Kinabukasan nagising si Sanjela na bumungad ang isang masamang balita. Pinuntahan siya ng kanilang kapitbahay para ibalita na nabaril ng mga tauhan ni governor ang kanyang ama dahil nanlaban ito. Nalaman kasi ng ama niyang si Felipe na pag-aari na ni governor Santos ang buong kabuuan ng kanilang lupain. Na stroke naman ang kanyang ina at dinala daw ito sa hospital pero hindi na naagapan pa.
Nang marinig ni Sanjela ang balita muli na naman siyang nawalan ng malay. Hindi man lang niya nalaman ang pagkawala din ng kanyang tatlong sanggol.
Pagkalipas ng tatlong araw muling nagising si Sanjela mula sa mahimbing na pagkakatulog. Ramdam parin niya ang sakit sa pagkawala ng mga magulang. Nilibing ang mga ito na wala man lang siya. Hinanap niya kaagad sa nurse ang kanyang mga sanggol.
Umaasa na sa pamamagitan ng mga ito mapapawi ang kanyang kalungkutan sa labis na pangungulila sa mga magulang. Pero hindi parin umaayon sa kanya ang tadhana. Nalaman niyang may kumuha sa kanyang mga anak. Isa lang ang tinutumbok ng kanyang utak. Kinuha ng kanyang mga beyanan ang mga bata. Nais nitong ilayo sa kanya ang mga ito para tuluyang lisanin na niya ang Santos Mansion.
Wala sa wisyo suot ang hospital gown at walang sapin sa paa na naglalakad palabas ng hospital si Sanjela. Nakita siya ng isang doctora sa ganung kalagayan kaya sinuutan siya ng mahabang t-shirt. Inutos sa driver nito na ihatid siya sa bahay nila.
Bumaba si Sanjela sa sasakyan at pumasok sa loob ng kanilang tahanan. Tahimik ang kabahayan at nakikita niya ang natutuyong dugo ng kanyang ama. Pasalampak siyang umupo sa lupa kung saan naroon ang natutuyong dugo ng kanyang ama. Dumapa siya na animo'y niyapos niya ang kanyang ama.
“Papa, mama bakit ninyo ako iniwan? Patawarin ninyo ako, sana nga mapatawad ninyo ako sa mga pagkakamaling nagawa ko. Paapaaa, mamaaaa, ang laking tanga ko dahil ipinagpalit ko kayo sa maling tao. Kung hindi ako nagpakabulag sa aking pagmamahal sana ngayon kasama ko parin kayo. Masaya sana tayong magkasama kahit simply lang ang pamunuhay natin.”
“Paaaaaaaa, maaaaaaa paano na ako mabubuhay ngayon na wala na kayo. Wala na rin ang tatlong anak ko paaaaaa, maaaaaaa. Sino nalang ang magbibigay lakas sa akin ngayon? Kanino ako kukuha ng lakas para maging matatag at muling lumaban sa mundo?" Buong lakas na sigaw ni Sanjela.
Ang mga marites nilang kapitbahay ay matamang nakikiusyuso sa kanila.
“Magpakatatag ka Sanjela kahit gaano kahirap kailangan mong lumaban sa mga pagsubok,”sabi ni manang nilda.
Tumayo si Sanjela at pumasok sa kanilang bahay. Nagbihis siya ng damit dahil nais niyang puntahan ang bahay ng mga Santos para kuhanin ang kanyang mga anak. Sumakay siya ng tricycle at nagpahatid sa mansion.
Kinalampag niya ang gate ng mansion at nakiusap sa guard na papasukin siya sa loob. Hindi siya pinapakinggan ng mga ito. Sa halip tinataboy siya at sinabihan na baliw. “Manong sabihin mo sa kanila na kahit isang bata lang ang ibigay sa akin tapos aalis na ako. Maawa naman po kayo oh, tatlong sanggol ang isinilang ko. Huwag nyo naman ipagkait sa akin ang kahit isa man lang sa kanila,"pakiusap ni Sanjela.
“Manong wala na po ang mga magulang ko dahil pinatay na sila. Kung pati mga anak ko mawawala sino nalang po ang magbibigay lakas sa akin para mabuhay? Pakisabi po kay governor na kahit isang bata lang ang ibigay sa akin para may dahilan akong mabuhay,”patuloy niyang pakikiusap.
“Sanjela hija, talagang wala dito ang anak mo. Sabi ng mga kasambahay nawawala daw ito sa nursery,”sabi ng guard.
“Sinungaling! Manong nagsisinungaling lang po kayo. May mga anak din kayo at may mga magulang. Paano nalang po Kung sa inyo nangyayari ang nangyari sa akin ngayon kakayanin nyo po bang mabuhay? Sagutin mo ako manong kakayanin mo bang mabuhay? Sagot po! Huwag po kayong tumahimik lang dyan sa kinatatayuan ninyo. Manong, kakayanin mo bang mabuhayyyyyyyy????” malakas na sigaw ni Sanjela sa guard.
Umiyak na rin ang gwardya dahil wala naman siyang magagawa. Hindi rin naman niya alam kung nasaan ang mga sanggol ni sanjela. “Kung may magagawa lang sana ako sa'yo Sanjela tutulungan kita. Pero isa lang akong tagapagbantay sa mansion na ito at wala akong alam sa mga kaganapan sa loob,”sabi ng guard.
Nakasalampak na si Sanjela sa sahig habang nakasandal sa pader. Binigyan siya ng tubig ng guard pero hindi na niya ito tinanggap. Hapon na ng naisipan ni Sanjela na lisanin ang mansion. Binabaybay niya ang daan at walang insaktong direksyon kung saan siya patungo.
