Mom, dad tatlong buwan ng buntis si Sanjela at ako ang ama kaya wala na kayong magagawa pa. Apo ninyo ang nasa sinapupunan niya, dugo at laman ko.
“My God Axel pinapaaral pa kita sa maynila para magkaroon naman ng sosyalismo iyang kukute mo. Tapos ngayon malalaman naming magpapakasal ka lang sa isang mahirap at wala pang kaalam alam sa sosyalismo ang mga magulang. Puro hayop at sakahan lang naman ang inaatupag ng mga hampaslupa na iyon,”sabi ng aking ina. Nakita kong nagsiunahan na ang mga luha ni Sanjela. Kaya hinawakan ko siya ng mahigpit at pinapahiwatig na narito lang ako sa tabi niya.
“Ako ang nagluwal sa'yo dito sa mundo na ito Axel kaya dapat ako ang masusunod at dapat ako ang pumili ng mapapangasawa mo. Ricardo wala ka man lang bang sasabihin sa ginawa ng anak mo? Isa ka pa Ricardo nakatago sa palda ng asawa,”
“Agnes nariyan na yan kaya tanggapin nalang natin. Kung talagang nagmamahalan sila ng anak natin eh wala na tayong magagawa. Kung hindi natin iyan tatanggapin masisira ang iniingatan nating imahe Agnes. Mawawala ang reputation natin kapag sumingaw ang lihim na nagkaanak ang anak natin tapos inabanduna lamang.
“My goodness ano nalang ang sasabihin ng mga Amiga ko. Umasa pa naman ang kaibigan ko sa ballroom dancing na ipapaasawa niya kay axel ang kanyang unica hija na nag-aaral sa maynila ng pagiging doctor. Napaka gold digger mo naman dai at anak pa talaga ng governor ang biningwet mo,”galit na sabi ni mommy. Napaka ambisyosa mo para pangarapin ang buhay at istadong ito,”sabi ni mommy.
"Mahal na mahal ko po ang anak ninyo. Hindi po ang kayamanan ninyo ang habol ko ma'am, sir,”sagot ni Sanjela habang.
“Talaga lang dai huh? Hindi kayamanan ang habol mo. Matalino ka eh dahil alam mong kapag nilisan na namin ang mundong ito ikaw na ang Reyna ng tahanan. Alam na alam mo rin na bukod sa aming anak mapapasayo ang lahat,”
Mom, aalis nalang kami dito. Isasama ko si Sanjela sa maynila para maalagaan ko ang aking mag-ina.
“Axel hijo, nabigla lang ang ina mo kaya nagkaganyan siya. Huwag mong isama sa maynila ang manugang namin. Dito niya dapat sa poder namin isisilang ang magiging apo namin.
“Hija pagpasyensyahan mo na ang mommy mo kung mainit man ang ulo niya. Lalamig din ang ulo nyan, huwag kang magpaka stress dahil bawal sa'yo ang mai-stress. Makakasama sa bata ang pagkakaroon ng maraming iisipin,”panga-aalu niya.
“Dalhin mo na sa kwarto mo ang asawa mo Axel para makapag pahinga muna siya. Ipapatawag nalang namin kayo kapag nakahanda na ang hapunan,”sabi ni Gov.
Sanjela ito ang magiging silid mo at ng baby natin. May trabaho ako sa maynila kaya sana ingatan mo palagi ang iyong sarili. Huwag kang malungkot dahil makakasama daw iyan sa baby natin. Palagi naman akong uuwi dito para dalawin ka.
“Ang layo mo naman kasi, bakit ayaw mong sumama ako sa'yo? Mami-miss kita axel eh,”mangiyak-ngiyak na sabi ni Sanjela.
Sanje, di ba sabi ni daddy dapat dito isilang ang apo nila. Kailangan mo rin na kuhanin ang loob ni mommy, do you understand what I mean? Tumango lang siya bilang sagot. Anytime tatawagan kita palagi basta ingatan mo lang ang baby natin huh.
~ooo0ooo~
Walang kamalay-malay si Sanjela na may masama palang balak ang mga magulang ni Axel. Pinagplanuhan na pala ng gobyernador na sakupin ang lupain ng ama ni Sanjela.
“Agnes, Agnes , Agnes, umaayon ang tadhana sa aking mga plano. Malapit na nating makuha ang lupain ng mga Valdez. Ngayong hawak na natin ang anak nila mas mapapadali ko ang pagpoproseso sa lahat.”
“Huwag ka ng magalit sa anak mo dahil pagkapanganak ni Sanjela pwedi na natin siyang palayasin dito sa bahay natin. Madali lang yan total sa maynila naman namamalagi si Axel,”dagdag pa ng lalaki.
“Ang talino mo talaga Ric honey!”
*****
Bumalik na nga si Axel sa maynila. Sinusubukan naman ni Sanjela na makuha ang loob ng kanyang beyanan na babae. Naroon ang pinaglulutuan niya ito ng tinulang manok pero tinatapon lang nito. Kapag pinagtitimplanan naman niya ito ng kape tinatapon lang sa kanya. Madalas pinagsasampal at pinapahiya sa mga bisita.
Katulad ng nangyari nung nakaraang buwan. Puno ng bisita ang pamamahay ng mga Santos. Si Sanjela ang nakatuka sa kusina para magluto. Hindi namalayan ni Sanjela na may kasambahay palang inutusan ang beyanan para budburan ng asin ang kanyang niluto.
Flashback....
“Sanjela halika dito punyeta ka! Anong ginawa mo sa pagkain bakit puro makalat? Sinasadya mo talaga ang gumawa ng gulo para ipahiya ako ano?”
Wala po akong kinalaman dyan mommy dahil maayos ko pong niluto ang pagkain. “Sumasagot ka pa talaga! Heto oh kainin mo at nang malasahan mo kung ano ang lasa niyang niluto po piste ka. Isaksak mo ang lahat ng mga iyan sa bunganga mo.
Mommy tama na po baka mapaano kami ng apo nyo. Arayyyy po maawa po kayo, bitiwan nyo po ang buhok ko mommy Agnes.
“Huwag mo akong matawag na mommy malandi ka. Nilalandi mo ang anak ko para lang maging sampid ng pamilyang ito pataygutom ka.
Tama na po maawa po kayo. Masakit na po ang anit ko, bitiwan nyo na po ang buhok ko.
“Mare, tama na at baka mapaano pa ang ipinagbubuntis niya,"awat ng isang bisita. “Nakakainis lang kasi ang babaeng ito. Wala ng ibang ginawa kundi ang perwisyohin ang pamamahay ko. Lumayas ka ngayon sa harapan ko,"sigaw ni Agnes kay Sanjela.
Nagtatakbong umiyak si Sanjela patungo sa room nila. Halos hindi na niya makita ang kanyang dinadaanan dahil hilam sa luha ang kanyang mga mata. Walang mapaglagyan sa sobrang sakit na kanyang nadarama dahil sa pamamahiya ng kanyang beyanan. Halos hindi na siya makahinga sa labis na pag-iyak.
End of flashback....
Ate Yolly bakit po ba ganun ang trato nila sa akin? Bakit hindi nila ako matanggap bilang manugang nila. Asawa ako ng anak nila pero kung tratohin nila ako daig ko pa ang babaeng mababa ang lipad. Bakit po ako pinakasalan ni Axel at binuntis pagkatapos ay basta nalang iiwanan at hindi man lang nakikibalita sa kalagayan ko. Okay lang po kaya siya sa maynila? Bakit hindi na siya tumatawag sa akin. Ngayong malapit na akong manganak at kailangan ko siya saka pa siya hindi kumukontak sa akin.
“Tibayan mo ang iyong loob Sanjela para sa anak mo. Huwag kang sumuko, narito lang kami para alalayan ka. Huwag kang masyadong magreklamo para hindi ka nila lalong pagkainitan,"pang-aalu ng kasambahay.
“Hindi mo ba alam tanga, na kasal na sa anak ng Amiga ko si Axel. Ayan tingnan mo ang mga larawan na iyan gaga ka. Ganda lang ang meron ka pero ubod ka naman ng katangahan. Hindi mo ba napapansin na hindi kana kinukontak ni Axel? Busy na siya sa bago niyang pamilya. Sa wakas nauntog din ang ulo ng anak ko at natauhan. Na realized niya rin na hindi ka karapat-dapat para sa kanya. He deserve a better half, iyong kayang iharap sa lipunan. Iyong mayaman at marunong makisalamuha sa sosyalidad.
Ikaw Sanjela Valdez ano ba ang meron ka? Niyogan, palayan at maisan? Hindi ka kayang ipagmalaki ng anak ko lalo na at sa susunod na taon siya na ang papalit sa pwesto ng ama niya. Dahil walang namang silbi ang kapatid niyang binabae.
Isa pa ang baliw na yan, walang kwenta sa lipunan. Ginawang lalaki ng panginoon pero nababalat babae sa ibabaw ng lupa,”sabi ng beyanan ni Sanjela sabay alis. Si Richmond Arex ang kapatid ni Axel na nawala sa sarili dahil sa pambubugbog ng ama dahil sa pagiging bakla nito. Si Arex ay isang lesensyadong doctor bilang pediatrician.
Pinulot ni Sanjela ang mga larawan at rumaragasa na naman ang kanyang masaganang luha. Mga larawan kung saan ang dalawang tao ay masayang nagtatawanan at nakasuot ng white dress. Naroon rin ang larawan na magkatabi itong natutulog sa kama na comforter lang ang nakatakip.
Naninikip ang kanyang dibdib sa nakikita. Impit na umiiyak na halos pangapusan na siya ng hininga. Kalaunan ay humilab ang kanyang tiyan kaya bigla siyang nataranta.
“Ate Yolly tulungan niyo po ako masakit na po ang tiyan at balakang ko,”sigaw ni Sanjela.
“Diyos ko ano ba ang gagawin ko? Paano kita dadalhin sa hospital?”nagpapanic ang kasambahay.
Bigla namang lumapit si Arex sa kinalulugmukan ni Sanjela. Buong lakas siyang binuhat nito para isakay sa kotse para madala sa hospital.
“Ate Yolly dalhin mo ang gamit ni Sanje sa kotse bilisan mo,”utos ni Arex sa kasambahay. Si Arex na ang nagmamaneho ng sasakyan patungo sa hospital. Agad namang inaasikaso si Sanjela ng mga doctor at naisilang nito ang tatlong malulusog na dalawang batang babae at isang lalaki. Niyapos ni Sanjela ang tatlong malulusog na bata. At umusal ng panalangin. Nagpapasalamat siya kay Arex dahil iniligtas siya nito. Dahil sa pagod nakatulog si Sanjela.
Nilagay sa nursery ang tatlong bata at si Arex lang ang nakakaalam sa mga palatandaan ng mga ito. Habang tulog si Sanjela may pumasok sa control room ng cctv footage at ilang minutong minanipula ito. Nakasuot ng itim sa jacket at face mask ang lalaki. Pumasok ito sa nursery room at isinilid sa basket ang tatlong tulog na mga bata.