Dahil dito ay nakaramdam siya ng ibayong takot. Kaya mabilis siyang tumakbo nang tumakbo. Akmang sisgaw siya nang bigla siyang yakapin ng kung sino at takpan ang bibig niya. "Shhh. It's me." Nang tignan niya ito at nanlaki ang mga mata niya. Hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa kan'ya para yakapin ito ng mahigpit. Nang mapagtanto ang ginawa niya ay mabilis siyang bumitaw dito. "Sorry," nahihiyang sabi niya rito. "What happened, Luisa?" alalang tanong nito at mabilis na nahaplos ang isang pisngi nito. "Sinaktan ka ba niya?" "Travis, may kailangan akong sabihin--" "Luisa!" Mabilis silang napalingon at kita nila ang nanlilisik na mga mata ni Mateo. "Bitawan mo ang asawa ko!" inis na sabi nito nang nakalapit at mabilis na inundayan ng isang malakas na suntok si Travis. Mabilis

