JOSEPHINE “Itay, sige na po magsimba tayo bukas sa Antipolo, iyon na lang ang gift mo sa akin. Please…please Itay ko,” malambing ko pang sabi kay Itay. Sinadya ko pa siya sa office niya upang makausap dahil nga bihira kami magpangabot kapag sa bahay. Kung hindi Sabado at Linggo hindi ko ito matsambahan dahil sa busy nito sa trabaho. Katulong na kasi ito ni Lolo Artur sa kumpanya. Sa loob ng dalawang taon namin manirahan dito sa mansyon ni Lolo Artur, naging matalino na ng tingin ko kay Itay. Nag-englishing na kasi si Itay kaya nasabi kong matalino na siya. Nag-take pa ito ng short course ng business management sa loob ng six months sa kilalang university ng Manila. Sa kagustuhan din kasi ni Lolo Artur, upang magkaroon ng lubos na kaalaman si Itay, sa pagpapatkbo ng kanilang mga negosyo.

