Halos abot-abot ang kaba ko habang pabalik kami sa loob ng reception. Buhat-buhat ko kanina si Luna pero ngayon ay si Uno na ang may buhat sa kanya. Nakasunod silang dalawa sa akin. Alam kong pagtitinginan kami ng mga tao dahil kasama ko siya at higit pa roon ay kasama niya ang anak ko. Namin. Bakit naman kasi nandito siya? Inimbitahan ba siya nila Vida? I bite my lower lip ng pumasok kami sa gilid pero hindi kami nakaiwas sa tingin ng mga bisita. Bakit nga naman kasi magkasunod ang isang kilalang tao at hindi kilalang tao? Gusto kong lamunin ng lupa dahil dinner time at lahat ay kumakain. Si Lena ay halos mabilaukan pagkakita kay Uno at Luna, gayundin si Vida na nagpipicture taking ay nahinto. "Lucas! You are here!" maligayang tawag ni Tita Jasmine. So ibig sabihin si Tita Jasmi

