Oceane Isinama ko siya sa bahay kung saan ako nagtutor ng mga bata. Ito ang una namin destinayon. Mabilis siyang nagustuhan ng mga bata, pinakitaan niya ito ng isang makaluma at pang birthday party na magic. Pagkatapos ng tutorial ko, ipinasyal ko siya sa mall na malapit lang sa lugar namin. "Interesting.." sabi niya Napangiti naman ako sa itsura niya. Ang lawak kasi ng ngiti niya habang walang tigil sa paglingon sa paligid, tamang tama dahil wala pang masyadong tao sa mall ng mga sandaling iyon. "You guys are really amazing..." sabi ni Zaiden "Talaga? Wala naman kakaiba dito.. walang fairies na nag kalat sa daan, walang mga taong nakasakay sa walis..walang gumagamit ng magic.." sabi ko naman Napatingin siya sa akin. "How can you survive without magic?" "We have technologies.." sago

