bc

His Borrowed Life - SPG

book_age18+
7.5K
FOLLOW
56.5K
READ
billionaire
revenge
possessive
body exchange
second chance
dominant
drama
bxg
betrayal
husband
like
intro-logo
Blurb

This story is under revision and waiting for approval

Paano kung ang lalaking kasama mo sa bahay at inaakala mong asawa ay hindi pala ang iyong tunay na asawa? Hanggang saan aabot ang pagbabalat-kayo?

How far can an act of revenge go?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Halos alas-onse na iyon ng gabi nang lumabas siya ng opisina niya. Nang makita siya ni Romulo ay mabilis itong tumayo, ito ang kaisa-isang taong pinakapinagkakatiwalaan niya. "Boss, uwi na po kayo? Ipagmaneho ko na po kayo," sabi nito at mabilis siyang sinabayan mula sa paglalakad. "Huwag na, magpahinga ka na. Siguradong na-mimiss ka na rin ng pamilya mo," ngiti niya rito. "Sige boss, mag-iingat na lang po kayo," sabi nito at naghiwalay na sila ng direksiyon dahil nasa may special parking lot ang sasakyan niya. Nang makapasok sa loob ng sasakyan ay napabuntong-hininga siya. Mas'yado siyang pagod nitong mga nakaraang araw. Habang nagmamaneho ay parang may napansin siyang kakaiba sa may sasakyan niya. Huli na nang mapansin niyang walang break ang sinasakyan niyang sasakyan at mabubungo na niya ang papatawid na lalaking lumilipat ng kalsada. Isang malakas na salpok ang nagpadilim sa buong kamalayan niya. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nawalan ng malay, nang magmulat ng mga mata ay nakakaramdam pa siya ng kakaibang pagkahilo. Nang salatin niya ang noo ay kita niya sa isang kamay niya ang mga dugo. Dahan-dahan niyang dinukot ang cellphone niya sa may bulsa at nanginginig na tinawagan si Romulo. Nakaka-dalawang ring pa lamang ito nang mabilis na nito iyong sagutin. "Something happened. Please, come here as soon as possible," nanghihinang sabi niya. Isang mabilis na "Yes, boss!" lang ang narinig niya bago ito nawala sa linya. Alam nito kung saan siya pupuntahan dahil may access ito sa location niya. Wala pang sampung minuto ay nakarating na ito. Mabilis nitong tinawag ang private ambulance nila at sinakay sila nang taong nabunggo niya. Dinala sila sa private clinic nila. Halos hindi siya makagalaw dahil sa tindi ng sakit ng ulo niya. Marahil ay dahil iyon sa mga sugat na natamo niya. Isang lalaki pala ang nabunggo niya at kasalukuyang ginagamot. Dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman ay kailangan din siyang gamutin at dahan-dahan siyang nakatulog. Nang magmulat ng mga mata ay kaagad niyang nakitang tumayo mula sa kinauupuan nito si Romulo. "Boss, mabuti po at gising na kayo," ngiting sabi nito sa kan'ya. Marahan naman siyang tumango. "Halos dalawang araw din po kayong tulog at walang malay," seryosong sabi nito sa kan'ya. Kaagad naman siyang nagulat. Dalawang araw? Ganoon katagal siyang tulog? Marahil ay kasama na rin doon ang stress at pagod niya sa trabaho. "How about the man I hit? Kumusta na siya?" seryosong tanong niya rito. Mabilis itong napabuntong-hininga. "He is in coma, boss. Nagkaroon din siya ng severe brain damage, walang kasiguraduhan kung kailan siya magigising," malungkot na sabi nito sa kan'ya. Mabilis naman siyang tumango at dahan-dahang umupo. Mabilis naman siyang nalalayan ni Romulo. "Check all his details, I want it asap," seryosong sabi niya rito. Mabilis naman itong tumango at nagpaalam. Kailangan niyang malaman kung sino ang lalaking ito, hindi ito pwedeng malaman ng ibang tao dahil maaari nila itong gamitin laban sa kan'ya. Alam niyang maraming