Chapter 12: The Letter

1536 Words
Isang magandang araw ang gumising sa akin. Dahil sa sobrang busy ko ng mga nakaraang araw dahil sa mga kung saan-saan nagpupunta si Rex ay deserve ko naman ang day-off. Maaraw. Maaliwalas.Ang buong kalangitan ng ako'y bumangon. Alas -dyis na. Oras na para dito naman ako sa bahay magtrabaho. Sinimulan ko ang araw ko sa paglilinis ng kwarto ko at ng buong bahay.Habang si nanay ay naghahanda ng mga panangkap ko sa pork kaldereta na ako ang magluluto. At dahil nga nasa eskwelahan si Jayjay ay mukhang bonding muna namin ni nanay ito. + Mabilis lumipas ang oras. Nakaupo at nanunuod ako ng T.V. nang makarinig ako ng isang iyak.Pigil na iyak. Hinina ko ang T.V. Pinakinggan kong mabuti kung saan nanggagaling. Nang mapalingon ako sa kwarto ni nanay. Nagtataka. Kinakabahan. Kaya mabilis akong nagtungo sa kwarto niya. Napahinto ako panandalian ng masilip ko sa nakabahagyang bukas ng pinto si nanay. Nakatalikod. At parang kung anong bagay ang iniiyakan niya. Naisip ko baka larawan ni tatay iyon namimis niya kasi malapit na ang anibersaryo ng pagkamatay niya. Hindi ko na muna inistorbo. Bumalik ako sa panonood ng T.V. Alas- tres na ng hapon bigla akong nagutom. Patakbo akong tumungo sa ref.. Binuksan ko. Ngunit wala man ako makitang makakain mailaban sa nanigas ng kapirasong cake na nasa lagayan ng ice cream. Kaya naisip ko nalang na uminum nalang ng tubig at hintayin nalang ang hapunan. Pagkaupo ko sa sofa. Biglang may tumatawag sa labas ng gate. Mabilis akong lumabas. "Sino yan?" tanong ko habang papalapit sa gate. Natanaw ko naman ang isang food driver. "Ah sir, kayo po ba si Patrick,may delivery po kayo," sagot niya habang may kinukuha sa loob ng malaking kahon sa motor niya. "Ah sir baka nagkakamali po kayo, wala akong ino-order," paliwanag ko na totoo naman na wala akong ino-order na pagkain. "Sir wala na po kayong babayaran,pinadala lang po ito," paliwanag ni kuyang rider na inaabot na sakin ang isang paper bag ng Jollibee. "Sino sir nagpadala?" nagtataka kong tanong dahil bigla-biglang may dumadating na pagkain sakin na wala manlang pasabi. "Si sir Rex po, Rex Baculfo," sabi ni kuya rider na kinuhanan ako ng picture para daw proof na natanggap ko. "Ah thank you," Nagulat. Nagtataka. Nagbumalik ako sa loob at binababa sa lamesa ang mga pagkain. Nilabas ko sa paper bag ang laman. Isang Family bundles. Spaghetti at fried chicken meron pang tatlong softdrinks. Kinuha ko ang selpon ko. Kinuhanan ko ng litrato. Maya-maya ay tumawag si Rex. "Bakit? Ano 'to?" pambungad na tanong ko sa kanya. "Meryenda," sagot niya na halatang nakangiti. "Ang ibig kong sabihin,bakit nagpadala ka." " Bakit ayaw mo ba? Alam ko kasing gutumin ka?" may pang aasar na sabi niya sa akin. Hindi ko na ito tatanggihan andito na ito eh. Gutom na din naman ako. "Pero salamat ah," "Wala iyon, sige na magmeryenda na kayo dyan." pagputol niya sa usapan namin. Sa mga araw,buwan na kami magkasama ni Rex ay talagang nakita ko sa kanya na mabuting tao siya. At nagiging close pa kami habang tumatagal. Minsan nga nawawalan na ako ng oras kay Christian na pinagaawayan namin. Pareho ko naman silang kaibigan. Pareho silang ang turing sa akin ay kapatid. Madalas lang talaga kami magkasama ni Rex dahil assistant niya ako. Pero ibang saya ko kapag si Rex ang kasama ko. Kasi may ginagawa siya na napapangiti ako. "Wow kuya sarap naman,iba talaga kapag day off," bungad ni Jayjay na kararating lang galing eskwelahan ng makita ang mga pagkain sa lamesa. Nung mga sandaling iyon ay pababa na din si nanay at inaya ko na ngang magmeryenda. Hindi ko na nga sinabi sa kanila na kung saan galing ang pagkain akala nila ay binili ko. + Dahil nga sa kinain kong meryenda ay tiyak ko na hindi na ako kakain ng hapunan. Kaya nagsabi ako na aaakyat na ako. Nang bubuksan ko na ang pintuan ng kwarto ko ay napatingin ako sa bukas na kwarto ni nanay. At napansin ko ang isang papel sa ibabaw ng kama niya. Dahil parang pakiramdam ko na tinatawag ako na lapitan ko iyun ay unti-unti akong pumasok sa kwarto ni nanay. Kinakahaban na di ko alam dahilan kung bakit. Habang papalapit ako sa kama ni nanay ay mabilis na mabilis ang kabog ng dibdib ko. Pawisan. At tanging hininga ko ang naririnig ko. Kinuha ko ang papel na nakatiklop. Binuksan ko ng dahan-dahan. "Mahal ko, Alam ko na habang binabasa mo ito ay wala na ako. Pasensya kana huh,pinaghinaan ako ng loob. Hindi ko matanggap na nangyari sa atin ito. Ayoko na dahil sa akin ay kamuhian o kutyain kayo ng mga tao. Hindi ako ang may kasalanan sa aksidente. Ayokong madamay kayo ng mga bata. At para di makita ng mga bata na nakakulong at pag isipan na kriminal ang tatay nila ay tatapusin ko na. Sorry mahal ko,alam ko maiiwan ko ang responsibilidad ko kay Patrick pero di ko kayang makita na makita nila na ang tatay nila ay sistensyahan ng pagkakulong ng habang buhay sa kasalanan na di ko ginawa. Wag mo ng sabihin sa mga bata ang ginawa ko. Palabasin mo na inatake ako sa puso. Alagaan mo ang mga anak natin. Mahal na mahal ko kayo." Nanginginig. Umiiyak. Halos di ako makahinga. Para akong mababaliw. Kasi all this time,akala namin ay inatake si tatay sa puso pero ganito pala ang nangyari sa kanya. Hindi ko alam kung magagalit o matutuwa sa ginawa ni tatay dahil nagpakamatay siya para sa amin para di namin makita ang habang buhay niyang pagdurusa sa kulungan. Ngunit bakit kami madadamay. Pumasok si nanay," anak." Nakita niya akong umiiyak. Lumapit siya nang mapansin niyang hawak ko ang sulat ni tatay. Niyakap niya ako ng mahigpit. At nagsimula na din siyang umiyak. "Nay, bakit niyo nilihim sa amin ito?" tanong ko na patuloy ang pagluha ko "Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa inyo, wala akong magandang pagkakataon para sabihin. Pero naisip ko kapag ba sinabi ko sa inyo ay may magbabago ba,maiibalik ba ang buhay ng tatay niyo. At isa pa ayaw niya na madamay tayo. Mula noong namatay ang tatay mo dala-dala ko lahat ng ito sa puso ko." paliwanag niya sa akin na sobrang iyak niya. "At mula noon ay sinisisi ko din ang sarili ko na hindi ako naging mabuting asawa sa kanya nadi ko manlang siya nadamayan at napalakas ang loob niya. Anak pasensya kana, kung sa ganito mo pa nalaman lahat. Hindi ko alam kung dapat ba natin linisin ang pangalan ng tatay mo. Matagal na panahon na iyon. Saka anak ayoko na mapahamak kayo." dagdag oa niya. "Nay, ang hindi ko maintindihan bakit kailangan na magpakamatay ni tatay dapat hinarap niya iyon kung talagang wala siyang kasalanan." pagtatanong ko dahil kahit anong isip ko bakit di nilaban ni tatay kung kami talaga ang iniisip niya. "Patrick,marinig ka huh,sa kwento sa akin ng tatay mo ay pauwi na siya noon sakay niya ang company car nila ay biglang may isang nangyaring aksidente. Isang kotse daw ang mabilis ang takbo, dahil daw sa bilis ay nang aagaw na daw ng linya at pasingit singit pa, dahil doon ay nasagi ang sinasakyan ng tatay mo. Nabangga ng tatay mo ang isang kotse na di naman sinasadya. Namatay ang mag-asawang sakay ng kotse. Dahil siya ang nakabangga sa mag aswa ay siya ang nakulong ngunit pansamantalang pinalaya andoon ay masyado niyang ininda at inintindi ang nangyari. Di niya iyon pinasasabi sa inyo na noon ay abala kayo sa eskwela at mga bata pa. Patawad anak kung ngayon mo lang nalaman lahat." kwento ni nanay na ng matapos ay iyak ng iyak. "Kahit na nalaman na wala siyang kasalanan at balita ko ay mayaman at madaming koneksyon ang tunay na may sala nabaligtad ang sitwasyon pinalabas na ang tatay mo ang may kasalanan. Ang tatay mo ang sinisisi ng pamilya ng biktima. Napag-alamanan namin na kapag daw di umamin ng tatay mo ay madadamay pati ang pamilya niya. Kaya walang nagawa ang tatay mo para aminin ang kasalanan."dagdag pa ni nanay na ikinuwento na niya sakin lahat. Lumabas ako ng kwarto ni nanay na madaming katanungan sa isip ko hanggang sa makarating ako sa kwarto ko. "Bakit pumayag si tatay na madiin siya sa kasalanan na di niya ginawa? Sino ang mayaman at makapangyarihan na nagpabaligtad ng aksidente? Bakit kailangan na gipitin at sisihin si tatay at di niya naipagtanggol ang kanyang sarili?" Parang sasabog sa sakit ang ulo ko kakaisip. Hindi ko alam kung paano ko mapapahinto ang luha na patuloy na dumadaloy sa mga mata ko. Naaawa ako sa tatay ko na sinarili niya lahat ng sakit ng problema para di kami madamay. Sinakripisyo niya ang sarili niyang buhay para di kami madamay. + Kinabukasan ay taglay ko pa din ang lahat ng mga nalaman ko. Pero inisip ko kailangan kong lakasan ang loob ko para kila nanay at Jayjay. Sakabila noon ay hahapin ko talaga ang hustisya para kay tatay. Pero saan ako magsisimula? Paano? + Pumasok ako na hindi pinahalata na may problema kasi ayoko na munang pag usapan ulit. "Hey Patrick tawag sakin ni Rex na papalapit sa akin. "Oh Rex" pagbalik ko sa kanya. "tara may pupuntahan tayo,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD