
Ilang taon na rin ang nagdaan ng makipaghiwalay si Vanessa sa lalaking kanyang minahal. Nang magkalayo sila ng landas ay sinikap ng dalaga na kalimutan na ang lahat ng mga pinagsamahan nilang dalawa. Ngunit kung kailan handa na siyang magmahal ulit ng iba, t'saka naman nagpakita muli sa kanya ang dating nobyo. Muli kayang mahalin ng dalaga ang lalaking batid niyang pagmamay-ari na ng iba?