Naroon ang nadadapa siya sa daan at naroon rin na kamuntik na siyang masasagasaan ng mga sasakyan. Nang dumaan siya sa isang tulay sa gilid ng dagat mataman siyang tumingin sa tubig.
“Wala na akong mga magulang, nawalan na rin ako ng mga anak. Wala na rin ang taong ang akala ko ay minahal ako. Ano pa ba ang silbi ko para manatiling buhay kung ang buong pagkatao ko ay pinatay na nila. Kanino ako mananatili? Kung silang lahat naman ay itinataboy na ako. Wala nang silbi ang buhay ko, I am already a walking dead. Ang lahat ng mga pangarap ko ay nawala sa isang iglap lang. Natulog lang ako saglit, pagkagising ko iniwan na nila ako huhuhu,”namamaos na si Sanjela sa kakaiyak. Halos wala na siyang boses na mailalabas.
Hija, tumayo ka dyan may dahilan ang lahat ng mga nangyayari sa buhay mo. Halika sumama ka sa akin, hindi solution ang pagpapakamatay para iwasan ang problema. Motivate yourself ipunin mo ang lahat ng puot, hinagpis at sakit na nararamdaman mo ngayon. Hindi lang ang mga magagandang payo o salita ng pamilya mo ang makakapagbigay ng inspiration sa'yo. Hindi lang paalala o dasal nila ang makakapagbigay lakas sa'yo.
Huwag kang manatili kung saan ka lang nadapa. Bawat pagkadapa mo ay magdulot ng enerhiya para magpatuloy ka. Kung gaano kasakit ang dala mo dyan sa puso mo ngayon gawin mong semento iyan para protection ang iyong puso.
Sumakay kana hija dahil pagabi na. Wala sa wisyong sumakay si Sanjela sa sasakyan ng matandang babae. Hindi nagtagal narating nila ang simpleng bahay nito na bungalow type na bahay.
Binigyan ng matanda si Sanjela damit para makaligo at makapagpalit ng kasuotan. Pinakain siya para makatulog na kaagad.
Paano nga ba siya matutulog kung napakarami niyang iniisip.
“Hindi ka makakatulog? Iniisip mo parin ang mga nangyayari sa'yo sa araw na ito?” Bakit po ninyo ako tinutulungan na hindi nyo naman ako kaanu-ano?
“Ang pagtulong sa kapwa kailangan bang maging kamag-anak o kakilala Sanjela?”
Nagulat si Sanjela sa kanyang narinig. Nagtataka siya kung bakit kilala siya nito. “Silly of you Sanjela Valdez! Nakita ko ang pangalan mo as top 1 na lesensyadong nurse ng Medina college. Ikaw ang girlfriend ng bunsong anak ni governor Santos.
Narinig ko ang lahat ng mga hinaing mo. Huwag kang sumuko hija, huwag kang basta nalang manatili kung saan ka nadapa. Huwag kang magpalamon sa kumunoy, bumangon ka. Balikan mo silang lahat sa tamang panahon. Sa ngayon magpakalayo-layo ka muna. Iahon mo muna ang sarili mo bago mo hanapin ang anak mo. Naniniwala akong hindi nawawala ang anak mo. Makikita mo siya sa tamang panahon. Ang dapat mong gawin sa ngayon ay hilumin mo muna ang sugatan mong puso.
May ibinigay akong address sa'yo sa maynila. Prosesuhin mo ang iyong pasaporte dalhin mo na rin ang mga credentials mo para makalipad kana papuntang Switzerland. Naroon ang pinsan ko nagtatrabaho sa isang hospital at siya ang tutulong sa'yo.
Umiiyak si Sanjela sa sinabi ng babae.
“Maraming salamat po sa kabutihan ninyo!” “Ako nga pala si Jackielyn Adriano,tawagin mo nalang akong tita Jackie,”pagpapakilala ng babae kay Sanjela. Maraming salamat Tita.
Matulog kana para bukas na bukas din makuha mo ang mga kakailanganin mo sa bahay ninyo. Kailangan mong magpalakas Sanjela. Kakapanganak mo pa lamang kaya hindi ka pweding mabinat. May mga gamot akong hinanda para sa'yo inumin mo ang mga iyon pagkatapos mong kumain. Hindi mo kakayanin na labanan sila ngayon. Magtiis ka muna hanggang sa may sapat kanang lakas para makipag sagupaan sa mga nang-aapi sa'yo.
Nakatulog nga si Sanjela dahil sa sobrang kapaguran. Pati sa kanyang panaginip naroon ang mga bangungot. Ang mga bangungot na hindi niya alam kung kailan mabubura sa kanyang isipan.
Kinabukasan namilipit siya sa sakit ng kanyang ulo. Dala siguro ito ng kanyang walang humpay na pag-iyak kahapon.
“Good morning Sanje, kumusta ang tulog mo hija?” Pati po sa pagtulog ko binabangungot parin po ako Tita Jackie.
“Focus to your goal Sanje and always motivate yourself. Let your pain to be your strength to help you gain to your goal. Ikaw lang ang tanging makakatulong sa iyong sarili hija tandaan mo yan,”sabi ni Jackie kay Sanjela.
“Opo tita Jackie! Kayo po ang naging liwanag sa madilim kong landas. Babawi po ako sa inyo sa tamang panahon. Hindi ko po alam kung bakit pinagtagpo ang landas natin sa ganitong paraan. Pero sobra po akong nagpapasalamat dahil may isang ikaw na naging lagusan ko palabas mula sa kweba ng karimlan,”madamdaming saad ni Sanjela sa babae.
O sige na tama na muna ang drama. Maghilamos kana para makakain kana ng iyong agahan....