Patungo ako sa kwarto ko na hinihimas ang tiyan ko. Sobrang busog ko sa niluto ni nanay na pinakbet.
Pagpasok ko sa kwarto ay kinuha ko agad ang selpon ko. Umaasa na baka may reply na si Christian. Ngunit bigo. Wala. Kahit na anong mensahe galing sa kanya. Siguro nga may aasikasuhin siya sa kanila. Pero mukhang seryoso naman dahil isang linggo ang leave niya.
Habang nakatingin sa selpon ko ay nagulat ako na biglang tumunog.
Tumatawag si Rex.
"Oh hello!"
"Sungit ah. Kumain kana?"
Tanong niya. Hindi ko talaga maintindihan ay natawa ako sa tanong niya.
"Oo katatapos lang.ikaw?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa eh,katagal mong lumabas eh. hahaha," sagot niya na biglang nanlaki ang mata ko. Mabilis kong binuksan ang bintana at lalong lumaki ang mata ko nang nakita ko ang kotse niya sa tapat ng bahay namin.
"A-anong ginagawa mo dito?" natatarantang tanong ko.
"Bilisan mo nalang. Papapasukin mo ba ako o hindi," tanong niya. Kaya pinatay ko na ang tawag at mabilis na bumaba ng hagdan. Dahil nga sa pagmamadali ko ay nakita ako ni nanay at ni jayjay na kasalukuyang nanonood ng t.v.
Narinig kong tinawag ako ni nanay ngunit di ko napansin. Mabilis kong tinungo ang pintuan at dumiretso sa gate. Sakto naman na nakatayo na siya doon at nakangiti ng nakakaloko.
"Bakit kaba kasi andito gabi na ah?" tanong ko ulit. Pero masaya ang pakiramdam ko kahit may kaba hahah.
"Wala akong kasamang kumain sa bahay eh kaya naisipan ko na puntahan kita."
"Eh nakakain na ako."
"Hindi mo manlang ba ako papasukin?"
tanong niya na halatang gustong pumasok.
Bago pa ako makasagot ay biglang nagsalita si nanay.
"Sino ba yan Rex?" tanong ni nanay na nakatayo sa may pintuan.
"Ah si Rex pala,pasok ka.Patrick bakit di mo manlang papasukin yang boss mo." sabi ng makilala niya si Rex.
Wala na akong nagawa at pumasok na nga ng tuloy tuloy tung si Rex. At medyo naiwan pa ako.
"Goodevening po tita," bati ni Rex kay nanay. At tinanguan lang niya jayjay na habang nanonood ng t.vm ay abala sa kaka selpon.
"Goodevening din, tara tuloy ka."
"Salamat po. Tita eto po oh." abot ni Rex ng isang paperbag ng fried chicken.
"Ah naku salamat. Nag abala ka pa?" sagot ni nanay na napatingin saakin.
"Patrick,dalin mo sa kusina. At baka di pa siya kumakain. Pakainin mo," utos ni nanay na iba ang tingin. Yung tingin niya na natutuwa sa mga nangyayari at may pakindat pa.
Alam niya kasi na umamin sakin si Rex. Kaya sinusuportahan niya ako mula noong umamin ako kay nanay.
Habang kumakain si Rex ay wala siyang lubay kakawento.
Inalala niya ulit kung pano ko siya pinahiya sa bookstore dati.
Mula daw kasi noon talagang nag pray siya na magkita ulit kami. At natawa daw siya ng lihim nang makita niya ako sa restaurant.
Medyo nahirapan nga daw siya na magpapansin sakin dahil close daw kami ni Christian. Kaya daw plinano daw niyang gawin akong assitant niya para daw araw araw magkasama kami.
Nang makatapos siyang kumain ay buong akala ko ay uuwe na siya.
"Pwede bang dito ako matulog?" tanong niya na muntik ko pang mabagsak ang platong hawak ko habang nililigpit ko na ang pinagkainan niya.
Tumingin ako sa kanya at malakas na sinabi "HINDI PWEDE!"
Pero imbis na makipagtalo ay pumunta sya kay nanay at tinanong kung saan ang kwarto ko dahilan niya ay may kukuhanin siya at ako daw ay naghuhugas ng pinggan.
Bago pa man ako makatutol ay naka akyat na siya ng hagdan.
Mabilis ko naman hinabol. At nakapasok na kami sa kwarto ko. Sinara ko ang pinto kasi ayoko na marinig ni nanay ang paguusapan namin.
"Bakit ka pa nagpunta sa kwarto ko?"
tanong ko na halos wala siyang naririnig kasi umiikot ang mga mata niya sa buong kwarto ko. Para siyang pulis na may hinahanap.
Kinulit ko pa siya. Ngunit nagbibingi bingihan lang siya na nakangit ng nakakaloko. Ang kinainis ko pa ay humiga siya sa kama ko.
"Umalis kana nga,"
Uling siya na akala mong bata.
Dahil sa ayoko ng ingay ay pinagbigyan ko nalang siya sa gusto niya.Uuwe din siguro siya mamaya.
Minabuti ko na umupo sa tabi niya. Bigla nalang niya ako hinaltak para humiga.
Dalawa na kaminv nakahiga at minamasdan ang mga bituin na nakadikit sa kisame ko.
"Para saan yan?" tanong niya.
"Ah yaan ba. Wala maganda kasi yan kapag patay na yung ilaw. Feeling ko kapag nakikita ko yan ay nakakalaya at nakakalipad ako hanggang sa kalawakan. Nakakalimutan ko ang mga problema ko."
Tumingin lang siya sa akin at ngumiti. At bigla niya akong niyakap.
"Alam ba nila tita yung tungkol sa atin?"
"Ah..alam niya na ganito ako pero di pa niya alam na yung satin,"
Bumangon siya at umupo.
"Alam ko na hindi madali itong relasyon natin. Pero pangako ko sayo kakayanin natin."
Umupo na din ako. At hinawakan ang kamay niya.
"Pareho nating haharapin kong ano man ang magiging problema."
Bigla niya akong niyakap. At tumayo na para magpaalam na uuwe na.
Hinatid ko na siya sa gate. Nakapag paalam naman na siya kila nanay. Ngunit si nanay mukhang mas gusto na doon na matulog si Rex.
Habang papasakay siya ng kotse ay sumesenyas na naman siya na ngumunguso at tinuturo niya ang pisngi niya.
Dahil nage-gets ko naman ang gusto niya. Tumingin mo na ako sa may pintuan namin at paligid baka may makakita dahil di pa ako handa sa mga ganito.
Pero imbis na halikan siya ay sinuntok ko ng pabiro ang pisngi niya at sinabihan na umuwe na at tumawa nalang ako.
Sumimangot naman siya at sinabihan ako na madimot.
At nung tuluyan na nga siyang makasakay ay ngumiti siya sa akin at sabay sabing,"dadaanan kita dito bukas,sabay tayong papasok."
Tumango nalang ako at ngumiti.
Tuluyan na nga siyang umalis.
Ako naman ay nilock ko na ang gate. Ngunit bago pa man ako makapasok sa loob ay tila may napansin akong nakatayong tao sa isang poste ng kuryente na tila nakatingin saakin.
Dahil sa takot ay mabilis akong pumasok sa bahay. At napansin ni nanay na tila natakot ako. Ngunit dahil ayaw ko na mag alala sila ay di ko nalang sinabi sa kanya.
Itutuloy.....