Chapter 13: Confession #1

1040 Words
"Anong ginagawa natin dito sa bodega Rex?" habang binabaybay namin ang bodega. "May gusto lang akong sabihin sayo," maikling sagot niya. Nang makapasok na kami sa bodega ay sinara niya ang pintuan na gawa na kaya di na ako nangamba na mai-lock na naman kami. Tumingin siya sa akin ng seryoso. Nag-aalangan naman ako na ngumiti pero sinubukan ko pa din. Nag alis sya ng butones ng polo niya sa gawing leeg niya. Huminga ng malalim. Tinitigan niya ako. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Tanging blangkong mukha. Bumibilis na ang kabog ng dibdib ko ng mga sandaling iyon. Sinisikap ko na wag ipakita sa kanya na kinakabahan ako dahil kahit isang salita mula sa kanya ay wala akong marinig. Mas gusto lang siguro akong titigan. Kung pagagalitan niya ako na di ko alam kung kasalanan ko ay pagalitan na niya ako. "Patrick, hindi ko alam kong saan ako magsisimula," pagbasak ni Rex sa katahimikan sa gitna ng titigan namin. Minabuti ko na wag muna magsalita. Ayaw ko kasing putulin kung ano man ang gusto niyang sabihin sa akin. "Pero ang alam ko lang ay masaya ako kapag kasama ka,pakiramdam ko na may koneksyon tayo na di ko maintindihan." sinabi niya iyon na nagtataka kung binibiro lang niya ako,pinagtritripan pero kita ko sa mga mata niya na seryoso siya. Halos di naman ako makakilos sa kinatatayuan ko. Sa puntong iyon ay gusto ko nang magsalita pero parang wala akong naiisip na pwedeng sabihin. "Alam mo noong nagkita tayo sa bookstore,sinadya ko na agawin sayo ang librong iyon. Lahat ng sinabi ko sayo noon ay lahat kasinungalingan," patuloy niya na nagpapabilis ng t***k ng puso ko dahil di ko alam kung saan ito papunta. Pero nang marinig ko iyon ay kumunit ang noo ko kasi sobrang inis ko talaga sa kanya nung araw na iyon. "Gusto ko kasing magpapansin sayo noon. Pagpasok mo palang sa bookstore ay nakuha mo na ang atensyon ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko basta ang gusto ko lang noon ay kailangan maging magkaibigan tayo. Nung pinagbintangan mo ako na magnanakaw,mas lalo mo ao nakuha kasi ikaw yung taong galit sakin pero nag eenjoy ako. Ikaw yung taong tanging nagpahiya sa akin na kinagusto ko naman. Ewan ko Patrick, you caught me." naluluha siya na paranf nangingiti habang ako naman ay naghahalong emosyon,ano ba ang dapat na maging reaksyon ko sa mga naririnig ko mula sa kanya. Nagpatuloy pa siya,"Mula noong araw na iyon,hiniling ko talaga sa Dyos na magkita tayo ulit at di nga niya ako binigo. Nagkita tayo dito sa restaurant ko." "Teka,teka muna Rex," pagpigil ko sa kanya na hindi ko na kinakaya lahat ng naririnig ko.Hindi ko alam ang mararamdaman ko pero alam ko sa sarili ko na masaya din ako na kasama siya. Nakakaramdam din ako ng kakaiba satwing magkasama kami na hindi ko maipaliwanag. "Ano ba gusto mong sabihin,naguguluhan na ako?" lakas loob kong tanong sa kanya. Kasi di ako sanay na makarinig ng mga ganito sa kapwa ko lalaki. Lumapit siya sa akin, hinawakan niya ako sa balikat,"Patrick,ngayon alam ko na ang sarili ko,kilala ko na ang sarili ko, bisexual ako." Tuluyan ng bumuhos ang luha niya.Na napadukdok lang siya balikat ko. Halos binuhusan naman ako ng malamig na tubig sa lahat ng narinig ko. Pinabayaan ko lang muna na ganoon ang ayos namin. Kasi di ko alam ang sasabihin ko dahil kahit ako ay naguguluhan na din sa sarili ko. "Im think i falling in love with you Patrick," dagdag niya talagang medyo napatulak ako sa kanya dahil sa gulat. "Maiintindihan kita kung magagalit ka sa akin. Lalayuan mo ako. Okey lang yun,pero di ko na kayang itago ito. Habang tumatagal ay lalo akong nahuhulog sayo," lumuluhang sinasabi niya iyon na kita ko na talagang nahihirapan siya na itago dahil sa estado niya sa buhay. Gulong gulo na ako sa lahat ng narinig ko. Nilalabanan ko pa din ang emosyon ko dahil iniisip ko na lalaki ako di ako pwede na maging bading. Aalis na sana ako nagmagsalita muli siya,"Noong dinala kita sa Baguio ay plinano ko iyon,yung pagkasira ng kotse ay sinadya ko na kausapin yung gumagawa na wag muna tapusin nung gabi na iyon para doon tayo matulog at makasama pa kita. Alam ko din na hahalikan kita noon pero pinigilan ko sarili ko kasi baka di ka open sa ganito." Dahil sa narinig kong iyon na plinano niya lahat ay di ko napigilan sarili ko na masuntok siya,"gago kaba,pinaglaruan mo ako ano pa ang mga kasinungalingan mo noong gabi na iyon,yung kwento mo sa kapatid mo totoo ba iyon o kasinungalingan,pinagkatiwalaan kita." Napa upo naman siya na patuloy sa pag iyak at mabilis akong lumabas. Galit. Kalituhan ang nasa isip ko. Kinuha ko ang gamit ko sa locker ko at mabilis na lumabas,narinig ko na tinatawag ako ni Christian pero di ko siya pinansin.Gusto ko lang noong mga sandali na iyon ay makaalis ako. Lumayo. Malayong malayo. Gusto kong mapag isa. Sumakay ako sa jeep na di ko nakita kong saan papunta. Tulala. Parang tanga. Magulo ang isip. Tumutunog ang selpon ko na di ko sinasagot. Pinagtitinginan na ako ng mga tao sa jip. + "Anak san kaba galing? Madaling araw na. Bakit ganyan itsura mo. Amoy alak ka," salubong sa akin ni nanay na pasuray-suray akong pumasok. Hinintay pala niya ako makauwe. Hindi ako makapagsalita sa kanya. Niyakap ko lang siya ng mahigpit."Nay, i love you." "Ano bang nangyayari sayo anak?" tanong ni nanay habang nakaupo kami sa sala. "Nay,sorry kung nakainum ako. Di ko na po kasi alam ang gagawin ko." Hindi ko namalayan na unti-unti na akong nakatulog dahil sa kalasingan. Ramdam ko naman ang mga luha na umagos sa pisngi ko. + "gusto kita Patrick, I'm thinks im falling in love with you. "Gusto din kita Rex. Sorry kung nasaktan kita." Napasigaw ako. Napabalikwas.Panaginip lang pala. Napahawak ako sa ulo ko na parang binabarena. Napansin ko na mataas na ang araw. Kinuha ko ang selpon ko. 56 missed call at 23 text na parehong galing kay Rex at Christian. Hindi ko binuksan ang mga text. Bumalik ako sa pagkahiga. Tinitigan ang mga tala sa kisame ko. Hindi pa din mawala sa isip ko lahat ng mga sinabi ni Rex. Itutuloy......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD