“Congratulation hija umaayon ang tadhana sa ating mga plano. Wala na sa landas ng anak ko ang hampaslupa na babaeng iyon. Pati ang anak nila ay wala na rin. Ilang buwan na ba kayong magkasama wala parin bang nangyari sa inyo ng anak ko Maurel? May isa pa tayong problema dahil ang sabi ng anak ko kanina naipasa na daw sa NSO ang marriage certificate nilang dalawa. Di ba may pinapirmahan kana kay Axel? Hindi mo ba naipasa kaagad iyon kay Atty? “Mommy Agnes kilalang batikan na lawyer si Atty. Jeremy Aragon at sa kanya ko inilapit ang pag-asikaso ng marriage certificate namin ng anak ninyo. Alam kong magagawaan niya ito ng paraan kaya huwag po kayong mag-alala. Tinatakot ka lang po ng anak ninyo. Besides sabi niyo nga umalis na ito, baka nangibang bansa na. Since, patay na ang mga magulang ni

