Bumaba na ako na taglay ko pa din ang sakit ng ulo ko. Nang makarating ako sa kusina para uminum ng malamig na tubig ay naamoy ko ang nilulutong ulam ni nanay na nilagang baka. Alam niya kasi na lasing ako at sabaw ang bagay kapag may hang-over.
"Kabango naman nyan nay?" tanong ko,sabay yakap sa kanya galing sa likuran niya.
"Oo tamang tama sayo to, saan kaba galing na party kagabi,.nag-inuman ba kayo ng boss mo at si Christian?" sunod sunod na tanong ni nanay.
Kumalas ako ng pagkayakap.
"Hindi po nay,wala pong party," maikling sagot ko at kumuha ng malamig na tubig sa ref. at umupo.
"May problema ba Patrick?" tanong ni nanay. Siguro napansin niya na parang wala ako sa sarili.
Napatingin ako sa kanya. Di ko namalayan na may unti-unti nang tumutulong luha sa mata ko.
Lumapit si nanay at mahigpit na niyakap ako. Sabay sabing,"andito ang nanay,makikinig sayo."
Nung mga sandaling iyon ay nakaramdam ako ng isang galak sa puso ko. Alam ko kasi na may mapagsasabihan na ako ng nararamdaman ko.
Umupo si nanay sa harap ko,tinitigan niya ako at handa ng makinig sa kung ano man ang gusto kong sabihin.
Inihanda ko ang sarili ko at alam ko na medyo mabigat at mahaba haba itong usapan na ito.
"Nay,mula noong nawala na si tatay ay ikaw na ang gumabay sa amin ni Jayjay.
Hindi mo man kaya na igapang ako sa kolehiyo ay tinutupad ko naman iyon sa kapatid ko.
Hindi ka nagsawa na gumabay sa amin.
Hindi ko alam kung kailan nagsimula at di ko din alam kung paano ako magsisimulang tanggapin ito.
Nay,hindi po ako straight na lalaki, bakla po ako,hindi ko din po maiintindihan bakit ganito nangyayari sa akin,isang umaga na nagising ako na ramdam ko na may kakaiba sa akin.
At nakumpirma ito noong nagpunta kami ni Rex sa baguio ni Rex.Doon nakakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam na di ko dapat maramdaman sa kapwa lalaki. Pinilit ko na pigilan. Kasi di tama. Di ko gusto. Hindi ko na alam.Takot ako. Takot ako sa sasabihin ng iba tao,ng pamilya natin...ikaw nay,takot ako na kung anong magiging reaksyon mo.
Hanggang sa umamin si Rex sa akin kahapon na pakiramdam daw niya ay naiinlab na siya sa akin. Alam ko nay na mahirap tanggapin,pero alam nyo noong kaharap ko si Rex na habang sinasabi niya sa akin na gusto niya ako nakita ko sa mga mata niya ang walang pagkatakot. Walang takot kung ano ang pwede king reaksyon,kung ano sasabihin ng ibang tao,..ng pamilya niya. Yung mga mata na iyon ang nagpabukas ng tuluyan sa akin na kahit anong pigil ko pala ay makakawala pa din ito. Dahil iyon ang totoo. Eto talaga ako."
Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa amin ni nanay habang nkatingin lang siya akin na umiiyak na nang mga sandaling iyon.
Hinawakan ni nanay ang kamay ko."Anak..." pangangatal ng boses niya na halatang bubuhos na ang mga luha sa mga mata niya.
Hinatak niya ako para yakapin at doon na tuluyang humagulgol si nanay at lalo akong umiyak.
Isang yakap na sobrang higpit. Yakap na di ko maiipaliwanag pero sobrang gumaan ang pakiramdam ko.
Alam ko kasi sa mga sandaling iyon ay tinanggap na ni nanay kung sino at ano ako.
"Nak,Patrick,.."panimula ni nanay ng kumalas sa pagkayakap sa akin.
"Alam ko na di naging madali sa iyo ang pinagdaanan mo. Hindi din naging madali ang pag-amin mo. Pero anak,kahit gaano pa kahirap yan, tatanggapin ko,"patuloy pa rin siya sa pag iyak habang hawak ang kamay ko.
"...Dahil mahal na mahal kita. Wag mong isipin ang sasabihin ng iba. Sundin mo kung sino ka talaga. Kung nabubuhay pa ang tatay mo ay tiyak maiintindihan ka noon dahil naging isang mabuting anak ka at wala kaming rason para di ka namin tanggapin." sabi ni nanay na talagang punong-puno ng pagmamahal sa akin.
"Nay,salamat dahil tinanggap niyo ako. Alam ko na nadisappoint kayo sa akin. Pero nay, eto pa din po ako yung anak niyo na kailanman ay di magbabago ng pagmamahal sa inyo. Magbago man ang kasarian ko pero ang pagmamahal ko sa pamilya natin ay di magbabago." halong iyak at ngiti ng sinabi ko iyon kay nanay. At sinuklian naman niya ng isang malaking ngiti.
Napaka sarap sa feeling na nasabi ko na kung ano ang nararamdaman ko. Yung wala ng mabigat o pag aalinlangan sa dibdib ko.
Tinapos namin ni nanay ang isang tanghalian ng masaya at magaan sa feeling.
Dahil sa di ko pagpasok ay talagang nagtulog nalang ako sa kwarto.
"AKIN KA LANG PATRICK WALANG IBANG AANGKIN SAYO KUNDI AKO LANG!"
"SINO KABA? PAKAWALAN MO AKO!"tanong ko sa taong nasa labas ng silid.
Madilim sa kwarto hindi ko maaninag kung sino ang nagsasalita. Tanging maninipis na sinag ng araw galing sa mga bintana na tinakpan ang nagsisilbing liwanag sa buong silid.Takot. Kaba. Habang nakatali ang mga kamay ko. Kahit anong sigaw ko ay tila walang makakarinig.
Wala akong alam na may kaaway ako kaya wala akong alam na may gagawa sa akin nito. Pinipilit kong makawala. Mahigpit. Malakit ang lubid na nakatali sa kamay ko.
Palipit. Haltak. Kahit anong gawin ko ay di ko matanggal ang kamay ko.
Narinig ko na tila binubuksan ang pintuan. Nag-aabang. Natatakot. Nagtataka kung sino itong walang hiya na bakit kailangan pa akong igapos at ano ang kasalanan ko sa kanya.
Habang hinihintay na bumukas ang pintuan ay may nasipa ako sa aking paanan na sa pakiramdam ko ay tao. Tao na walang malay. Biglang tumindi ang takot ko kasi hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Bakit may tao dito? Patay kaya ito? Sino itong dumukot sa akin? Anong dahilan niya? Napadaming tanong sa isip ko na gusto ko ng sagot. Ngunit parang natatakot ako sa pwedeng sagot sa mga ito.
Tila ang lahat ay bumagal. Naging slow motion. Ang pagbukas ng pintuan na tila naka kadena. Ang pamimilit ko na makawala. Tanging pagod na hininga ko nalang ang naririnig.
Malapit ng bumukas ang pintuan at malalaman ko na kung sino ang lalaking dumukot sa akin. Ngunit sa pagbukas ng pintuan ay tumambad sa akin ang isang nakakasilaw na liwanag dahilan upang di ko makilala ang lalaking kasalukuyan ay nakatayo sa aking harapan. At ang tanging reaksyon ko lamang ay sumigaw ng malakas,"AHHHHHHH!!!"
"Anak,Patrick gising! Nanaginip ka!" pagtawag sa akin ni nanay.At bumalikwas ako sa kama.
Itutuloy....