"Dalhin mo ako kay Mateo," matigas na sabi niya rito. Pero hindi ito nagsalita. "Travis! Dalhin mo ako sa asawa ko! sigaw niya rito. Pero hindi pa rin ito nagsasalita at nakatitig lang sa kan'ya. Pero mabilis niya itong pinaghahampas. "Travis, please! Anong ginawa mo sa kan'ya?! Buhay pa siya hindi ba?" kinakabahang tanong niya. "What if, he's not?" seryosong tanong nito sa kan'ya. Mabilis na nanlaki ang mga mata niya kasabay ng pagtulo ng mga luha sa magkabila niyang mga mata. "Napakasama mo!" Kita naman niyang biglang naging mabagsik ang mukha nito. "You love him that much, don't you?" inis na sabi nito. "Travis, please," pagmamakaawa niya rito. "Why don't you answer me?!" galit na sabi nito. "Oo!" pikit-matang sabi niya rito kahit na ang totoo ay maging siya ay hindi niya alam

