"Mama! Gusto ko nang kulay blue na iyon oh!" sabay turo nito sa nagtitinda ng cotton candy. "Okay, pero kailangan mong i-brush maigi iyong teeth mo after, okay?" "Yes po, mama!" ngiti nito at mabilis na tumakbo sa nagtitinda ng cotton candy. "You saw him, right?" ngiting baling sa kan'ya ni Travis. Marahan naman siyang napatingin dito. "He's back with his real identity," seryoso pa rin na sabi nito. Napatitig lang siya rito pero hindi nagsasalita. Naiintindihan naman niya kung ano ang ibig nitong sabihin. Habang bumibili sila ng cotton candy ay napalingon sila sa boses na tumawag kay Wilson. "Hey! How are you!" masayang bati ng magandang babae kay Wilson. Nanlaki naman ang mga mata niya nang makita ang lalaking nakasunod dito. "Hey, Travvy! You didn't say na nandito rin pala si W

