Awang ang labi at nanlalaki ang mata ni Brent ng makita ang hitsura ng loob ng sala nila amethyst. Nag kalat sa buong salas ang mga laruan, mga art material mga pinag kainan ng mga bisquit ng mga bata. “Sorry di pa ako nakakapag linis gabi na kasi ako nakauwi kagabi maaga naman umalis si mommy. Pakipatong nalang dyan para makaalis ka na.” “Wala ba kayong katulong?” ani Brent ng ipatong sa sofa ang dalang eco bag. “Wow mommy may ice cream. Can we it now?” tanong ni Onyx na inilabas ang isang gallon na ice cream. “Wow may soimai at siopao din mommy oh. I miss na si lola mommy. When we will visit lola at tita Kara.” tanong ni Sapphy. “Kapag di na busy si mommy.” “Kelan yun mommy?” maktol ng dalawa bata sasagot na sana sya ng makitang. Sinisimot na ni Brent ang ibang kalat. “Hey stop!

