ang pagtuklas

1540 Words
Metro Manila..... Tita Jackie maliit lang ang room na kinuha ko malapit sa DFA para hindi ba ako mahihirapan mag commute. “Maayos naman ang pagdating mo dyan? Mabuti naman kung ganun, pero huwag mong masyadong tipirin ang sarili mo Sanje. Kailangan komportable ka dyan habang hinihintay mo ang pagpoproseso ng iyong passport at medical certificate. Tatawagan ko si Rechaine ang panganay ko na bisitahin ka dyan sa tinutuluyan mo. Bago ka umalis ng bansa Sanje bumisita ka sa bahay namin. Nag-uumpisa ng mag-ojt si Rechaine ngayon bilang hormone doctor sa Quezon City General Hospital. Kaya kapag may oras siya sasabihin kong ipasyal ka niya sa bahay namin sa Quezon City,”jackie excitedly said. Naku Tita sobrang-sobra na po talaga ang utang ko sa inyo. Huwag nyo po sanang paanakin ang tubo dahil baka mamumulubi na ako. “Sira! Basta mag-iingat ka palagi dyan at huwag kang magpabudol. Sige magpahinga ka muna pero bago ka matulog kumain ka muna Sanje. Please don't forget your meals and medicine. Wala na ako sa tabi mo kaya sana alagaan mo ang sarili mo,”paalala ni Jackie kay Sanjela. Opo tita hindi ko po kakaligtaan. Sige po mag-iingat din po kayo dyan sa Pagadian. Pinutol na ni tita ang tawag, naalala kong may ibinigay siyang address. Bukas pagkagaling ko ng DFA susubukan kong puntahan ang address na ibinigay niya. ****** Kinabukasan maagang pumila si Sanjela sa DFA para mag-apply ng passport. Sa daan palang nakikita niya na maraming nais mambudol. Nagpapanggap na nag-a-apply ng passport tapos nangungutong lang pala. Dumeritso na siya sa loob at doon pumila. Dahil maaga siya nauna na siyang asikasuhin. Habilin ng Tita Jackie niya ay mabilis na proseso kaya 5 days ang kinuha niya. Pagkalabas niya ng DFA naisipan niyang puntahan ang address na ibinigay ng Tita Jackie. Ito ay nasa Loyola Heights, santisima baka mapagkamalan pa akong mandurukot nito. Ayokong mag taxi dahil mahal ang bayad ng metro. Mas maganda kung jeep nalang para kahit paano alam ko ang pasikot-sikot ng kamaynilaan. Sa wakas narating ko na ang lugar. Bakit parang nasa loob ng subdivision ito? “Ano ang meron dito tita Jackie?”anas ng isip ko. Naku kailangan daw ng I'd kapag pumasok sa loob. No choice ako kundi ang ipakita ang nurse id ko. Pumasok na ako at malapit na ako sa address na nakasulat. May magandang babae na nakaupo sa balcony. “Honey I'm hungry! I want my brunch,"sigaw ng babae. “Wait madam nariyan na ang brunch mo, ang tagal mo kasing nagising,”sagot ng lalaki sa loob ng bahay. Agad namang nanlamig ang aking katawan. Nanginginig ako na parang nawawalan ng lakas. Mabuti nalang at nandito ako nakakoble sa mayabong na halamanan. Nakita kong lumabas si Axel na may dalang pagkain para sa babae. Confirm nga palang may sarili na siyang pamilya. Nagsiunahan namang maglaglagan ang aking mga luha. Pilit kung pinipigilan ang aking sarili na huwag makagawa ng ingay. Ano ang dahilan mo Tita Jackie? Bakit mo ako binigyan ng address kung saan sila nakatira ng asawa niya? Sobrang sakit ang nakikita ko pero kailangan kong labanan. Kinuha ko ang aking cellphone at kinuhanan ko sila ng mga larawan. Ang sweet nila, sobrang saya ng babae dahil sinusubuan siya ng kanyang asawa. Mataman pang hihihipan ni Axel ang pagkain na tila takot na takot na mapaso ang kanyang asawa. Hindi ko na kinaya pa kaya napag desisyonan kong umalis na sa lugar ng pinagkukublihan ko. Patuloy parin akong umiiyak habang naglalakad sa loob ng subdivision. Pumara na ako ng taxi dahil hindi ko na kayang mag-jeep. Isang may kaedaran ng lalaki ang driver ng taxi. “Ineng, pasyensya kana kung makikialam ako sa problema mo? Pwedi ba kitang matanong kung ano ang nangyari sa'yo Baka matulungan kita,” Mas lalo akong pumalahaw sa pag-iyak dahil sa kanyang sinabi. “Pasyensya kana neng,"tarantang sabi ng matanda. Manong, hindi ko alam kung anong pagkakamali ang nagawa ko simula ng ipinanganak ako hu-hu. Hindi ko alam kung bakit pinaparusahan ako ng diyos. Gusto ng bumigay ng katawan ko manong pero may mga taong nariyan para alalayan ako at pagmalasakitan ako katulad ng ginawa mo sa akin ngayon. Noong nakaraang linggo manong nalaman kong may asawa na ang asawa ko. Hindi ko alam kung asawa ko nga ba siya dahil hindi naman ako sigurado na naka register ang marriage certificate na papipirmahan niya sa akin huhuhu. Nanganak ako ng tatlong bata pero pagkagising ko nalaman ko nalang na wala na sila. Sa araw din na iyon namatay ang mga magulang ko. May tumulong sa akin para tumayo mula sa kinalulugmukan ko. Narito ako sa maynila para takasan ang sakit na dulot ng mga taong nagmamalupit sa akin pero manong binigyan niya ako ng address. Hindi ko alam kung kaninong address ang ibinigay niya kaya pinuntahan ko. Ngayon nalaman ko nalang na address pala ng ama ng mga anak ko. Ang saya nila manong, inaalagaan niya ang asawa niya na hindi namin naranasan ng mga anak ko. Ngayon anong gagawin ko manong? Sabihin nyo po kung bakit pinaparusahan ako ng panginoon ng ganito kasakit. “Hija, makinig kang mabuti dahil minsan lang tayong nagkatagpo. Maaaring buhay ako ngayon at nabibigyan pa kita ng payo. Baka kapag dumating ang araw na magtagumpay kana wala na ako o ang taong tumulong sayo na makaahon ka mula sa mga masasakit na pinagdaanan mo ngayon. Sa tingin ko ibinigay niya ang address ng lalaki o ama ng mga anak mo. Hindi dahil gusto ka niyang saktan o dagdagan ang mga sakit na nararamdaman mo ngayon. Ibinigay niya ang address para makumpirma mo na hindi puro kasinungalingan ang nababalitaan mo. Nais lang siguro niyang ipabatid sa'yo na magsumikap ka para sa muli ninyo paghaharap maipakita mo sa kanya kung ano ang sinayang niya,” “Magsumikap ka hija, hindi habangbuhay puro unos ang dumating. May pag-asa pa dahil bata ka pa, may bagong umaga pang darating sa'yo. May maganda pang kapalaran na nag-aabang sayo. Lahat ng problema kahit gaano pa yan kahirap lutasin malulusutan mo yan. Kahit gaano pa yan kasakit maghihilom rin yan sa tamang panahon. Huwag mong isipin na nag-iisa ka. Huwag mong isipin na lahat kalaban mo. Isipin mo rin ang mga mahalagang tao na pinapahalagahan ka. Huwag kang magalit sa taong tumulong sa'yo o sa kanyang pagbigay ng address para makita mo ang totoo. Naniniwala akong ipinakita niya sa'yo ang totoong nangyayari para maging mas matapang kang harapin ang bukas. Magiging pursigedo kang makamit ang iyong tagumpay dahil may babalikan ka pa. Babalikan mo pa ang taong iyon para ipakitang mali siya ng babaeng sinaktan,”payo ng driver. Salamat po manong, maraming salamat po sa payo ninyo. Pagpalain po sana kayo ng panginoon at bigyan ng mahabang buhay. “Okay kana ngayon?” Opo! “Ayan ngumiti ka, balang araw tandaan mo ang sinasabi ko tatawanan mo nalang ang pinagdadaanan mo ngayon. Basta manalig ka lang sa panginoon hija. Huwag kang agad na sumuko sa mga pagsubok mo. Mas tibayan mo pa ang loob mo. Paghandaan mo pa ng mabuti ang paparating mong bukas. Pangunahing pagsubok pa lang iyan hija. Marami pang darating na mas higit pa dyan saka mo makakamtan ang tunay na kaligayahan. Sa ngayon sarili mo lang ang kakampi mo. Kaya higit mong pagkatiwalaan ang sarili mo na kakayanin mo ang lahat. Kung gusto mang bumitaw ng isip mo huwag mong hahayaan na bumitaw din ang puso mo. Di ba may kanta na: Gusto ko nang bumitaw Ngunit ayaw pa ng puso Gusto ko nang bumitaw May Pag-asa pa siguro Kalaban ang sarili Sino bang dapat pumili Sino nga ba Ako ba o Ikaw Gusto ko nang bumitaw! Hahaha si manong ginawa akong baliw. “Ang ganda mo pala kapag tumatawa ka hija. Kaya huwag na huwag mong sayangin ang buhay mo. Kumapit ka panginoon dahil siguradong hindi ka niya pagbabayaan. Tara na ihahatid na kita sa tinutuluyan mo,”yaya ng driver sa kanya. Sige po manong tayo na po. Salamat panginoon dahil may anghel kana naman na pinadala para sagipin ako. Napaka dakila mo panginoon dahil sa bawat pagkadapa ko may tao kang ipinapadala para iahon ako. Kinamumuhian kita Richmond Axel Santos. Sa muli nating pagkikita ipagdasal kong mas double ang sakit na nararamdaman mo. Magsaya ka lang ngayon dahil magsusumikap ako. Sa pagsusumikap ko ipinapangako ko sa aking sarili na mapasaakin ang huling halakhak. Dahil tanghali na niyaya ko si manong na kumain muna kami sa fast food. Ayaw sana niya dahil nahihiya siya pero pinilit ko talaga siya. Masaya kaming kumain at nagkukwentuhan. May apat na anak siyang sinusuportahan sa pag-aaral kahit scholar din ang mga ito. Ang asawa naman niya ay isang kasambahay sa mayamang pamilya sa Makati city. Kahit paano naitaguyod naman niya ang kanilang pang-araw araw na pangangailangan. Kinuha ko ang number niya para kapag paalis na ako ng bansa siya ang naghahatid sa akin sa Airport. Marcelo Torres o kilala siya ng lahat bilang tatay Mar. Kaya nakitatay na rin ako sa kanya. Tay Mar, dito nalang po ako maraming salamat po sa lahat. Mag-iingat po kayo palagi sa bawat byahe ninyo. “Sanjela hija saka mo nalang pasalamat kapag nagtagumpay ka na.” Sige po ipagdasal niyo po ako tatay Mar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD