"Teka lang, I am not yet done talking to you. Gusto kong makita kung anong klase ng babae ang pinakasalan ni Mateo." Sabay tingin nito sa suot niya mula ulo hanggang paa. "Well, not bad for a fish vendor." Sabay tawa ng malakas. "Ano bang kailangan mo sa akin, Miss?" seryosong tanong niya. "Sa iyo, wala. Pero kay Mateo, meron," ngisi nito sa kan'ya. Malalim siyang napabuntong-hininga bago ulit magsalita. "Kung ganoon, siya ang hanapin mo at huwag ako." At mabilis na humakbang papaalis pero mabilis siya nitong nahabol at nahila ang buhok nito. "Ah ganoon ha?! Halika rito!" At malakas nitong hinila ang buhok niya dahilan para mapaupo siya sa may sahig. "Sumusobra ka na!" inis na sabi niya. "Bakit? Lalaban ka ba, ha?!" At hinila ulit ang buhok niya. Sa pagkakataong iyon ay lumaban na si

