Ang pag-alis ni Sanjela

1564 Words
Bigyan mo siya ng sapat na allowance para naproseso niya ng maayos ang kanyang pasaporte sa maynila. Kailangan na ma-rush ang kanyang pag-alis bago siya matunton ng demonyong Governor. Hindi napirmahan ng ama ni Sanjela ang mga document sa paglipat sa pangalan. Kaya purtirya nila ngayon si Sanjela dahil siya ang nag-iisang tagapagmana ng mga ari-arian ng mga Valdez. “Nasaan ang mga original na documents ng mga ari-arian nila?” Hawak ko na ang lahat bago nila mahalungkat ang pamamahay ng mga Valdez. Huwag mong pauwiin si Sanjela sa bahay nila dahil naroon ang mga armado at nakaabang sa kanyang pagbalik. By the way naihanda ko na ang kanyang visa papuntang Switzerland. Dapat walang ibang makakaalam sa kanyang pag-alis. Hihintayin natin ang kanyang pagbalik sa tamang panahon. Gusto kong makita ang bagong Sanjela Valdez na dudurog sa mga taong halang ang kaluluwa. Wala akong lakas lumaban dahil hawak nila ang aking leeg. Ngayong nakakawala na ako sa hawla at balwarte ng mga demonyo ipinapangako kong hindi ako aapak sa lugar na iyon hangga't hindi ko nakikitang gumapang sila sa sahig. "Paano kapag pinapahanap ka ni Governor?" Nasilaw na sa ari-arian ng region 9 yon kaya hindi na niya ako pag-aaksayahan na pagtuunan ng pansin. Ibigay mo rin ang address ni Axel sa maynila para sa ilang linggo niyang pananatili sa maynila makikita niya kung gaano kahayop ang pinagkakatiwalaan niya. Paalalahanan mo lang siya na huwag lumapit o magpahalata kay Axel para hindi siya magkakaproblema sa kanyang pag-alis ng bansa. "Kailangan pa ba talaga na dagdagan natin ang mga hinagpis at pasakit na dinadala niya? Parang sumusobra naman yata? Baka magbreak down siya at sumugod pa eh di bulilyaso ang pag-alis niya,”saad ni doc Jackie. Para mas lalo siyang nagpursige na mapagtagumpayan ang kanyang layunin sa kanyang pagbabalik. Kolo Nga pala paanong hindi ka niya nakilala na ikaw ang nagbigay ng damit niya nang lumabas siya sa hospital kahapon? "Lutang ang utak niya, hindi nga niya nahahalata na sinundan ko siya. Sobrang naawa ako sa kanya dahil isang bagsakan ang mga pasakit at pighati na tinamo niya. Natakot ako Doc sa sumunod na eksina. Mabuti nalang at nadala ko ang mga gamot niya. Kailangan niyang inumin ang maintenance niya for anxiety para hindi siya mag-break down. “Kapag mag-isa nalang siya sa maynila iinumin kaya niya ng kusa ang mga gamot niya?” Monitor her Doc Jackie, ipapahatid ko mamaya ang cellphone para sa kanya. This is only the best way to help her. Napakabuti niyang babae hindi niya deserve na magkaroon ng miserable life. “Ok I'll hang up your call now dahil may pasyente pa ako,” Okay dokey ingat! ****** Malaking palaisipan sa sistema ni Sanjela ang pagtulong ni doctora Jackielyn Adriano sa kanya. Coincidence nga lang ba ang lahat o may taong nasa likod nito. Kung Meron man sino siya? Gusto ko sanang pumunta sa bahay namin pero pinagbawalan ako ni tita Jackie. Ang sabi niya dilikado daw ang buhay ko. Paano niya nalaman na dilikado nga ang buhay ko? Nakamkam na ni Governor Ricardo Santos ang lahat bakit kailangan pa niyang pagbantaan ang buhay ko. Nawalan na ako ng magulang at anak. Ano pa ba ang kailangan niyang kuhanin mula sa akin? “Yooooohhhoooooo I'm home! Sanje andito na ako, oh nariyan ka lang pala. Heto kuhanin mo binilhan kita ng ice cream at McDonalds,”masayang Sabi ni Tita Jackie. Salamat po tita Jackie sana hindi kana nag-abala pa. Nakakahiya na po sa'yo ang dami mo ng natulong sa'kin. “Hay naku huwag ka ng magdrama dyan maghilamos ka muna para makakain na. Ang ganda-ganda mong dalagang pilipina eh naging Chinese kana. Nakikita mo pa ba ako Sanje? Magang-maga na iyang mata mo eh. Sinabi ko naman sa'yo na ipunin mo ang lahat-lahat ng puot mo para may bala ka sa muling pagbangon mo. Sanje psychiatrist ako at kahit walang kang sasabihin sa akin nabasa ko ang nilalaman ng utak mo,”mahaba payo ni Jackie kay Sanjela. “Kahit nasa maynila kana huwag kang lumayo sa akin. Tutulungan kitang makabangon Sanjela dahil hindi mo deserve na magdusa ng ganyan,”dagdag pa ng doctora. Tita Jackie sino ka po ba? Bakit ganyan nalang kalaki ang pagmamalasakit mo sa akin? Sa totoo lang po malaking palaisipan sa akin ang biglaan mong pagdating sa buhay ko. “Thank me later Sanje, sa ngayon huwag mo akong idagdag dyan sa mga suliranin mo. Heto cellphone para kahit nasa malayo ka may communication parin tayo,”sabay abot ni Jackie ng phone kay Sanjela. Tita Jackie sobra na po ang natulong mo sa akin nakakahiya na po. At ang Mahal naman po nito. “Huwag kang magrereklamo Sanje. Utang yan at hindi libre kaya magsumikap kang hindi magpapatalo sa anxiety mo. Kung nahihiya kang tanggapin ang mga naitutulong ko sa'yo. Kailangan mong magpakatatag at magsumikap na pagtagumpayan ang mga layunin mong makamit ang nais mo. Tita, saan po ako tutuloy sa maynila? Natatakot po ako dahil wala naman akong kakilala doon. “Sanjela, saan ba tumutuloy ang mga turista? di ba sa hotel,”sagot ni Jackie. “Ako na ang bahala sa lahat Sanje, ilista mo nalang ang lahat ng mga nagastos mo para hindi kana mailang sa akin,”dagdag pa niya. “Nasaan po ba ang mga anak mo tita? Ang asawa nyo po nasaan?” “Ang asawa ko ay maraming asawa Sanjela kaya palipat-lipat ng pinamumugaran,”natatawang sabi ni Jackie. “Po?” “Nasa Zamboanga city siya ngayon Sanjela. Isa siyang lieutenant general at ang asawa na sinasabi ko ay ang mga lugar kung saan-saan siya nadidistino. Ang apat na anak namin ay nasa maynila nag-aaral. May bahay kami sa Quezon City at doon kasama nila ang mga Lolo at Lola nila. Dito kasi nadistino ang aking asawa kaya dito sa Pagadian City na rin ako nagpa-assign bilang doctor,”kwento ni Jackie. Tadhana nga naman po mapaglaro, ang daming nagaganap sa buhay na sa hindi inaasahan mong pagkakataon nangyayari. Dapat parin pong ipagpasalamat sa diyos na kahit pinagsakloban na tayo ng langit at lupa may mga taong biglang dumating para sumaklulo. Salamat Tita Jackie dahil nariyan ka para hawakan ako kahit malabo kong makayanan ang nangyayari sa buhay ko. “Walang anuman Sanje, iisipin mo nalang na kung wala ng pag-asa na makita ang mga magulang mo. May pag-asa ka pang mahanap ang mga anak mo. Lumaban ka para sa kanila, dahil malakas ang kutob ko na hindi namatay ang mga anak mo. Ninakaw sila sa nursery room kung saan sila inilagay. Kinuntrola ang cctv footage ng ilang minuto para hindi makita kung sino ang kumuha sa mga bata. I suggest na lumayo ka muna at magpalakas dahil wala ka pang laban sa ngayon. Makapangyarihan silang tao Sanjela, bukod sa hawak nila ang batas hawak din nila ang mga armadong tao na pweding bumura sayo,”payo ulit ni Jackie kay Sanjela. ******* Pagkatapos ng limang araw ay medyo okay na ang pakiramdam ni Sanjela. Araw-araw naman siyang pinapayuhan at pinapaalalahanan ni doctora Jackielyn Adriano. Ngayon na nga ang araw ng kanyang pag-alis patungong maynila. Hinatid siya ni Jackie sa Pagadian Airport. “Lumingon ka sa lugar na iyan Sanjela," Turo ni Jackie sa kabuuan ng balwarte ng Pagadian City. Sa pagbalik mo aapak kang muli sa lugar na ito na ikaw ang kikilalanin ng mga taga-pagadi-anon. “Hihintayin namin ang iyong pagbabalik,”sabay yakap ni Jackie kay Sanjela. “Salamat Tita Jackie dadalhin ko ang iyong mga payo sa aking paglayo. Magsusumikap po ako, at sa aking pagbabalik aasahan ninyo hindi ko kayo bibiguin. “Oh sige na pinapalayas na kita Sanjela huwag ka nang umiyak dahil sayang ang mga luha,”biro ni Jackie na ikinatawa nilang dalawa. Sa isang daku naroon nakatayo ang isang bulto ng lalaki kasama ang pinakamahalagang bahagi sa buhay ni Sanjela. “Hanapin mo ang iyong sarili Sanjela. Hindi pa tapos ang laban, sa iyong pagbabalik nakaabang ang lahat. Kailangan mong maging handa para sila ay labanan. Sa iyong muling pagbabalik sana taglay mo na ang bangis na hindi na kayang apihin ng kahit na sino man." “Lumayo ka muna na dala ang karimlan. Bumalik kang tatahakin ang sinag ng pag-asa. Good luck Sanjela Nieves Valdez,” “Sana doc magtagumpay siya,”saad ni Jackie. Don't worry doctora Jackielyn Adriano dahil kakayanin niya ang lahat. Alam ng puso niya na may mahalaga siyang babalikan. Paano aalis na rin kami, hindi ko sasabihin sa'yo kong saan ang destination namin dahil baka ilaglag mo pa kami sa kamay ng demonyong si Ricardo Santos. Ang daya mo doc, pagkatapos ng ginawa kong pabor para sa'yo wala ka paring tiwala sa akin. “Hahaha salamat sa'yo doctora Jackielyn. Malaki ang utang na loob ko sa'yo. Kung hindi dahil sa'yo hindi ko makakayanan ang lahat ng ito." Mag-iingat kayo sa inyong byahe doc, keep in touch nalang bye messenger or w******p. “Mag-iingat ka rin dito Jackie, dahil babalik at babalik ang mga armado para alamin ang mga pangyayari. At kung sino ang dahilan nga pagkawala ng mga bata. Nasisiraan na ng ulo si governor Santos dahil hindi parin niya nahanap si Sanjela. Matalino man ang matsing mas matalino parin ang pagong Jackie,"saad ng lalaki. “What do you mean doc?” It's me to know, and it's you to find out. Adiós Amiga! Adiós Senyorito!!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD