linlang

1750 Words
Mom, where is Sanjela? Kabuwanan na niya sa buwan na ito di ba? “A-e ano kasi hijo-- Ang ano mom? Bakit ayaw ninyong makausap ko si Sanjela nitong mga nakaraang buwan? Naging busy ako sa project ko kaya hindi ako nakakauwi ng Mindanao. Panay larawan ang ipinapadala ninyo na pinagsisilbihan kayo at masaya kayo na kasama siya. I'm happy to know na okay na kayong dalawa kasi sa umpisa palang ayaw nyo sa kanya. Nagtataka man ako kung bakit hindi ko siya makakausap binaliwala ko lang dahil busy ako sa aking trabaho. Pinaghahandaan ko ang pagdating ng anak ko. Dumagdag pa sa trabaho ko ang anak ng kaibigan ninyong may sakit. Walang kasama sa bahay at walang nag-aalaga kaya sa akin ninyo pinapa-monitor. Mom, anak ng kaibigan nyo yon at hindi ko kaanu-ano pero ako ang piniperwisyo ninyo. Nahahalata ko naman eh na siya ang gusto ninyong ipaasawa sa akin. Pero mom alam nyo naman na mahal na mahal ko si Sanjela. For God sake mom, hindi ko siya mahal at mas lalong hindi ko siya magugustuhan dahil may mahal na ako. Plinano ko na kapag manganganak na si Sanjela papakasalan ko na siya sa simbahan. Tudo kayod ako dito sa maynila dahil gusto kong ibigay sa kanya ang engranding kasal. Alam ko naman na ayaw ninyong ikasal kami. Pero sa ayaw at sa gusto ninyo siya parin ang papakasalan ko sa simbahan. Naipasa ko na sa NSO ang marriage certificate namin kaya asawa ko na si Sanjela. Nagulat ang kanyang ina sa kanyang sinabi. Alam niyang may kopya siyang naiwan sa drawer ng kanyang silid. “Bago manganak si Sanjela lumayas na siya sa pamamahay natin,”sabi ng kanyang ina. “What?” “Totoo ang sinasabi ko sa'yo hijo, tinanggap ko na ang asawa mo para sa magiging apo ko. Excited na nga kami ng daddy mo sa pagdating ng magiging apo namin,”mangiyak-ngiyak nitong sabi. “Pero may sakit na kleptomania pala si Sanjela. Kapag may nagugustuhan siya hindi niya hinihingi kundi ninanakaw niya. Nung nakaraang buwan tinangay niya ang mga alahas at pera. Umalis siya sa bahay natin at nagpakalayo-layo. Inaalala namin ng sobra ng daddy mo ang aming apo,”dagdag pa ng ina niya. No mom you lied! Hindi magagawa ni Sanjela ang mga ipinaratang ninyo tungkol sa kanya. She's honest, kind and adorable wife to me. “Alam kong hindi ka maniniwala sa sasabihin ko hijo. Kaya nag-file talaga ako ng kaso laban sa kanya. At heto ang kopya ng kasong isinampa namin sa kanya,"sabay pakita ni mommy ng papel na naglalaman nga ng pagsasampa nila ng kaso laban kay Sanjela. Damn it! Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang ina ko. Kailangan kong umuwi ng Mindanao para malaman ko ang totoo. I saw Sanjela 2 times mom, noong nakaraang araw sa hospital kung saan inadmit ko si Maurel dahil umaataki ang sakit niya sa ulo. Pangalawa ay kanina lang pumasok siya sa loob ng airport. Hindi ko alam kung pauwi siya ng Mindanao o kung saan. “Nakita mo siya? Nakita mo ba na dala niya ang apo namin? Saan siya papunta? Bakit hindi mo siya hinabol o pinigilan man lang. Sinasabi ko na nga ba eh, Tama ang kutob ko na tatakasan niya ang mga kasalanan niya. Gold digger ang babaeng iyon kayamanan lang natin ang habol niya. Ang mga alahas at pera na ninakaw niya mula sa pamamahay natin ay ang ginamit niya ngayon sa pagliwaliw. Unbelievable! Grabeh Pala ang