Nag sasarado na sya ng gate kadarating lang nya galing sa pag hahatid ng mga anak nya sa school ng mapatigil sya ng makita si Brent na bumaba ng kotse nito para itong binagsakan ng langit at lupa sa pag kakasimangot. Na alarma naman bigla si Amethyst ng makitang inaalis nito ang suot na necktie. Bigla nyang na alaala ang sinabi nito nung sabado. Kinailangan pa nyang bulabugin si Diego at mag request na dun muna matulog kasama nila nag dahilan nalang sya na masama ang pakiramdam kaya pumayag ito. Lumipas na ang linggo at lunes akala nya di na ulit ito babalik pero sa hitsura nito ngayon mukhang balak nitong kunin ang gusto sa kanya. Dali daling sisinarado nya ang gate at tumakbo papasok lalo nat ginamitan ni brent ng special force training ang gate nila na agad itong nakasampa ng walang