gustong pumatay sa kan'ya dahil sa negosyo. Nang salatin niya ang ulo niya ay ngayon niya pa lang namalayan na may benda pala roon. Marahan siyang tumayo patungo sa kwarto ng lalaking nabunggo niya. Nang makita ito ay maraming nakakabit na aparato sa katawan nito, may malaking benda rin ito sa ulo. But he can say that this man has a good body build, halos ay magkatulad lang sila ng pangangatawan at kulay ng balat. Bahagya pang kumikirot ang ulo niya kaya nagbalik siya sa kwarto niya at doon muling humiga. Halos dalawang oras lang na nawala si Romulo nang muling makabalik. Nang i-abot nito sa kan'ya ang isang folder na naglalaman ng lahat ng impormas'yon ng lalaki ay tila nakaramdam siya ng kaba. Dahan-dahan niya itong binuklat at bumungad sa kan'ya ang malaking litrato nito. He's impressed, may itsura ang lalaking ito. Name: Mateo Facun Santiago Age: 29 years old At marami pang ibang impormas'yon, pero ang pumukaw at nagpagimbal sa kan'ya ay ang huling nabasa. Spouse: Luisa Guillermo Child: Thor Guillermo Arceo Biglang napakunot ang noo niya. This can't be! Baka kapangalan lang nito ang babae. Pero nang dahan-dahan niyang ilipat ang pahina ay bumungad sa kan'ya ang isang family picture. Hindi niya namalayan na unti-unti na pala niya itong nalalamukos hanggang sa galit itong itapon sa kung saan. "Boss? May problema po ba?" kunot-noong tanong ni Romulo. "Are you sure that these informations are accurate?!" galit na tanong niya rito. "You already know Detective Javier, boss. Hindi siya nagbibigay ng maling impormas'yon lalo na sa inyo," seryosong sabi pa nito. "You may leave. And please, don't disturb me kahit anong mangyari," seryosong sabi niya nang hindi man lang tumitingin dito. Nang ganap itong makalabas ay mabilis niyang pinagbabato ang lahat ng gamit na mahawakan niya. He is so f*****g mad! Damn her! So, she is already happy? Habang siya ay miserable pa rin dahil sa pang-iiwan nito?! At mabilis siya nitong napalitan dahil halos anim na taon na pala itong kasal?! Damn you, Luisa! Magbabayad ka! Habang nakahiga ay nakaisip na siya nang maraming plano. Nang linggo rin na iyon ay sinabi na niya kay Romulo ang lahat ng plano niya. Nang una ay hindi ito naging sang-ayon, pero sinabi nito na maaaring makakabuti rin iyon para malaman nila kung sino talaga ang mga totoong kalaban nila sa negosyo. Nagpalagay siya ng pekeng tattoo sa may kanang braso niya na mabubura rin pagkaraan ng ilang buwan, pinatakpan niya rin ang birthmark niya sa may itaas ng tiyan niya, pinag-aralan niya rin ang mga kilos ni Mateo na kuha sa mga video na pinakuha niya kay Romulo. Hindi rin naman nalalayo ang boses at tindig nila ng lalaki kaya hindi ito naging mahirap para sa kan'ya. Nagpaturok na rin siya ng pampaputi dahil mas maputi ito sa kan'ya ng bahagya. Pagkaraan ng ilang linggo ay tinanggal na rin ang benda sa mukha niya. Kaagad siyang napangisi nang makita ang itsura sa salamin. His face is handsome, pero nasisigurado niyang mas gwapo pa rin siya rito. Samantalang ang totoong Mateo ay tulog pa rin at wala pa ring malay hanggang ngayon. Kinuha niya na rin ang wallet nito, cellphone at pati na rin ang wedding ring nito. Nagpalipas pa siya nang mahigit isang buwan para tuluyang maghilom ang mukha niya pagkatapos ay nakahanda na siya para puntahan si Luisa. Be ready, Luisa. I'll make your life miserable. Seryosong kausap niya sa litrato  nito pagkatapos ay mabilis na nilamukos.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.8K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook