Chapter 2

1053 Words
Dalawang buwan na rin ang nakakaraan nang huli niyang makausap ang taong tumawag sa kan'ya. Sinabi nito na may inaasikasong mahalagang negosyo sa may Singapore ang asawa niyang si Mateo kaya hindi ito makakauwi at hindi rin makakatawag sa kanila. Bakit hindi ito mismo ang tumawag sa kan'ya para ipaalam iyon? Sa totoo lang ay nilulukuban na rin siya ng takot na hindi niya maintindahan. Oo, alam niyang palaging busy si Mateo sa trabaho pero sa tuwing umaalis ito ay pinakamatagal na ang isang linggo. Bago nga ito umalis ay nag-away pa silang dalawa. Hindi nga niya maintindihan kung bakit basta na lang ito nagagalit sa kan'ya ng walang dahilan. "Mama?" tawag pansin sa kan'ya ng limang taong gulang niyang anak na si Thor. "Yes, anak?" nakangiting baling niya rito. "Mama, bakit po hindi na umuuwi rito si papa?" malungkot na tanong sa kan'ya nito. "Anak." Sabay buhat dito. "Hindi ba sabi ko sa iyo marami lang inaasikaso ang papa mo? Kapag mas lalo ka pang naging good boy, magugulat ka na lang dahil nasa may gate na pala siya." Ngiti niya pa rito sabay haplos sa may buhok nito. "Mama, good boy naman po ako. Hindi na po ba talaga tayo love ni papa?" seryosong tanong ng anak niya na nagpatigil sa kan'ya. "Anak--" Naputol ang sasabihin niya nang marinig nila ang pagbukas ng pintuan. At halos magulat siya nang dahan-dahan naglakad si Mateo papunta sa kanilang dalawa ng anak niya. "Papa!" sigaw ni Thor na mabilis na bumaba mula sa pagkakahawak niya at tumakbo papunta kay Mateo. Kita niya ang pagkatigil nito at mabilis na pagtingin sa kan'ya. Pero bakit tila kinabahan siya sa mga tingin na iyon? Bakit tila ibang tao ang nakikita niya? Pero mabilis niyang ipinilig ang ulo. Siguro ay naninibago lang siya dahil ngayon lang niya ulit ito nakita pagkaraan ng ilang buwan. "Mama! Nandito na ulit si papa! Love tayo ni papa, mama!" Nakangiting sigaw ni Thor at mabilis siyang hinila para makalapit kay Mateo. Nang ganap na makalapit ay parang mas nadagdagan ang takot niya. Bakit tila may galit sa mga mata nito habang nakatitig sa kan'ya? "Welcome home, love!" nakangiting sabi niya rito at mabilis itong niyakap. Ipinagwalang bahala na lang niya ang kakaibang napapansin. Naramdaman niya ang pagkagulat at paninigas ng katawan nito kaya mabilis siyang napahiwalay dito. "May problema ba, Mateo?" "Nothing, I am just tired," seryosong sabi nito sa kan'ya sabay iwas ng tingin. "Okay, magpahinga ka muna sa may kwarto natin habang nagluluto ako ng dinner," seryosong sabi niya rito na mabilis naman nitong ikinatango. "Papa, can we play first?" nakangiting tanong naman ni Thor dito. Matagal lang itong tinitigan ni Mateo, ni hindi nagsalita kaya siya na ang kusang bumasag ng katahimikan. "Ah Thor anak, hayaan mo munang mag-rest si papa, okay? Halika samahan mo na lang si mama magluto," ngiting baling niya rito sabay kuha ng isang kamay nito at mabilis itong hinila sa may kitchen. Nang silipin niya si Mateo ay mabilis na itong tumalikod. Napabuntong-hininga na lamang siya pagkatapos. Sinamahan siyang magluto ni Thor ng paborito ni Mateo na sinigang na hipon. Halos isang oras din siyang nagluto nang ganap na matapos. Sinabihan niya si Thor na tawagin na ang papa nito para kumain. Masaya naman si Thor habang hila-hila ang pupungas-pungas pa na ama. "Look papa, we made your favorite food." Nakangiting sabi ng anak niya habang masayang tinuturo ang pagkain sa lamesa. Proud na proud siya kay Thor dahil kahit bata pa ito ay makikitaan mo na ito ng pagiging bibo at matalino. Kita naman niya ang biglang pag-asim ng mukha ni Mateo. "May problema ba, love?" takang tanong niya rito. "You know I am allergic to shrimp--" pero bigla na lang itong napahinto at napamura nang mahina.  "I mean, I am not hungry. Kayo na lang ang kumain, mas gusto ko na lang magpahinga." Seryosong sabi nito at mabilis nang tumalikod at naglakad pabalik sa may kwarto nila. Gulat naman silang nagkatinginan ng anak. Kita niya ang lungkot sa mga mata nito kaya mabilis siyang ngumiti at nilapitan ito. "Tara anak, tayo na lang ang kumain. Intindihin mo muna si papa ha? Pagod lang talaga siya." Ngiti niya rito at hinila na ito para maupo. Kinuhanan na rin niya ito ng kanin at ulam. Habang tinitignan niya ang anak niya ay nalulungkot siya. Maging ito ay tila nararamdaman din ang pagiging malamig ni Mateo, may problema kaya ito? Nang matapos kumain ay mabilis siyang nagligpit at naghugas ng mga plato habang ang anak niya ay busy sa panunuod sa ipad nito. Nang matapos ay mabilis niya itong hinilamusan at pinatulog sa may kwarto nito. 3 years old pa lang ang anak niya ay sanay na itong matulog mag-isa. Mabilis niya itong hinalikan sa noo at isinara ang librong binabasa niya nang makitang mahimbing na itong natutulog. Nang silipin ang orasan sa may sala ay lampas alas-nueve na pala ng gabi. Nang pumasok sa may kwarto ay kita niyang nakahiga na sa may kama si Mateo habang nagbabasa ng libro. Kailan pa nahilig sa pagbabasa ng libro si Mateo? Kung meron man siyang isang taong kilala na mahilig magbasa ng libro ay-- Pero mabilis niyang binura ang nasa isip, matagal na niyang ibinaon sa limot ang taong iyon. Nang mapansin siya nito ay kita niya ang malalalim na titig nito sa kan'ya. "Hindi ka ba talaga nagugutom, love?" seryosong tanong niya rito. "I told you, I am not," balewalang sabi nito at patuloy lang sa pagbabasa. Mabilis naman siyang tumango at nagpunta na sa may banyo para mag-half bath. Binilisan lamang niya dahil pagod na rin naman siya at gusto ng magpahinga. Nagsuot na siya ng maikling nude nighties at lumabas. Halos lahat kasi ng pantulog niya ay puro ganoon, gusto kasi ni Mateo ay palagi siyang sexy sa paningin nito. Nang lumabas siya ay mabilis niyang inilagay ang isang binti niya sa may kama at naglagay ng lotion. "What the f**k are you doing?" iritableng tanong nito sa kan'ya. "Ha?" naguguluhang tanong naman niya rito. "Stop right there, doon ka mag-lotion sa labas kung gusto mo!" inis na sabi nito sabay talikod sa kan'ya. Nang matapos mag-lotion ay tumabi siya rito at mabilis itong niyakap. "Love, may problema ba?" Mabilis naman itong napabalikwas nang bangon kaya hindi sinasadyang mahulog siya sa may sahig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD