Hindi pa din mawala sa isip ko ang sinabi ni Christian na kung babae ako ay baka may gusto si Rex sakin. Medyo nainis naman ako sa sinabi niya pero di ko masyadong pinahalata dahil kakaayos lang namin ni Christian kaya sinabayan ko nalang siya sa trip niya. Matagal pa siya bago umuwe at ngayon ngang 11:30 na eh nakahiga na ako sa malambot kong kama na hinulma ko nang mabuti ang katawan ko dahil sa medyo sumakit ito.
Biglang sumagi sa akin ang sulat ng nasa regalo ni Rex.Tumayo ako. Kinuha ang sulat na kasalukuyan naka lagay sa lamesa ko.
Kinakabahan ako. Binuklat ko na.
"SANA MAGUSTUHAN MO. SALAMAT SA PAKIKINIG...
-REX"
Sa puntong iyon ay tinitigan ko ang relo. Nag-flashback sakin lahat ng mga nangyari sa amin sa Baguio at isa na doon ang muntikan na niya akong halikan.
Minabuti ko nang matulog ng mga sandaling iyon dahil dinalaw na din ako ng antok.
+
Mabilis lumipas ang araw at ngayon nga ay yung usapan namin ni Christian na sasamahan ko siya sa puntod ng mga magulang niya. At eto napaaga ata ako sa 7/11 na napag usapan namin na magkikita malapit na kasi ito sa sementeryo kung saan nakahimlay ang mga magulang niya na namatay sa aksidente.
Bumilang pa ng ilang minuto. Dumating na siya. Sa sementeryo lang kami pupunta pero ang gayak niya ay parang may ka-date.
"Ayos ang gayak ah,parang may date ah," salubong ko sa kanya.
"Oo may date ako," sagot niya seryosong nakatingin sa akin."Ikaw," dugtong niya at sabay tumawa ng malakas."syempre joke lang," habang tumatawa siya.Na mga sandaling iyon ay di ako masyadong natawa kasi nakaka-lalaki na mula pa noong isang gabi. Pero pinalagpas ko nalang.
"Tara na," sabi ko nalang na sinabayan sya sa tawa.
+
"Andito na tayo," nang huminto kami sa harap ng dalawang puntod. Ito na ang puntod ng mga magulang ni Christian. Nilagay na niya ang dala niyang basket ng bulaklak.
"Hi ma,pa,.. Si Patrick po….," nagulat ako na sinabi niya habang magkatabi kaming nakatayo. "...siya po ang sinasabi ko sa inyo na di ako sinamahan."
Bigla ko naman siyang siniko," ano kaba..hindi ko po kasi alam na pupunta kami dito noon." paliwang ko na takot at baka multuhin ako.
"Pa,ma,kausapin niyo nga siya na wag na nya ulit ako iiwanan kasi gusto ko lagi kong kasama itong si buddy. Ewan ko ba basta. Hindi ko maipaliwanag," mga salitang lumabas sa bibig niya na talagang kinagulat ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit, kasi habang nagsasalita siya ay ramdam ko ang emosyon niya na talagang ayaw niya ako na di ko siya kasama. Unti-unti na akong nagugulahan at madaming mga tanong sa isip ko. Bakit kaya ganito ang mga pinapakita at kinikilos ni Christian eh ang alam ko lang naman na naging kasalanan ko ay di ko siya nasamahan noong kailangan niya ako at parang maliit na dahilan iyon. Saan nga ba siya nanggagaling at nasabi niya iyon.
Noong mga sandaling narinig ko iyon ay di ko magawang makapag salita. Hindi ko kasi alam ang sasabihin. Ayaw ko naman kontrahin siya sa harap ng puntod ng mga magulang niya. At baka magtampo na naman siya.
Ilang minuto lang ang tinagal namin dahil nagbabadyang umulan. Hapon noon at nag-aya siyang kumain muna. Sinabi ko sa burgeran dahil paborito naman namin un ngunit tumanggi siya. Sabi niya na meron daw siyang alam. Kaya pumayag nalang ako.
Sumakay na kami ng tricycle at kinausap niya ang driver kung saan kami pupunta. Habang nasa daan ay tahimik lang kaming dalawa. Magkatabi kami sa loob ng tricycle. Ngunit ni isa ay walang nagsasalita. Siguro dahil nagtatansyahan kami dahil alam niya na nagulat ako sa mga sinabi niya.
Nasa labing limang minuto ang lumipas nang marating namin ang isang parke. Di lang simpleng parke kundi food park. Pagbaba ko ng tricycle ay nagulat ako sa dami ng mga stall ng streetfoods. Nakapaikot sila sa malawak na parkeng ito. Buti nalang at di natuloy ang ulan at mae-enjoy namin ang pagpunta dito. May stall ng mga fishball,..lugaw at lomi,,meron pang pambata katulad ng cotton candy at kahit hapon na ay may sorbetes pa. At unti-unti nang dumadating mga tao. May mga mag anak,may magkakaibigan at magjo-jowa.
"Meron palang ganito dito sa atin,bakit di ko alam to," sabi ko kau Christian habang naglalakad kami patungo sa may stall ng isawan. Ang ganda kasi ng place dahil punong puno ng ilaw.May ilaw na akala mong mga lobo na mga nakasabit at iyon na ang magiging ilaw sa buong parke.
