabi ko. “May tsismis ako sa iyo,” bulong niya pa habang lumilingon sa paligid. Tinapunan ko lang siya ng tingin bago binuksan ang computer ko upang i-check kung naipadala ba sa akin ang list na dapat review-in. I have no time f

