Miranda Her Past Katulad ng aking pinagmulan, sa Section Fire ako nabibilang. Madali akong natuto sa mga lesson, magagaling na teacher ang nagtuturo sa school. Mahilig akong magbasa at mag-aral. Hindi rin ako palakaibigan sa sa ibang estudyante, mas gusto ko pa makipag laro at kwentuhan sa mga pinsan kong elves at fairies. After class tumatakas ako sa dorm para lang makapunta sa kakahuyan. Balitang balita noon pag atake ng mga alagad ng Dark Sorcerer. Ilan sa mga ito ang bampira at ang mga Soul Eater. Dahil iniisip ko na well protected ang mundo namin dahil sa four elemental orbs, hindi ako natatakot sa mga kwento kwento. Isang araw, pabalik na ako sa school galing sa pakikipaglaro sa mga kaibigan kong fairy ng may nakilala akong lalaki. Kasing edad ko ito. Maamo ang mukha nito at mukh

