"Saan kayo ngayon?" Lena asked me after the event. Hindi pa siya aalis dahil mag stay daw siya sa after party. Hindi naman makawala kaagad si Vida sa mga bisita dahil nagpapicture sa kanya. Marami naman na kaming mga picture kanina kaya hindi na kami pumila pa. Nilingon ko si Uno na buhat-buhat ang tulog na si Luna. "Papahatid sa hotel." Lena scoffed and laughed, "Baks, may balur yan ditey sa Tagaytay. Pusta bente doon niya kayo dadalhin--" "Shocks! Naabutan ko pa rin kayo!" hingal na hingal na lumapit si Vida sa amin ni Lena. "Tignan mo ito. Kating-kati na yan maki chismis. Kanina pa yan." tawang-tawang sabi ni Lena. Inirapan lang ni Vida si Lena at sinulyapan sina Luna at Uno. "Bakla, knows na niya?" tanong niya. Tumango ako sa kanya. Katulad ng reaction ni Lena kanina ay gulat

