"You are still in love with him." Mabilis naman siyang natigilan at napatingin sa nagmamanehong si Wilson. "A-Ano bang sinasabi mo?" Mabilis naman na itong napasulyap sa kan'ya pagkatapos ay napangisi bago ulit mabilis na bumaling sa daan. "Matatanda na tayo, Luisa. Don't be so hard on yourself. Alam ko ang nangyayari sa inyo ni Travis at hindi iyon makakapaglihim sa akin. Natatakot ka lang aminin ang katotohan because you are still married." "H-Hindi totoo iyan," tanggi niya rito. "Handa akong ipaputol ang isang daliri ko kung hindi ako tama. Itanggi mo man nang itanggi sa akin, deep down yourself you already know the truth. Alam kong hindi kailanman nawala ang pagmamahal mo kay Travis. Trust me, i'ved been there and it hurts like hell," seryosong sabi nito na hindi na lamang niya pi