saltik ng babaeng iyon. Noong una ko pa lang siyang nakita iba na ang kutob ko sa maamo niyang mukha,”salaysay ni mommy. “Nang pagsilbihan niya kami, ipinagluto ng almusal, pinagtimpla ng kape at tumutulong siya sa pagluluto ng lunch at dinner sa mga kasambahay natin. Nagbago ang pagtingin ko sa kanya, sabi ko nga mali pala ako ng prediction tungkol sa babaeng ito. Mabait nga pala talaga ito, kaya naisip ko na kapag nanganak na siya isasama ko siya dito sa maynila susurprisahin ka namin. Sabi pa nga niya “mommy huwag nalang tayong magpa gender reveal para surprise ang pagdating ni baby,”. Pumayag naman ako sa kagustuhan niya kaya hindi ko talaga matanggap ang biglaan niyang pag-alis sa bahay natin dala ang mga alahas at pera huhuhu,”umiiyak na sabi ni mommy. Nasaan ka ngayon Sanjela Valdez? Paano mo nagawa ang lahat ng ito sa akin at sa pamilya ko? Ang dami ko pa namang pangarap para sa ating dalawa. Nagsusumikap ako dahil gusto kong titingalain sa bayan natin ang magiging kasal natin. Sinisira mo ang lahat Sanjela, sinisira mo ang lahat ng pangarap ko para sa ating dalawa. Saan mo dinala ang anak ko? Where are you now b*tch? ****** Umalis si Axel sa kanyang condo at pumunta sa bar ng kaibigan niyang si Justine. Nagpakalulong sa alak para maibsan ang sakit na nadarama niya sa pagkawala ni Sanjela at ng kanilang anak. Hindi niya lubos maisip na niluluko siya ng babaeng minahal niya ng lubusan at pinakatiwalaan. “Anong nangyayari sa ulupong na yan?” tanong ni Ryan. “Wala pang sinabi eh, hintayin nalang natin na mag-share,”si Gian. Nagmahal lang naman ako mga pre, nagsumikap ako para mabigyan siya ng engranding kasal. Iniwan niya ako at ninakawan pa niya ang pamilya ko. Ngayon hindi ko alam kung nasaan sila ng anak ko. Buhay pa ba ang anak ko o patay na. “Ang laki pala ng problema mo bro.”sabi ni Ryan. “Saan mo ba nakilala ang babaeng iyan bro?”tanong ni Gian. Sa lugar namin, isa na siyang liscense nurse. At nag-iisang anak ng mga Valdez na may katamtamang pamumuhay. “Pabor ba ang mga magulang mo sa kanya?”tanong ni Justine. “Noong una hindi matanggap ni mommy si Sanjela. Dahil gusto ni mommy na pakasalan ko ang anak ng matalik niyang kaibigan. Nang kailangan kong bumalik dito sa maynila nakiusap ang mga magulang ko na iwanan ko si Sanjela sa kanila dahil gusto nilang alagaan ang magiging apo nila at naroon rin naman daw kasi ang pamilya ni Sanjela na gagabay. Palaging nagpapadala ng larawan si mommy na nagluluto, nagmimyerda at kung anu-ano pa ang mga ginagawa ni Sanjela sa bahay namin. Kaya kampante ako na okay na sila ni mommy. Pero bago daw manganak si Sanjela umalis siya sa bahay namin. Ninakaw niya ang lahat ng mga alahas at pera sa volt ng mga magulang ko. Nakita ko siya nung nakaraang araw sa Quezon City Medical Hospital ng dalhin ko si Maurel dahil umaataki ang sakit nito sa ulo. Walang emotion na nakatingin sa akin kasama ang isang doctor. Nakita kong namamaga ang mga mata niya at puno ng sakit ang kanyang mga tingin. Pangalawa nakita ko siya kanina sa Airport nang sunduin ko si mommy. “Nakausap mo ba siya palagi? Tinatawagan mo ba siya at kina-kamusta ang kalagayan niya?”Ryan asked. Hindi! Hindi ko siya nakakausap dahil kapag tumawag ako wala siya. Sabi ni mommy may ginagawa busy pa tapos papadalhan niya ako ng larawan ni Sanjela. Busy din ako sa project na ginagawa ko kaya kontento na ako sa mga larawan na natatanggap ko. Dumagdag pa na sa sa'kin inatas ang pag-monitor kay Maurel dahil nasa ibang bansa ang mga magulang nito. Sa tuwing balak kong bisitahin si Sanjela sa Mindanao kailangan kong i-admit siya sa hospital dahil umaataki ang sakit niya. “You are idiot Axel Santos ang laki mong tanga at napaka bobo mo. Damn you, binilog na ang ulo mo hindi mo pa nahahalata. Limang buwan mong hindi kinakausap ang babaeng ina ng magiging anak mo. Nagawa mong alagaan ang ibang babae o tawagin natin na babaeng nais ipakasal sa'yo ng mga magulang mo. Pero ang babaeng binuntis mo hindi mo makausap sa cellphone at hindi mo maalagaan. Isang tawag lang ni Mareul ba kamo naroon ka para alagaan. Isang tawag ba ng ina ng anak mo naroon ka para ibigay ang mga cravings niya? Alam mo Axel isa kang gago. Gago ka dahil mas pinahalagahan mo ang kalusugan ng ibang babae kaysa babaeng binuntis mo. Paano mo nasasabing nagsusumikap ka para sa kanya. Nagsusumikap ka kamo para maibigay ang engranding kasal para sa kanya. Ni hindi mo nga napagsumikapan ang ibigay ang mga cravings niya. Ni hindi mo nga napagsumikapan na i-monitor ang journey niya habang pinagbubuntis niya ang anak mo. Ni tawag wala, tao ka pa ba Axel Santos? Wala kang kwentang lalaki dapat lang sa'yo ang iwanan. Kung ako sa'yo alamin mo muna ang totoong mga pangyayari bago ka magpakalugmok dyan sa alak. Ipinanganak kang tanga dahil pinaikot kana hindi mo parin alam. Sa kwento mo pa lang ngayon natumbok ko ng may mali sa bawat eksina ng kwento mo. Nakakahiya ka bro dahil tumanda kana pero hindi mo parin alam kung paano gumagalaw ang editing, unfriend me kung mali man ang konklusiyon ko. Saka ka nalang magpakalunod dyan sa alak kapag nalaman mo na ang totoong kwento sa pag-alis ni Sanjela. Gawin mo munang makabuluhan at may totoong dahilan ang paglalasing mo,”mahabang litanya ni Zhykher bago umalis. “Speechless ako sa sinabi ni Zhykher bro. Walang imik lang iyon eh nag-o-obserba na pala sa kwento. Ang haba naman ng sinabi niya na halos hindi na siya humihinga. Pero ang ending parang may punto lahat ng sinabi niya eh,”si Gian. “Bobo ka nga Santos, paano mo nagawang hindi kinontak at kinausap ang ina ng anak mo?"si Justine. “Ewan ko lang mga bro kung anong kwento ang ipinapaabot ng ina ni Axel doon kay Sanjela. Dahil sa umpisa ng kwento hindi tanggap ng ina ni Axel si Sanjela. Hindi pinapakausap sa cellphone at puro larawan lang ang pinapadala. Tapos siya dito sa Manila inaalagaan ang babaeng nais ng ina niya na maging asawa nitong gago nating kaibigan. What if habang kanlong niya si Mareul may kumuha ng larawan at ipinakita kay Sanjela. Katulad ng dinala mo si Mareul sa hospital noong nakaraang araw. Nakita ba kayo ni Sanjela na naglakad kayo habang inaalalayan mo siya o kanlong mo si Mareul?”sabi ni Ryan. “Damn it!” “Confirmed nga na may panlilinlang na nangyayari,”napahampas si Justine sa mesa. “Good luck bro, mukhang naisahan ka rin ng sarili mong ina. Dalawa na tayong kalaban ang sariling pamilya para sa ating kaligayahan,”sabi ni Gian. Tumakbo si Axel palabas ng bar at hindi na nagpaalam sa kanila...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD