Prologue
"Pa, pa?" Tawag ko nang makapasok na ako sa loob ng bahay. Walang tao, ang tahimik. Ang mga basurang nagkalat ang amoy na alak ay sumusungaw sa paligid. May mga pinggang hindi nahugasan. Isang linggo lang akong hindi umuwi dahil kumayod para mag trabaho ganito ang madadatnan ko. I stared at the dirty floor. Parang hindi nalinisan ang bahay sa loob ng ilang buwan. The smell of beer clawing into my throat making me feel nauseous. I smiled bitterly 'so this is what I worked hard for?'
Nilibot ko ang sala pero wala kaya pumunta ako sa kusina. Ang lababo ay maraming maduduming pinggan na hindi pa nahuhugasan. Nagka patong patong ito at kulang nalang isang pirma ng langaw bibitaw na ang mga plato at malaglag sa sahig. Parang may naganap na party na hindi ko alam.
"Oh...buti naman at umuwi kana" bungad ni papa nang pinuntahan ko siya sa may duyan. Umiinom siya ng beer kasama si mama. Ngumiti ako at akmang lalapit sa kanila nang magsalita si mama.
"Magbihis ka, darating si Draco mamaya. Kukunin ka nya" naguguluhan kong tinignan si mama. She stared at me boringly. Magtatanong pa sana ako ngunit inunahan ako ni papa.
"Wala kaming pambayad sa utang namin sa kanya kaya isasangla ka namin" Nanikip ang dibdib ko at hindi ko kayang makipagtitigan sa kanila. Para akong ipinako sa aking kinatatayuan. I am just staring at them waiting for them to say it was just a joke pero wala. They continue on what they we're doing.
Parang wala lang ako sa kanila. Na hindi nila ako mahal...pero...mahal ba talaga nila ako? What is the reason for adopting me if they will do this to me? Akala ko detirminado silang magka-anak pero bakit? Bakit ganito sila nung dumating ako sa buhay nila?
"M-ma h-hindi magandang...biro yan" nauutal kong sabi. Uminit ang mga mata ko.
"Mukha ba kaming nagbibiro?" Mataray na tanong ni mama sakin.
"Wala ka namang silbi. Ang sahod mo hindi kasya sa mga gastusin sa bahay" hindi na ako nakapag timpi at sinuntok ang plywood na pintuan sa aming bahay. Napatingin sila sakin na para bang natigilan sa ginawa ko.
"For f*****g sake! I DID EVERYTHING FOR YOU!!" I burst out. Hindi ako nasaktan sa mga sinabi nila pero galit ako dahil wala silang utang na loob.
Before I could react, dumapo na ang kamay ni papa sa pisngi ko. Ang bilis nyang nakapunta sa kinaroroonan ko. Sinampal nya ako ulit nang akmang magsasalita pa ako. Para akong nahilo dahil sa huli nyang sampal. I touched my cheeks. Nakatingin lang ako kay papa na may namumuong luha sa mga mata. He looked away and massaged his temple. Nangingilid na ang luha ko, wala akong ibang narinig kundi ang pagtibok ng puso ko ng mabilis. Pumunta narin si mama samin para awatin si papa.
"Ito ba? Ito ba ang gusto nyong gawin sakin pagkatapos nyo akong ampunin?" nanghihina kong tanong sa kaniya matapos kong makabawi sa nangyari. He scoffed and his lips is curling into a mocking smirk.
"Huwag kang mag drama! Alam mo sa sarili mo na pinakain ka namin at binigyan ng bahay matutulugan at mga damit" pag susumbat ni mama. Mapakla akong natawa sa sinabi niya kasabay ng pagtulo ng aking mga luha na agad ko namang pinalis.
"Damit? Pagkain? Bahay?" I mockingly said and laugh out of humor.
"Damit? Binigyan niyo ko ng damit na ginamit niyo bilang basahan? Binigyan niyo ko ng pagkain pero galing sa basurahan? Binigyan nyo ko ng bahay pero sa kulungan ng aso ako natutulog? Sabihin niyo nga? Maganda ba ang buhay na binigay nyo sakin? Ako ang bumuhay sa sarili ko, hindi kayo!" Galit kong usal sa kanila. Tumalim ang titig ni mama sakin.
"Mahal ko kayo pero sobra nato! Hindi ko na kayang makipag plastikan...ma. Hindi ako tanga" nanghihina kong ani. Tumulo na ang mga luha ko habang humugot ng hininga. Galit na galit ako at gusto ko silang pag buhatan ng kamay pero. Mga magulang ko sila. Hindi kaya ng konsensya kong saktan sila.
Sa isang iglap bumagsak ako sa sahig. Napahiga. Nahihilo ako at pinilit ang sariling tumayo. Nakakahilo ang suntok ni papa.
"Natuto kanang sumagot? Yan ba ang natutunan mo dun? Ha? Kaya ka ba lumuwas ng bayan para matutong sagot-sagutin kami?!" madiin at galit na sigaw ni papa sakin. Sinubukan kong tumayo kahit na nahihilo. Inambahan ako ni papa ng suntok ngunit pinigilan siya ni mama. Hindi tumingin si mama sa mga mata ko. She looked away, sadness is visible in her eyes. Gusto kong yakapin nya ako, nasasaktan ako pero hindi nya ako tinapunan ng tingin. Dumaloy ang luha ko sa mga pisngi at agad na pinunasan yun gamit ang mga daliri at tinignan silang dalawa na ngayo'y matiim na nakatitig sakin.
I was about to speak when I heard footsteps inside our house. Maraming yapak ng paa papunta sa direksyon namin. Tumingin ako kila mama at nakita ko silang taranta at inayos ang sarili. Nilampasan nila ako at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
"Yes sir, nandito siya" rinig kong talak ni mama. I heard footsteps coming into my way kaya umakyat ako sa taas. Papasok na sana ako sa kuwarto nang may biglang humila sa buhok ko.
"Saan ka pupunta? Eto na ang magiging silbi mo sa buhay namin. Kaya huwag kang magtatangkang umalis" madiin ang pagkakatahawak ni papa sa buhok ko. Napapikit ako ng mariin habang iniinda ang sakit. Kinaladkad ako sa ibaba at inihagis sa harapan ng matangkad na lalaki. Nakatingin siya sakin, pandidiri ang una kong nakita sa kaniyang mga mata. Yumuko ako at tumayo. Kaharap ko na siya ngayon. Alam kong maraming pasa ang mukha ko pero wala akong pakialam.
"What happen to her face? I don't take interest on anything flawed" malamig ngunit ang kanyang boses ay may bahid na pagiging ma awtoridad. Sinalubong ko ang kanyang mga titig.
Lumunok ako nang mapagtantong matagal akong nakatitig sa mukha nya. The tension between us is heavy. Nanlambot ang mga tuhod ko na para bang hindi ko na kaya pang tumayo. I keep my pace. My face hurt but I don't care.
"I have to put on some concealer" I excused myself. Hindi na nanlaban sina papa at hinayaan akong umakyat. I can feel their intense stare at me. Nang makapasok ako ay agad kong ini-lock ang pintuan. I open the window in my room and got out from there. Maingat akong naglakad sa bubong ng bahay namin at tumalon.
"HEY!!" Sigaw ng isa sa mga tauhan ng lalaki. The man was already alarmed so as my parents. I ran towards the road. Maraming humahabol sa akin. I pushed myself to run as fast as I could. Nang napagtantong nakalayo na ako sa kanila ay agad akong lumiko sa kanto at nagtago doon.
Abot ang aking hininga habang naka upo sa likod ng malaking dumpster. I heard footsteps approaching to where I am kaya itinago ko ang sarili ng mabuti. Wala na akong narinig, kaya nakahinga ako ng maluwag.
"GOTCHA!" napasigaw ako nang higitin ng lalaki ang aking pala pulsuhan. Nanlaban ako at sinipa ang nasa gitna ng lalaki. Napa daing siya sa sobrang sakit. Umuulan at wala nang tao sa sidewalk. Nasa liblib na lugar na ako. Patuloy akong tumakbo kahit na napaka sakit na ng mga paa.
Napasigaw ako nang may biglang humila sa braso ko at tinakpan ng kung ano ang ilong ko dahilan para mawalan ako ng malay.