"Bago palang sila mga 2 weeks palang sila nabalitaan ko lang din to,kaya dito kita dinala kasi masarap magpunta dito nang may kasama," masayang tugon niya.
Umorder ako ng isaw dahil isa sa paborito ko to. Si Christian naman ay umorder ng isaw,betamax at isang proben. Madali lang naman iluto dahil naka pre cook na para kapag nagdagsa ang costumers ay madami nalang.
Nang naiabot na samin ang inorder namin na may kasamang suka na sa basong malaki ay binayaran na agad ni Christian. Siya daw ang taya dahil siya naman daw ang nag aya.
Bigla naman sumagi sa isip ko na gayak na gayak pa siya eh dito lang pala kami pupunta. Kaya palihim akong tumawa di ko na pansin na nakita pala ni Christian.
"Bakit ka napangiti?"
" Wala naisip ko lang na gayak na gayak ka tapos dito lang tayo pupunta," sabay tawa ko ng kunti.
At tumawa nalang din siya habang nakaupo na kami dito sa gilid ng parke. Sinimulan ko ng kainin ang isaw na habang minamasdan ang mga tao na parami ng parami dahil padilim na din at buti di natuloy ang ulan. Ganitong oras kasi talaga ang masarap mag foodtrip.
"Pasensya kana kanina," narinig ko na nagsalita si Christian kaya napatingin ako sa kanya.
"Pasensya kana kanina sa mga sinabi ko sa puntod nila mama at papa, na wag mo na akong iiwan. Hindi ko din kasi alam kung bakit ko nasabi iyon," paliwanag ni Christian.
"Ah wala yun,okey lang," sinabi ko lang pero napaisip din ako kung bakit talaga niya sinabi iyon.
"Pero buddy may sasabihin ako sayo," panimula ni Christian na simula na din ng kabog ng dibdib ko di ko alam kasi kung ano ang sasabihin niya.
"…buddy, noong nalaman ko na magkasama kayo ni Rex ay doon ko nalaman na gusto ko ako lang un kasama mo noon,siguro dahil nasanay ako na dahil madalas tayo magkasama. Ikaw na kasi naituturing kong kapatid. Na ilang taon ko nang di naranasan yung ganito na may kapatid ako," sinabi niya iyon ng seryoso at ramdam ko siya dahil nga ulila na siya at talagang sabik siya sa ganitong klase ng atensyon.
Halos naman walang mailabas na salita sa bibig ko nang mga oras na iyon. Basta ang alam ko lang ay naiintindihan ko siya.
Binalot kami ng katahimikan. At tanging naririnig lang namin ay ingay ng mga tao at mga nagtitinda.
Sumabalit binasag ko iyon,"wag kang mag alala buddy,trabaho lang kaya kami nagkakasama ni Rex at kung maging magkaibigan sigurado ako na magiging magkaibigan din kayo di lang katrabaho."
Tumango lang siya. At lumipas ang ilang minuto na seryosong usapan ay naisipan namin na maglakad lakad at i enjoy ang lugar.
+
Nakauwe na ako. Dumiretso agad ako sa kwarto at humiga sa kama. Minamasdan ang mga tala sa mga kisame ko.
Maya-maya pa ay kumatok at pumasok si nanay.
"Anak, kain na," bungad niya habang papalapit sakin at may hawak na mga papel at sa tingin ko ay mga bills sa bahay.
"Patrick anak,dumating na ang bill natin sa kuryente at tubig,"
Bumangon naman ako na may pagkuskos pa ng mata ko.
"oh nay," pag abot ko sa mga bills. Binasa at ngumiti sa nanay ko na isa sa mga lakas ko.
Sila kasi ang dahilan ko kaya ako lumalaban araw-araw. Walang ibang mahalaga sakin kundi ang kapakanan nila kaya kahit mahirapan ako ay kakayanin.
Napansin ni nanay na medyo malalim ang iniisip ko siguro nga dahil nanay ko siya kaya ramdam niya ako. "Nak,may problema kaba?"
"Wala naman nay," pagsisinungaling ko. Pero di naman siguro maituturing na problema kung nagugulahan lang ako sa mga nangyayari sakin.
Di naman masyadong kombinsido si nanay pero dahil sa narerespeto at wala naman akong balam sabihin sa kanya ay nagpasya na siyang lumabas. Hinalikan niya muna ako sa noo ko at naramdaman ko ang pagmamahal niya at ang gusto niyang ipahiwatig na andyan lang siya kapag kailangan ko ng kausap.
Pinababa na niya ako para kumain. Tumango lang ako at huminga ng malalim. Huminga muli. Umiikot sa isip ko ang mga inamin ni Christian na parang na pressure ako. Dahil sa kasalukuyan ay nagiging magkaibigan na din kami ni Rex. Siguro wala naman magiging problema kung maging magkaibigan kaming tatlo.
Ngunit sa toni ng pagsasalita ni Christian ay parang di sang-ayon sa pagiging malapit namin ni Rex. Siguro dahil sa una kaming naging magkaibigan at mahahati ang oras na magkasama kami na nangyari na nga na medyo kinasama ng loob niya.
Tumayo ako. At napansin ko ang sulat ni Rex sakin. Napaisip na naman ako.
Itutuloy......